Kasalukuyan ako ngayong narito sa isang sikat na gawaan ng gown, kasama ko ngayon sina Ate Rey, Ate Lea at si Pia para sukatan at icheck doon sa design ng susuotin ko kung may babaguhin ba o ganun na. Hindi ko pa actually nakikita ang kinalabasan ng gown o hindi ko pa nga actually alam kung anong design ang pinagawa nila Ate para sa akin. Si Mico ay nauna nang nagsukat at nagcheck ng isusuot kahapon dahil mayroon siyang shoot ngayon at ako ay wala Ang motif ng ball na dadaluhan namin ay Black and Silver so dapat ay black o silver ang kulay na susuotin mo. Sa bawat ball din every year may mga pinipili sila bilang Best Dress, Best Couple at Face of the Night, bale sa dalawang kategorya iyon, isa sa mga babae at mga lalake. "I trust his creation naman talaga Ate Pia" biglang sabi ni Ate Rey

