Kabanata 27

1815 Words
"Lihim" Kabanata 27 Mabilis na lumipas ang anim na buwan... May maliit na sari sari store na si Ate Rosa at ang gulay nya ay pinapalako nalng nya sa mga batang gustong kumita ng pera para na rin makatulong sa pag aaral ng mga ito.. At aaminin kong sa loob ng anim na buwan na iyon mula ng malasing ako at pabirong sinabi ni Ate Rosa na mahal ko sya ay unti unting umusbong ang pagtingin ko para sa kanya.. Kapag nasa byahe ako ay palagi ko siyang naiisip.. Pati na rin si Ronron.. Sa tuwing nakakabalik ako galing Maynila ay sabik akong uuwe sa bahay para masilayan ang nakangiting si Ate Rosa na nag aantay sa pagdating ko ksama si Ronron sa labas ng bahay.. Tulad ngayon.. Bitbit ang binili kong pasalubong sa dalawa ay nagmamadali akong umuwe.. Pero agad na napakunot ang noo ko ng malayo pa ko ay natanaw ko si Kuya Cesar na nsa labas ng bahay namin.. Nakaupo ito sa upuang nasa labas at naninigarilyo.. Napangisi sya ng makita ako.. "Si tita Rosa? ", tanong ko sa lalaking nsa harap ko pero d man lang ako pinansin ng g*go sa halip ay humithit lng sya sa hawak na sigarilyo.. Dahil di ako pinansin nito ay pumasok na ko sa loob ng bahay.. At nadatnan ko si Ate Rosa na nagtitimpla ng juice sa isang pitshel.. Napansin kong nakapang alis ito na damit.. Nakasuot ng pantalon at kulay puting fit na damit na talagang nagpalabas sa taglay nitong kaseksihan... Agad akong umiwas ng tingin dahil tila nagkakaroon ako ng malisya sa nakikita ko... "Aalis ka? ", seryusong tanong ko kay Ate Rosa.. "sinong ksama mo ?", Umiling si Ate Rosa at ngumiti. "Anjan ka na pala Ron.. ", wika nya "nagtimpla ako ng juice.. Tamang tama may meryenda kang dala.. Halika meryenda tayo ", sabi nya at kinuha na ang pitshel para dalhin sa labas pero maagap ko syang hinawakan sa braso... "sagutin mo ang tanong ko! ", inis na saad ko "aalis ka? Ksama mo si Cesar? At saan kayo pupunta?", sunod sunod na tanong ko.. Tumigil si Ate Rosa dahil sa ginawa ko.. Tumingin sya sa kamay kong nakahawak sa braso nya.. "kakauwe lang namin ga----- "umalis na pala kayong dalawa?", tanong ko at agad na binitawan ang braso nya "nagdate ba kayo? ", "Ano ba yang pinagsasabi mo? Dinala namin si Ronron sa Hospital dahil may lagnat kagabi.. Natakot kse akong baka magkadengue si Ronron lalo na at uso yun ngayon.. Kakauwe lng nmin.", "bakit kay Cesar pa?", di ko alam bat yun ang nasabi ko.. "sya ang una kong nakita para hingan ng tulong ", sabi ni Ate Rosa at iniwan na ko sa kusina.. Naiinis akong baka gamitin ni Kuya Cesar ang pagkakataon na yun para mapalapit kay Ate Rosa.. Ayaw ko sya para kay Ate Rosa.. ---- Ngitngit ang loob kong sinilip ang dalawa sa siwang ng dingding na masayang nag uusap..., naiinis ako sa nakikita ko kaya umalis na ko at pumunta sa kwarto nina Ronron.. Sinipat ko kung may lagnat pa ito pero wala na.. Baka lagnat laki lng yun.. Pinunasan ko ang likod ni Ronron na basa ng pawis at pinatagilid to ng higa. Tatlong taon na si Ronron at napamahal na sa akin ang bata.. Tinapik tapik ko ang hita nito ng bahagya itong gumalaw..Ayaw ko pa syang magising.. Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Ate Rosa. "Nakaalis na ang bisita mo? Mukhang close na kayo aa ", wika ko pero nakatingin ako kay Ronron.. "ano bang nangyayare sayo Ron? Alangan nmang bastusin ko si Cesar pagkatapos nya akong tulungan. At isa pa pinagmeryenda ko lang nman yung tao", sabi ni Ate Rosa at umupo sa tabi ko para sipatin ang noo ng pamangkin.. Agad akong napatayo ng magkadikit ang balat namin ni Ate Rosa.. "Kelan mo sasabhin sa kanya na di mo ko totoong pamangkin? ", tanong ko.. Sa sinabi ko ay agad na napatingin sa akin si Ate Rosa. "bakit nman kaiLangan pa niyang malaman kung ano ang totoong ---- "ayaw ko ng isipin ng ibang tao na pamangkin mo ako ", putol ko sa sasabhin nya "pero bakit? ", takang tanong nya... "basta! ", sagot ko bago sya iwan sa kwarto.. --- "Ron !", galit na sigaw ni Kuya Cesar sa pangalan ko.. Nang makalapit sya ay agad nya kong tinulak. "anong sinabi mo sa tita Rosa mo at bigla nlng nya kong binasted ulit? ", galit na tanong nya sa akin.. "di ko alam ang sinaasabi mo! ", mahinahong wika ko.. Mag iisang buwan na kong di umuuwe sa bahay ni Ate Rosa.. Naiinis kase akong palagi nlang si Kuya Cesar ang madadatnan ko sa bahay sa tuwing uuwe ako galing byahe. "wag ka magsinungaling! Siguro. May sinabi ka sa tiyahin mo ---- " baka talagang ayaw nya sayo kaya ka nya binasted ulit saka di ka pa ba sanay? Lagi ka nmang basted noon aa ", pang iinis ko pa dito. At dahil sa sinabi ko ay sinuntok nya ko.. Pero sa halip na mainis ay tinawanan ko lng ito.. Gustong gusto ko syang asarin dahil nakikita kong pikon na pikon na sya.. Masaya akong malaman na binasted na sya ni Rosa... Oo.. Simula sa araw na ito ay d ko na sya tatawaging ate dahil alam ko sa sarili kong mahal ko na sya kht na malayo ang agwat ng edad naming dalawa. Habang sinusintok ako ni Kuya Cesar ay nagawa ko pang ngumiti habang nakatingin sa gig*l nyang mukha.. Maya maya ay inawat lng si Kuya Cesar ng ibang trabahador... "siguro may gusto ka sa tiyahin mo kaya mo ko sinisi---- "tumahimik ka na Cesar! ", saway ni Kuya Dodong.. Kaya agad na umalis si Kuya Cesar... "Ok ka Lang Ron? ", tanong ni Mikay .. Tumango ako. "pagpasensyahan mo na si Tito.. Desperado na talaga yun makahanap ng asawa ", biro nya kaya khit mahapdi ang sugat ko sa gilid ng labi ay nagawa kong ngumiti.. Nung gabing yun ay umuwe ako sa bahay.. Namimiss ko na si Rosa pati si Ronron.. ---- Nagulat si Rosa nang makita ako.. "si Kuya Cesar ba ang inaasahan mo?", tanong ko. Narinig ko ang pag iling ni Rosa.. "di ko lang inaasahan na uuwe ka ngayon ",wika nya "kumain ka na ba? ", "asan si Ronron?",tanong ko ng mapansing wala ang bata. "nasa kwarto.. Alas otso na ng gabi... Tulog na sya ", sagot ni Rosa.. "Rosa pwede ba tayong mag usap? ", tanong ko.. "anong tawag mo sa akin? ", gulat na tanong nya ng marinig ang sinabi ko.. "Anong masama kung tawagin kita sa pangalan mo? ",balik tanong ko sa kanya "gusto na ata kita Rosa ", walang paligoy ligoy na pag amin ko. Pero malakas na tawa lng narinig ko mula sa kanya. "anong nakakatawa sa sinabi ko?", "Naririnig mo ba ang sarili mo Ron? ", seryusong tanong nya ng huminto sya sa pagtawa. "Alam ko ang sinasabi ko! Mahal kita at walang msama dun! Dalaga ka.. Binata ako ----- "Mali ka! Matanda ako.. Bata ka! Anong sasabihin ng ---- "ibang tao na nman? Bkit ba sa tuwing magmamahal ang isang tao kailangan bang palaging iisipin ang sasabihin ng iba? ",putol ko sa sasabhin nya. Nakita kong tumayo na si Rosa at alam kong papasok na aya sa kwarto.. "kumain ka nlng jan Ron.. Gutom ka Lang.. ", wika nya bago sya tumalikod sa akin "magpahinga ka na pagkatapos at maaga ka pa bukas ", Naiwan ako mag isa sa sala at d man Lang sineryuso ni Rosa ang mga sinabi ko.. ---- SimuLa ng gabing sabhin ko kay Rosa ang nararamdaman ko ay iniiwasan nya ako sa tuwing sinusubukan kong kausapin sya tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.. At sa totoo lng ay nasasaktan ako.. Nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa ni Rosa.. Pader na si Rosa mismo ang may gawa.. At dahil nasaktan ako ay d na ko madalas umuwe sa bahay. Doon na ko sa hacienda namalagi.. Pumupunta lang ako tuwing linggo para ibigay ang mga pinamili ko para kay Ronron.. Hanggang sa mabilis na lumipas ang limabg buwan pa... Bali tatlong taon na kong nakatira sa Bicol... Ngayong araw ay naisipan kong bumisita sa bahay ni Rosa. .. Miss ko na sila ni Ronron. Kaya khit alas otso na ng gabi ay umuwe ako dala ang mga pinamili ko para sa kanilang dlawa.. Mahigit isang buwan din akong d nakauwe sa kanila dahil sa rush na orders ng mga buyer.. On demand ang mga gulay dahil December na. Nagtaka ako ng madatnan si Rosa na nakahiga sa sahig sa subrang kalasingan... Katabi pa nito ang walang laman na bote ng alak. "Rosa.? Bat ka naglasing? ", tanong ko at binuhat sya at inihiga sa kwarto.. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at malinis na bempo para punasan si Rosa.. "Kinuha na sa atin si Ronron ", humihikbing wika nya habang pinupunasan ko sya.. Sunod sunod ang pagdaloy ng luha sa mata nito.. "sinong kumuha?", tanong ko.. "Ang Papa nya! ", " bat mo binigay?", "bat d ko ibibigay? Anong karapatan ko dun sa bata?Ama sya.. Tiyahin lang ako! ", sabi nito at itinuro pa ang sarili.. "ang sakit sakit lang kse eh napamahal na sa akin yung bata! ", "Ssshhh.. Ok lang yan.. Babawiin natin si Ronron ", Di man lang ito kumibo habang patuloy sa pag iyak.. "wag ka ng umiyak.. ", wika ko pa. "bat pakiramdam ko pinarurusahan ako ng Diyos? Dahil ba sa naging kasalanan ko?", tanong nya sa akin... "Anong kasalanan ba?", tanong ko.. "IBINIGAY KO LANG NMAN ANG ANAK KO SA IBANG TAO! ", "May Anak ka? ", gulat na tanong ko.. "Oo! At alam mo ba.. Namat*y sya ng wala ako sa tabi nya! Oh db? Ang sama kong Ina? ", tumawa pa ito habang umiiyak.. "Ssshhhh..Pano mo nalaman na wala na ang anak mo?", tanong ko.. Ngayon na ang pagkakataon ko para malaman ang tungkol sa nakaraan ni Rosa.. "syempre! Hinanap ko si Risa.. Pero dinala nya ko sa puntod ng anak ko! ", sagot nito.. Nalungkot ako sa nalaman ko. "bakit mo nman pinamigay ang anak mo? ", tanong ko.. Pero mas lalo lang umiyak si Rosa.. "pinarurusahan na Nya ako Ron.. Di ba ko karapat dapat magmahal? Kaya pati si Ronron na ---- "mahal kita Rosa.. Andito ako! Karapat dapat kang magmahal at karapat dapat kang mahalin ", sabi ko sabay yakap sa kanya. Ngayong kailangan ni Rosa ng karamay ay narito ako para damayan sya.. Tulad ng pagdamay sya sa akin saga panahong kailangan ko ng taong makakaramay ko.. Kumalas ako at hinarap sya sa akin.. Tumingin sya sa akin kaya nagkatitigan kme.. Hanggang sa namalayan ko nlng na magkalapat na ang labi naming dalawa.. At nang gabing yun.. May namagitan sa amin ni Rosa.. -- Itutuloy.. Labas mga MARITES! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD