Kabanata 3

1121 Words
HINDI alam ni Eveleen kung matutuwa ba siyang natatakan na ng “accepted” ang registration card niya sa tulong ng binatang nakasalamuha niya kanina. Hindi rin ito nagtagal matapos makipag-usap sa kanila ng registrar. Limang minuto na siyang nasa labas ng silid na ‘yon at mukhang walang balak na tumuloy sa paglalakad. Kaliwa’t kanan ang tingin niya sa paligid. Kahit nang lumapit siya sa terrace grill ng palapag na iyon ay nakita niya pa ang karamihan ng estudyanteng nasa ibaba. Huminga siya nang malalim. Ang iba roon ay kilala siya at ang iba ay hindi naman. Alam niya ring magkikita sila ni Cherone dito kaya napaatras siya habang inililibot ang paningin. Nagsimula na siyang maglakad. Kailangan niyang magpatuloy. Nandito na siya at dahil natanggap na siya sa akademyang ito, wala nang atrasan. Hindi na pwedeng magbago ang isipan niya lalo na’t ang kanyang tiyuhin ang nagpapaaral sa kanya rito. Nakakahiya naman kung bigla na lang siyang aayaw. Alam niya kung ilang libong piso ang ginagastos ng mga magulang sa kanilang mga anak para lang maipasok sa prestihiyosong paaralang ito. Bago siya magpunta sa kanilang silid, tinungo niya muna ang comfort room at naghilamos. Hindi maalis sa kanya ang kabahan lalo na’t para bang iniestima siya ng mga mag-aaral na napapatingin sa kanya. Sa taong ito, isa lang ang New Year’s resolution niya—kailangan niyang magbago. Kailangang hindi siya magpadala sa pangmamata ng ibang tao. Kailangan niyang maging matapang. Hindi pwedeng kaunting pagkakamali lang o problema ay iiyak na siya kaagad. Muli siyang humugot ng malalim na paghinga habang hawak ang seradura ng pinto. Pinihit niya iyon pabukas at bumungad sa kanya ang mga kaklaseng tila hindi siya nakikita dahil sa kanya-kanyang pakikipag-usap ng mga ito. Mahigpit niyang hinawakan ang bag at naglakad upang maghanap ng bakanteng upuan na nasa aisle. “A-ah, excuse me…” Nilapitan niya ang isang dalagang naglalagay ng powder sa mukha. “What is it?” Hindi siya nito nilingon. “May…may nakaupo ba rito?” “Wala. You can sit beside me.” Payak siyang napangiti at nakahinga nang maluwag. Inurong niya ang kaunti ang upuan upang hindi niya ito maistorbo sa ginagawa. “What’s your name?” tanong nito sa kanya at saka siya nilingon. Napanganga pa nga siya sa ganda nito dahil sa kulay hazelnut brown nitong contact lenses. “Eve…Eveleen.” “Hi. I am Tiffany. You can call me Tiff.” Ngumiti ito sa kanya at muling nagpatuloy sa ginagawa. Tumango lang siya at kinuha na ang isang makapal na notebook sa bag. Habang abala siya sa pag-aayos ng bag ay naramdaman niya ang katahimikan sa buong paligid. “Oh, my God!” pabulong na sabi ni Tiffany kaya napahinto siya sa ginagawa. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita niya ang dalawang binata na kapapasok lang sa silid. Siya ‘yong kanina sa registration, hindi ba? Habang naglalakad ang dalawang ‘yon upang maghanap din ng upuan ay nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanila—kasama siya. Hindi niya maalis na hindi ito sundan ng titig dahil sa pogi ito. Oo, na-crush at first sight siya kanina. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay umiwas siya kaagad. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya na hindi mawari. Para siyang hinahabol ng aso sa bilis rin ng kanyang paghinga lalo na’t aisle lang ang pagitan nilang dalawa. Nasa iisang row lang sila at paniguradong hindi maiiwasan na magkaroon sila ng komunikasyon. “Ang gwapo niya, ‘no?” Nakapangalumbaba si Tiffany sa arm rest niya habang bulgarang nakatingin sa binata. “S-sakto lang…” Muli niyang kinalkal ang bag para sabihing mayroon lang siyang ginagawa. “Sakto lang? Aba, ang taas yata ng standards mo sa mga boys. Pero, mag-ayos ka. Hindi ka nila papansinin kung ganyan ka lang ka-simple,” payo pa nito sa kanya. Ngumiti na lang siya at tumango. Naantala ang kanilang mga ginagawa ng pumasok ang isang ginang na may hawak na tablet. Natahimik silang lahat sa tindig nito at sa masungit nitong itsura. “Good morning, everyone. I am Joelyn Bonifacio, you’re homeroom adviser for this academic year. Lahat ng problema, katanungan, suggestions na magmumula sa inyo ay kailangang sabihin sa akin directly. Hindi ako tumatanggap ng “sabi ni”, “sabi niya”, o “sabi nila”. Matuto kayong maging independent. Anyway, let me check your attendance.” Isa-isa nang tinatawag ang mga kaklase niya. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at paa dahil baka malaman ng mga ito ang pangalan niya at apelyido. Eh, ano naman? Malalaman talaga nila ‘yon kasi isang buong taon kayong magkakasa-kasama sa iisang classroom. “Eveleen Trejano.” Itinaas niya ang kanyang kamay. Mayroong siyang mga kaklase na napatingin sa kanya kaya umiwas siyang tumingin sa mga ito. “Wala ka bang friends?” pang-uusisa sa kanya ni Tiffany. Hindi siya makasagot. Ituturing niya pa rin bang kaibigan si Cherone kahit na siya mismo ang tumaboy rito? “Don’t mind me. Wala lang kasi akong magawa kaya chinichika kita. Naiingayan ka na ba sa akin?” “H-hindi naman.” Umiling pa siya. “That’s good! Pasensya ka na sa akin, ganito lang talaga ako.” Ngumiti pa ito sa kanya at saka muling ibinaling ang tingin sa adviser. Baby steps, Eveleen. Baby steps lang. “Saan ka kakain?” tanong pa ni Tiffany nang mag-ring ang bell. “Doon sa resto ng tito ko.” “Saan?” “Diyan banda sa…” Nahinto siya sa pagsasalita. Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya iyon sa dalaga dahil baka bigla na lang siya nitong iwasan kung malaman nitong mahirap lang siya at nagtatrabaho sa resto ng tito niya. “Saan? Sa Paulo’s Kitchen?” “O-oo.” “Tito mo ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong pa nito. “Oo, bakit?” “I had a crush on him. Had, ha? Kasi na-realize ko na matanda siya sa akin ng ilang taon. I need to let him go kahit na ang sarap ng pagkain sa mini resto niya,” madramang tugon nito sa kanya. “Gusto mong doon tayo kumain tapos ipapakilala kita sa kanya? Treat kita, gusto mo?” “Really? You’re doing it for me?” Nag-beautiful eyes pa ito sa kanya. “O-oo. Ano, pa-thank you ko na lang kasi approachable ka.” “OMG. Thank you so much and I really appreciate this!” “Wala ‘yon. Tara na. Thirty minutes lang ang break time natin.” “Pwede ba tayong doon na rin mag-lunch mamaya?” tanong pa sa kanya ni Tiffany habang naglalakad sila palabas ng silid. Masaya siya. Sana lang at magtuloy-tuloy itong pagbabagong-buhay niya nang hindi napupurnada ng kahit na sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD