Dinatnan namin si Mico sa opisina nina Mrs. Falcon, kinakausap nila ito tungkol sa mga issue na nasasangkot sakanya lalo na ang tungkol kay Lyra.
"You tell me the truth Mico " nadatnan naming pag-uusap nila ni tita Mia.
"Lyra already answered that and thats the truth" kibit balikat nitong sabi. Talaga ba Mico?
Tumango tango naman si tita Mia.
Bahagya siyang tumingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil tingin ko ay may galit ata ito sa akin.
"Okay then, mainam din naman na napapalapit ang pangalan mo kay Lyra dahil mas sisikat ka dito pero umiwas ka sa mga issue dahil hindi maganda iyan" tumango na lamang si Mico bilang sagot.
Bumaling naman sa amin si tita at ngumiti
"What can I do for you ladies?" Tanong niya.
Inabot naman ni Rina ang hawak niyang folder, agad naman itong chineck ni Tita Mia at tumango tango habang binabasa ito.
"Thank Goodness, ang bilis niyo talagang magtrabaho" napangiti naman ako doon, I wanna prove something that is why.
Agad din kaming nagpaalam dito.
"Sayang no, I though Lyra and Mico would be together" pag-uumpisa ni Rina.
Umirap ako dito. Kahapon pa siya banggit nang banggit sa issue nilang dalawa maging sa bahay actually. If you know Rina. If you just know
"Alam mo huwag mo na lang pansinin kasi, nasagot naman na. Cut it out Rina" sagot ko sakanya.
Napatingin siya sakin at agad na sinapak ang braso ko. Napadaing naman ako dito at sinamaan siya ng tingin.
"Bakit ba ang bitter at sungit mo kapag ang pinag-uusapan ay iyong tungkol sa issue nila Mico? Selos ka ba?" WTF did she just say?
"Asa ka naman Rina" why would I right?
Nagkibit balikat na lamang ito at naghiwalay na kami ng landas. Siya ay tutungo pa sa kanyang tatay para sa ibang folders.
Ako ay tutungo sa studio 15 upang icheck ang mga gagamitin nanaya sa recording ni Mico. Remember, kami ang nakatoka sakanya at araw-araw ko siyang nakikita.
Pagkapasok ko ay agad kong tinignan ang mga gagsmitin ni Mico na lyrics para sa recording niya sa loob ngunit bago iyon ay binasa ko muna ito.
"I don't even know your name" by Mico Salazar.
Ito iyong kinanta niya sa MOA grounds, dalawang linggo na ang nakakalipas. Bigla naman akong pinamulaan dahil sa naalala kaya sinampal ko na ang sarili ko dahil kung ano ano nanaman ang aking naiisip.
"What are you doing?" Napalingon ako sa basta basta na lamang sumusulpot na si Mico sa b****a ng studio.
Umiling lamang ako at binalik na ang mga papel na hawak ko at saka aalis na sana ngunit nahawakan nito ang braso ko. Tinignan ko siya.
"What? You are not going to talk to me now?" Tanong nito sa akin.
"Ah ano, baka lang kasi kako ayaw mo kong kausapin dahil nakita ko iyong---" pinutol nito ang aking sasabihin
"Nevermind. Get out" binitawan na niya ang hawak niyang braso ko at umupo sa may stool. Malapit sa may papel.
Ngunit nakatingin parin ako sakanya. Ano daw? Pinigilan niya ako tapos papaalisin lang din?
"Hindi mo ba ako narinig? I said get out" pag-uulit nito nang mapansin na hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.
Binuksan ko ang bibig ko upang magsalita ngunit isinara ko din ito dahil nakita ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang ibabato niya sa akin ang hawak niyang gitara na kapupulot niya lang. Mabilis akong lumabas ng studio.
Umiling iling ako nang makalabas ako doon. Para akong hindi nakakahinga kapag lagi siyang andiyan.
"Oh napano ka na niyan?" Tanong ni Rina nang makalapit ito sa akin.
Napatingin naman ako sakanya.
"Bakit ka pala andito? Dapat diba nasa loob ka? Tapos kana dun?" Nakakunot nitong tanong .
"Pinalayas ako ng magaling niyong talent e" sagot ko naman dito. Isang tawa lamang ang naisagot sa akin ni Rina
"Hindi naman talaga halatang high blood ka kay Mico nitong mga nakaraang araw ano?" Usisa nito.
"Hindi ako galit sakanya. Umiiwas lang ako sa ako sa maari niyang gawin" totoo naman kasasabi niya lang na huwag nakong lumapit sakanya pero ang gulo lang din talaga ng utak niya at kinausap niya ako.
"Ano naman ang puwede niyang gawin? Ang sungitan ka? Jusko believe me, lahat ng tao dito naranasan na yan. Hindi ka nag-iisa" natatawang asar nito sa akin.
You dont kniw anything Rina. Just so you know. Sasabihin ko sana ngunit nagkibit balikat na lamang ako.
Lumipas nang mabilis ang oras. Masyado akong madaming ginawa kaya naman sa condo yunit na ako umuwi dahil tamad na akong magdrive pa punta sa bahay at masyado na ding late, akalain mong 10 pm na kami natapos sa ginagawa namin. Mas malapit kasi ito sa Paradise Records kaya din siguro ito ang kinuha nila daddy.
Nang makarating ako sa floor kung nasaan ako, nagulat ako nang madatnan ko sa labas ng yunit nito ang sina Lyra at Mico. Bakit ba lagi ko nalang nadadatnan itong dalawang ito.
"I can't accept the ring Mico " sabi nito habang binabalik ang isang puting box na hawak nito. Gaya ng sabi ni Lyra siguro nga ay singsing ang laman nito.
"Why not?" Tanong ni Mico. Medyo tanga din po talaga si Mico. Pinagtatabuyan na pero ayaw paring tumigil. Hay pagmamahal.
"Mahal mo ba talaga ako Lyra? Kasi malapit na akong hindi maniwala sayo" Naoatanong siya kay Lyra. Sige Lyra answer that.
"Of course, I love you Mico pero like I said. Love is not enough" malumanay nitong sagot. Hindi tulad ng una ko silang nadatnan ay tahimik ang pag-uusap nila. Kaya sila nagtsitsimis e! Sa public place sila ganito. Sana pumapasok sila ng yunit ni Mico para private at hindi ko kasalanang narinig ko yan. Akoy isang tao lamang na may yunit din dito sa building na ito.
Umiling si Mico at siya naman ang nag walk out. Iniwan nito si Lyra na sinusundan ng tingin si Mico. Dumaan sa harap ko si Mico, nakatitig siya sa akin ngunit nilampasan niya lang din ako. Gulat man ngunit binawi lang din ni Lyra ang tingin nito nang makita niya ako.
Hindi pa man din nakakahakbang papunta sa yunit ko ay nilapitan ako ni Lyra.
"You saw us" hindi isang tanong ngunit isang deklarasyon.
"You can't tell this to everybody" matigas nitong sabi. Siya na humihingi ng pabor nagtataray pa. Babawiin ko na iyong sinabi ko noon na maamo ang mukha niya noong nakita ko siya ea telebisyon.
"I wont tell anyone. Dont worry" sabi ko na lamang sa huli.
"You better make sure" sabi nito. Aalis na siya ngunit pinigilan ko ang ito.
"Why are you doing this to him?" Wala na akong pakialam pero damn it. She is a bitch
Tinanggal nito ang kamay ko na nakahawak sakanya at tinaasan niya ako ng kilay.
"Who cares" inirapan niya ako at humakbang na siya paalis ngunit liningon ko siya sa hiling beses.
"Hindi mo siya mahal Lyra" hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon ngunit sinabi ko parin.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.
"You dont know a thing Miss" at naiwan ako doon.
Bakit ba lagi nalang akong naiiwan