"Ira, me and your dad will be out of the country next week for our expanding ng hospital. So maasahan ba kita dito sa bahay?" Tanong ni mommy habang nagaalmusal kami.
Napatingin naman kami pareho ni Phan sakanya.
"Seryoso mom? Hanggang kailan kayo dun?" Itatanong ko sana ngunit naunahan ako ni Phan.
"One month sweetie" sagot ni mommy. What! One month?! Paano kami nun? Dont get me wrong independent akong tao dahil madalas naman sila talagang umaalis ni Dad pero weeks lang. Ang pinakamatagal ata nila ay two weeks, not month.
"Mom naman! Seriously?" Hindi paring makapaniwalang tanong ko sakanya.
"Come on sweetie, alam ko naman kaya mo na dito besides nandito naman na si manang kung may mga kailangan kayo and mag-iiwan naman kami ng dagdag sa pera, para di kayo kulangin" sagot ni mommy. Napabuntong hininga na lamang ako. Palusot pa to si mommy mag hohoneymoon lang sila ni daddy e.
"kaya mo na dito nak, malaki kana" sipain ko kaya si daddy. Ano sa tingin niyo? Saya niya mang-asar e.
Palayasin ko na kaya magulang namin? Nagkakaroon ako ng diabetes dito sa bahay dahil sakanila e.
"In one condition" kumindat kindat pa ako sa tatay ko para matakot .
"I know I know, I already bought your condo, here is the key" inilabas ni daddy iyong susi sa kanyang bulsa.
Napatalon tuloy ako at yumakap sa tatay kong may hawak na kape at susi sa kamay. Bahala ka diyan kapag nabuhusan ka dad.
"But dont stay there for now since wala kami" natutuwang sabi ni mommy habang pinapanood akong pinagmamasdan ang susi at card ng condo ko.
Tumango tango naman ako. Ngayon ko lang naalala na kailangan ko na nga palang umalis na dahil mahuhuli ako sa OJT.
"Alis na po ko malalate na ko sa event bye" paalam ko kay daddy at mommy. Hinalikan ko muna sila sa pisngi bago lumabas ng bahay at sumakay ng kotse ko. Yes may sarili nakong kotse, well hindi naman kasi hinahayaan ni daddy na wala kami nun lalo na at 19 na ako.
Tumungo na ako sa gusali ng Paradise Records. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Mico. Ngumiti ako pero hindi man lang siya ngumiti sa aki. Sungit. Kung hindi lang kita crush e. Uh oh nasabi ko bang crush ko?
Hindi ko kasi makalimutan iyong nakaraang linggo. Hindi ko parin kasi talaga alam kung para saan iyong kanta at kung para saan yung mga tingin niyang iyon pero kasi madami din namang tao sa gilid nun. Ayoko mag assume okay, kaya nga hinahayaan ko na lang siya.
"Hi Ira" bati sa akin ni Rina habang papasok ako sa studio. Nakatoka kami ngayon sa lahat ng gagawin na events ni Mico. hindi ko alam kung paanong nagawa yun ni Rina pero naalala ko anak pala siya ng may-ari nito.
"Nakasalubong ko si Mico kanina, saan siya pupunta?" Tanong ko kay Mira. Oo alam niya.
Nagkibit balikat naman ang aking kaibigan
"Ewan ko, nagprapractice siya tas bigla-bigla nalang siyang umaalis" paliwanag niya sa akin.
"Ganon? Bago palang may attitude na?" Sabi ko. Totoo naman oo na crush ko lalo na yung mga kanta niya pero wow huh.
"Oy.oy huwag kang judgemental. May tumawag kasi ata kanina sakanya nagriring yung phone e" tumango tango na lamang ako. Hindi kasi pinapaliwanag ng maayos.
Maya maya pa ay bumalik ng muli si Mico, nakakunot ang noo at tila mas masama pa ang timpla ng kanyang mood kaysa kanina.
Walang kahit na sino ang may kayang tanungin siya kung okay na ba ulit na ipagpatuloy ang kanilang recording maging si Mira ay natatakot.
Tumingin silang lahat sakin. Pinanlakihan ko naman silang lahat ng mata. Huwag nilang sabihing ako ang ipapahamak nila.
Siniko ako ni Mira. Nginuso nguso niya ang nakatayong si Mico sa gilid habang umiinom ng tubig.
Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumapit kay Mico. Mas malala pa ito kesa sa pagpasok sa classroom ng terror kong teacher.
Paano ba naman kasi. Naka black shirt siya at nakablack jeans pagkatapos ay ganoon pa ang kanyang itsura. Sinong hindi matatakot?
Nang makalapit na ako sakanya ay nilingon niya ako at mas kumunot pa ang kanyang noo.
"What," pagsusungit nito. Naku kung hindi ka lang talaga gwapo at talentado.
"Ah... ah ano..." Ira naman umayos ka sa pagsasalita.
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niya na "kailangan mo ng magsalita kung hindi ay ipapatapon kita sa labas" na mukha.
Kaya umubo ako para maayos ang sarili ko. Sinong may gustong mapatapon sa labas ng studio.
"Ready ka na daw bang magpractice para sa recording?" Tanong ko sakanya.
Hindi niya ako sinagot samakatuwid ay sinarhan niya ang boteng kanina pa niya iniinuman at bumalik na siya sa sa kung saan man siya kanina.
Bumalik na rin ako sa kinauupuan ko kanina upang tulungan si Rina sa kung ano ang kanyang inaasikaso sa may mga staff pa na mayroon dito.
"Gosh ang sungit niya talaga" salpok sa upuan na mayroon doon.
"Gwapo naman" lingon sa akin ni Rina. Inirapan ko na lamang siya at inagaw ang mga hawak niyang schedules ni Mico.
Natapos ang kaniyang schedule sa araw na ito ng mga alas sais na ng hapon. Hindi rin ako naglunch dahil busy kami sa pag-aayos ng event ni Mico bukas sa isang guesting niya sa isang pang umagang slot. Dadamihan ko talagang kumain mamaya sa bahay.
"Ira" tawag sa akin ng head ng securities sa building.
"Po manong?" Lingon ko naman sakanya. Nauna na kanina si Rina na umalis dahil nagkaroon ng problema ang isa sa nga staff sa isang studio at kinailangan niyang tignan iyon.
"Ang daming media sa baba at sobrang dami po talaga nila" kumunot ang noo ko. Kapag sinabing sobrang dami, ibig sabihin madami talaga.
"Bakit daw po? Sinong pinunta? Ang legacy ba may recording ngayon" ang legacy ay ang boy band na tinutukoy ko na pinaka sikat ngayon dito sa bansa.
Umiling naman si manong.
"Si Mico po ang gusto nilang makita, may nakakita daw po kasing may kasama siyang artistang babae noong kahapon sa isang restaurant" nagulat ako sa kanyang sinabi. Si Mico may kasamang babae.
"Sigurado po ba yan? Bakit ayaw harapin ni Mico " tanong ko.
"Naku Ira, alam mo naman, hindi ba nga at ayaw niya sa mga ganun" nakakapagtaka talaga. ang dami niyang ayaw sa showbusiness ngayong pinasok niya naman.
Sinabihan ako ni Manong na kung puwede daw ay samahan ko siya sa may likod dumaan habang hinaharangan nila ang mga reporter sa labas.
Umoo na lamang ako dahil parte parin naman ng trabaho ko na siguraduhing ligtas ang lahat ng talents ng Paradise Records lalo pa at wala si Rina.
Pinuntahan ko ang lugar sa may likuran kung saan naghihintay si Mico. Inalalayan ko siya papunta doon sa may pintuan sa likod at inakay sa may sasakyan niya. Habang papalapit kami sa sasakyan niya ay walang kahit na sino ang nagsasalita. What do you expect Ira.
Bago siya nakalapit sa kanyang sasakyan ay may mga press o reporters na napapalapit sa amin.
Narinig ko ang malutong niyang mura at nagulat na lamang ako nang hilahin niya ang aking palapulsuhan upang magpunta sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito palayo
"Damn I really hate them all" mura niya habang papalayo kami sa mga iyon.
Napatingin ako sakanya. Teka nga! Bakit ba ako sinama ng isang to.
"Uulitin ko hah? Bakit ba pumasok ka sa ganitong bagay kung ayaw mo naman pala ng mga ganyan?" Uh oh. Nagtanong ba ako?
Tinignan niya ako ng masama ngunit binalik niya lang din sa kalsada ang tingin. Sabi ko nga tatahimik ako. Pero bakit kasi sinama niya ako.
"None of your business" ulit niya.
"E kung none of my business pala e bat mo pa ko sinakay dito! Nakakaloka" sisihin niyo siya.
"Do you want to die there?" Tanong niya sakin.
"O.A ka naman! Mamamatay agad?" Sumbat ko sakanya. Hindi na siya sumagot pero narinig ko ang pag 'tss niya.
Umiling na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Saan mo ko balak dalhin? Ibaba mo nalang ako sa kahit saan diyan" Tanong ko sakanya.
"am I safe with you?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong naman niya ako ng isa pang tanong. Tanong na hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.
"Huh?" Tanong ko pa ulit. Magtatanungan lang talaga kami at walang makakasagot ng bawat tanong namin.
"Nevermind. I cant just drop you off anywhere. Sumama ka nalang muna sa amin" wait ano daw saan? Saan daw?
"And dont ask too much, you are so nosy" sabi ko nga mamaya nako magtatanong e.
Maya maya ay nakarating kami sa isang condominum. Teka dito yung bagong condo ko a! Pero dito din ba yan nakatira?
Huminto ang sasakyan at bumaba na siya kaya bumaba narin ako.
Hindi siya nagsalita kaya sinundan ko na lamang siya hanggang sa makarating kami sa 18th floor.
My floor too. Uh oh.
Huminto siya sa isa sa mga pintuan dito. Sa may pinakadulo para eksakto. Room 324.
My room is 319. Medyo malapit pero malayo. Oo na magulo na.
Pagkapasok namin sa kanyang yunit ay mapapansin na napakaseryoso niyang tao. White and black colors ang nangibabaw. Pati narin ang pintura ay ganoon din. Maluwang ang yunit.
"Sit there. Stay and dont touch anything" sabi nito at pumasok na sa kwarto. Nakakainis bakit pa kasi ako sinama dito.
Pagkaupo ko sa sofa ng kanyang sala ay mapapansin mo agad ang malaking larawan ng isang babae sa tabi ng kanyang t.v
Maamo ang kanyang mukha. Halatang makinis ang balat. May pagkasingkit ang mata at may kulot na buhok. Sa tantya ko ay nasa 19 na gulang din ito.
Pamilyar siya sa akin. Tama isa siya sa mga naipapalabas sa t.v na pinapanood din ni Phan.
Sino nga ulit kaya siya? Siya ba ang sinasabi nilang kasama niya. Kaano ano niya si Mico?