Nakanganga lang ang bunganga ko sa hindi makapaniwalang sinabi ni Mico hanggang sa makarating kami sa kung saang lumalop man ng mundo kami nakarating. "Isara mo yang bunganga mo baka pasukan ng insekto, masyado ka namang nagugulat kahit alam mo na yung totoo" inirapan niya ako at saka pinatay ang makina ng kanyang sasakyan. Umiiling siyang lumabas ng kanyang sasakyan, wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya palabas dito. May pinindot siya sa kanyang kamay at tumunog ang sasakyan hudyat na nakalock na ito. Nang lingonin ko kung nasaan kami ay ganun na lamang ang kunot ng noo ko sa aking nabasa. Ice Cream Wonderland Dinala niya ako sa isang ice cream parlor? mahilig siya sa ice cream o baka naman siguro ay trip niya lang kumain nito kaya andito kami. Nagkibit balikat na lang ako

