"Lihim"
Kabanta 21
HER POV
Halos mahigit ko ang paghinga ko ng makita ko ang dalawang pulang Linya na resulta ng Pregnancy test na binili ko..
Iyak tawa ang ginawa ko..
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to..
Nandito ako ngayon sa Cr ng Unibersidad na pinapasokan namin ng pinsan kong si Ron..
Nag aalala na akong di ako dinatnan ng buwanang dalaw ko kaya nagdesesyon na kung bumili ng PT..
At dahil takot ako na sa bahay ng Papa Jojo ko gawin ay dito ko sa School ng Cr namin napili kong gamitin ang Pt para malaman ko ang totoo..
"Anna.. Ayus ka lang? ", tanong ni Jovan na nsa labas ng pinto ng Cr...
Bawal syang pumasok dahiL pambabae ang palikurang ito...
Di ko alam ang isasagot ko..
Masaya kong malaman na nagbunga ang pagmamahalan namin ng pinsan kong si Ron..pero agad akong nabalot ng takot ng maalala kong di pwedeng malaman ng kahit sino lalo na ng pamiLya namin na buntis ako at si Ron ang Ama.. At isa pa.. Di rin pwede malaman ni Ron na buntis ako dahil baka ipilit nya ang bawal naming relasyon..
Mahal na mahal ko si Ron pero natatakot akong magalit sa akin ang mga magulang nmin...
Nanginginig akong lumabas ng Pinto ng Cr..
Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Jovan... At dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas ay agad akong napakapit sa braso nya.
"Anna? Ayus ka lang ba? ", nag aalang tanong nito...
Tumingin ako kay Jovan habang mabilis na nag uunahan ang mga luha ko sa pagpatak..
Inalalayan ako nito sa paglalakad at naghanap ng bakanteng upuan..
Nang makahanap ay maingat ako nitong inalalayan para makaupo..
Binuksan nya ang plastic bottle ng tubig na binili ko kanina at pinainom nya agad sa akin..
"Positive? ", tanong nya ...
Umiiyak parin ako at marahang tumango.. Si Jovan ang nakakaaLam ng pinakatatago tago naming sekreto ni Ron..
Ipinagtapat ko sa kanya ang totoo dahil nakita nya kameng naghahal*kan sa kusina ng bahay nina Papa Jojo..
"Di kita Huhusgahan Anna.. Alam kong nagmahal ka lang kaya wala akong karapatang husgahan ka ", salitang binitiwan ni Jovan kaya d na ko nag atubili pang aminin sa kanya ang totoo..
Matalik ko syang kaibigan at alam kong maiintindihan nya ko...
Kaya ipinagtapat ko sa kanya ang lahat.. Khit na ang namagitan sa amin ni Ron..
"alam kong nandid*ri ka sa akin Jovan dahil sa nalaman mo kaya maiintindihan ko kung iiwasan mo na ko ", turan ko kay Jovan na natahimik pagkatapos nang pinagtapat ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya iniyuko ko ang ulo ko..
"tulad ng sinabi ko Anna.. D kita huhusgahan.. ", narinig kong turan nya kaya napaangat ako ng tingin at nakita kong ngumiti sya ...
Maswerte akong nagkaroon ako ng kaibigang kagaya ni Jovan...
Natigil ako sa pagmumuni muni ng bigla akong niyakap ni Jovan...
Kaya mas lalo akong napahagolhol ng iyak..
"Jov..natatakot ako ", bulong ko dito..
"Ssshhh.. Wag kang matakot.. Nandito ako ", wika nya at naramdaman ko ang mahinang paghagod ng kamay nya sa likod ko "d kita pababayaan Anna dahil Kaibigan mo ako ",
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa mga mata nito..
"pano ko sasabhin kay Nanay at Tatay na buntis ako?Pano kong tanungin nila ako kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko?",
"Ako! Aakuin ko ang batang nasa sinapupunan mo ",
Nagulat ako sa sinabi ni Jovan.. Pero agad akong umiling...
"ayuko... Di mo kailangang gawin to Jovan... Sasabhin ko nlng kay Nanay at tatay na iniwan ako ng lalaking nakabuntis sa akin ",
"pero ako gusto kong gawin.. Kaya kong akuin ang pagiging ama sa anak mo.. Basta pumayag ka lang na magpakasal sa akin.. ",
"pero Jovan.. D kita Mahal... Alam mo nmang si Ron ang mahal ko khit na sabhing magpinsan kme ",
"alam ko yun Anna ", wika ni Jovan na malungkot na nakatingin sa mga mata ko "d nman kita pipiliting mahalin ako e pero umaasa akong balang araw matutunan mo rin akong mahalin.. ",
"Jovan.. Di ko kayang ----
"pumayag ka na Anna.. Para narin matigil kayo ng pinsan mo.. Kya kong bigyan ng magandang buhay ang anak mo... At di nya malalaman na hindi ako ang totoong Ama nya.. Ito lang ang tanging solusyon na naisip ko para sa iKabubuti ng lahat ",
Tama si Jovan.. Kung magpapakasal ako sa kanya.. Matitigil na ang kab. Hibangan namin ng pinsan kong si Ron.. ..
"Uuwe tayo sa probensya at doon tayo magpapakasal.. Pagkatapos mong nanganak ay pwede ka na ulit mag aral sa susunod na pasukan.. ",wika pa ni Jovan..
Dahil wala na kong pagpipilian ay pumayag na ko... Gulong gulo na ang isip ko at ayaw ko ng stressin pa ang sarili ko lalo na at buntis ako ..
----
"Buntis ka ba? ", tanong ni Ron sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin..
"Hindi.. ", agad na sagot ko.
"tumingin ka sa mata ko ",utos ko nya "sabihin mo sa akin.. Buntis ka ba? ", tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko..
Gustong gusto kong sabhin kay Ron ang totoo pero ayaw ko ng malaman nya ang totoo.. Dahil baka di ko kayanin pang gawin ang tama kapag sabhin ni Ron na ipaglaban namin ang pag iibigan namin khit mali..
"Hindi ", matapang na wika ko at deretsong tumingin sa mga mata nya..
Mga isang minuto kmeng nagtitigan at khit gusto ko ng kumurap ay pinigilan ko ang sarili ko...
Pero kalaunan ay napapayag ako ni Ron na sumama sa balak nyang pagpapakalayo layo..
Pumayag ako dahil mahal na mahal ko si Ron..
Saka ko nlang sasabhin na buntis ako kapag natuloy ang binabalak namin..
Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong hub*t hubad na nakayakap sa hub*t hub*d ding katawan ng pinsan kong si Ron..
"Di ko talagang kayang pigilan ang sarili kong mahalin ka ", wika ko sa katabi kong mahimbing na natutulog "mahal na mahal kita Ron.. ", at ipinikit ko na ang mga mata ko...
-----
"Asan ako? ", tanong ko kay Mama...
Inilibot ko ang mga mata ko at puting kwarto ang nakita ng mga mata ko...
"nsa hospital ka.. Isinugod ka dito dahil dinugo ka ", sagot ni Mama..
Biglang sumakit ang ulo ko ng naalala ko ang nangyare kanina...
Nahuli kme ni Ron ng Papa at Mama nya na magkatabi sa kama na kapwa walang sapl*t ang kat*wan...
Dahil sa takot sa galit ni Papa at pag aalala sa Tatay ko na nsa Hospital daw ay bigla akong din*go...
Nakita ko pa si Ron na pumasok sa Cr bago ako nawalan ng Malay...
"kamusta po ang Baby ko? ", tanong ko kay Mama...
"Safe sya.. Malakas ang kapit ng baby ", sagot ni Mama kaya nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman..
Agad kong naalala si Tatay kaya bigla akong napabangon ng higa..
"kamusta ka po si Tatay?", nag aalaLang tanong ko...
"Ok na sya ", sagot ni Papa na kakapasok lang sa pinto..
May dala itong isang balot ng prutas.. Alam kong galit parin sya sa akin dahil sa ginawa namin ni Ron pero alam ko ring labis syang nag aalala sa kalagayan ko...
NagsimuLa na namang pumatak ang mga luha ko at agad na yumuko..
Nahihiya ako kay Papa..
"Alam ba po ba ni Nanay at Tatay?", mahinang tanong ko..
"hindi ", sagot ni Tito.
Patuloy sa pag agos ang luha ko dahil sa narinig ko..
"Ako na po ang magsasabi ng totoo sa kanila ", wika kong nanatiling nakayuko.. "si Ron po? ",
"itinakwil ko na at ayuko ko na syang makita pa.! ", galit na turan ni Tito at sa totoo lang ay natakot ako. "sinabi ko sa kanyang wala na ang baby nyo pra lang wala na syang rason pang makipagkita sayo! "
D ako umimik sa sinabi ni Papa.. Mas mabuti na sigurong akalain ni Ron na wala na ang baby namin para maging maayos na ang lahat..
"Anna? Alam mo ba kong anong kahihiyan tong ginawa nyo ng pinsan mo? ", narinig kong tanong ni Papa..
Agad akong nag angat ng tingin para tumingin sa mga mata ni Papa..
"Maniwala ka po... Pinigilan namin dahil alam naming mali pero talagang mahal namin ang isa't isa ", umiiyak kong saad..
"di mabubura ng pagmamahalan nyong dlawa ang kahihiyan na ibinunga ng pag iibigan nyo...! ", madiing wika ni Papa "Magpinsan kayo! ",
"Alam po namin yun Papa pero ----
"tumahimik ka.. Gusto mo bang tawagan ko ang Tatay mo at sabhin ko sa kanyang buntis ka sa pinsan mo? ",
Takot akong umiling..
"wag po! ",
"pwes.. Kung ayaw mong malaman to ng mga magulang mo.. Umuwe ka ng probensya.. Tulad ng plano at magpakasal ka kay Jovan tulad ng sinasabi mo ",
"pero Papa.. ----
"bakit may balak ka pa bang ipaglaban ang pagmamahalan nyong dalawa ni Ron? ",
Umiling ako.
"pwes! Alam kong di titigil si Ron... Sabhin mo sa kanya na wala na ng baby nyo at para matapos na ang kahibangan nyo magpakasal ka na kay Jovan!! ",wika ni Papa bago ako iwan mag isa sa silid.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak..
----
Nang dumalaw si Papa Jojo sa Hospital ay sinabi kong buntis ako at si Jovan ang Ama ng batang nsa sinapupunan ko.. Kaya balak naming umuwe sa probensya para magpaksal...
Sakto nmang naroon si Jovan ng dumalaw ang Papa Jojo..
"kailangan mo talagang pakasalan ang pamangkin ko dahil nabuntis mo sya.. D nmn ako papayag na lumaking walang Ama ang magiging apo ko kay Ana ", wika ni Papa Jojo kay Jovan.. At talagang subra akong kinain ng konsensya..
Naramdaman kong hinawakan ni Jovan ang kamay ko...
"mahal ko po si Anna at handa po akong paksalan sya ", sabi ni Jovan at mahinang pinisil ang palad ko.
Tumingin ako kay Jovan at pilit ngumiti..
"nako... Kung di pa muntik makunan tong pamangkin ko.. Di ko pa malalaman talaga na buntis na pala to! ", sabi pa ni Papa Jojo..
"Pasensya na po ", saad ni Jovan at yumuko...
Gusto ng pumatak ng luha ko pero pinigilan ko.. Nahihiya ako kay Jovan dahil sya ang sumalo sa akin mula sa kahihiyang kinasasadlakan ko..
"salamat Jov ", bulong ko dito..
Tumingin sya sa akin at ngumiti..
---
Itutuloy❤