MATAPOS ang ikalawang subject nina Eveleen ay lumabas ang mangilan-ngilang kaklase niya upang tumambay sa hallway. Sila namang nasa loob, kung hindi nagbabasa ay nagkukwentuhan katulad ng palagi nilang ginagawa—maliban sa kanya. Magmula nang malaman niyang magiging kaklase niya si Sophie, madalang na siyang lumabas ng classroom. Tuwing break time na lang din siya pumupunta sa rest room at dumidiretso na sa loob pagkatapos kumain. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila kilala kung sino ‘yong estudyanteng pinuntahan siya sa loob ng banyo upang sirain lang ang kanyang araw. Habang naghihintay, muli nilang nakita ang pagkaripas ng takbo ni Marky papasok sa loob ng classroom. Tumayo ito sa gitna na tila ba isang guro upang pukawin ang atensyon ng mga maiingay nilang kaklase. “Guys, makinig kay

