Chapter 4

1999 Words
Espánia Valeria's Pov "Good evening, Mrs. Romanov." Bati sa 'kin ng isang lalaki matapos kong tumapat sa kulay itim na Montero. Hanggang leeg ang haba ng itim na itim at medyo wavy nitong buhok. Mula roon, napunta na nang tuluyan ang aking paningin sa kaniyang mukha. Ang kanang kilay nito sinadyang guhitin ng dalawang linya  dahilan para mag-agaw ang pagiging natural na maamo ng mukha nito at pagkamisteryoso ng kaniyang aura. Marking a straight line on his lips, he opened the door for me. Saka ko lang napansin ang suot nitong polo. Kakulay 'yon at kapareho ng disenyo ng polo na sinusuot ni Dolce at ng ibang mga driver na naninilbihan para sa mga Romanov. Driver s'ya? Sa gwapo niyang 'yon? Didn't he know that he could be a matinee idol or model? By doing it he'll earn more. Masiyado siyang gwapo at makisig para maging driver lang ni Atlas. "Bakit, Aniá?" si Atlas. Ilang beses akong napakurap-kurap bago ko 'to hinarap at inilingan. "Wala," tugon ko. Tahimik akong dumiretso sa passenger seat. Ilang segundo pa ay pumasok na rin doon si Atlas. Matapos maisarado ng cute at misteryosong driver ni Atlas ang pinto ng kotse ay patakbo na 'tong umikot sa harapan para makapasok din. I didn't know I was holding my breathe for quite some time until Atlas leans closer to me and told me to relax. With my whole guard up, I positioned myself on the corner of my seat. "I-I'm relax," I stuttered making him smirk. Muli, bumalik siya sa dati niyang p'westo at humarap na lang sa bintana. Mahina at unti-unti kong pinakawalan ang mga naipon kong hangin sa baga. Akala ko mababalot na lang kaming dalawa nang katahimikan buong biyahe, ngunit nabasag din 'yon kalaunan nang marinig ko ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Oo nga pala. Hindi pa siya naghahapunan. Palihim ko 'tong tiningnan at nang unti-unti siyang magmulat ay ako naman ang pumikit. "Sir, gusto mo po bang dumaan muna tayo sa restaurant saglit? Mayroon din tayong madadaanan na drive thru." Rinig kong suhestyon ng driver ni Atlas. That voice, he sounds like a Greek God! Though, I haven't really heard a Greek God speaks but I'm sure as hell and I'm willing to bet my life that they just sound the same. I'm married and somehow committed to Atlantis but damn, I think I'm crushing on his driver. Ayos lang naman siguro. Crush lang naman e, it's not as if I'll have an affair with him. "H'wag na, Vieseryz. Dumiretso na tayo sa bahay. Doon ako kakain. I wanna try my wife's cooking." Dahil doon ay napilitan na akong iangat ang talukap ng aking mata. Nagtama ang paningin namin ni Atlas. Nalilitong itinuro ko ang sarili. Baka kasi namali lang ako nang dinig. Atlantis moves his head in response to my non-verbal question. "Siyempre, Espánia, ikaw... sa pagkakatanda ko wala naman akong ibang pinakasalan bukod sa 'yo," he said it so soft it feels like it can send tingling sensation in my body. "Ayaw mo ba? Ayos lang naman kung ayaw mo. Maybe you should take a rest once we're home," anito. Sasagot na sana ako kaya lang nagpakaabala na s'ya sa kaniyang cellphone. Ewan ko. Para kasing nangungunsensya s'ya. Umayos na lang ulit ako sa 'king pwesto. Sa rearview mirror, kitang-kita ko ang pag-iling ng driver ni Atlas na ayon na rin sa kaniya kanina ay Vieseryz ang pangalan. Asar naman. Kapag siya iyong mambabalewala sa 'kin kayang-kaya niya at nagawa niya sa loob ng ilang taon. Tapos ako hindi lang agad pumayag na magluto para sa kaniya, nakokonsensya na ng ganito. "Before I forget, Vieseryz, nasaan na 'yung paper bag?" bigla na lang nitong tanong. May kung anong ingay ng isang uri ng papel akong narinig. Mayamaya pa ay tuluyan na ngang iniabot ni Vieseryz kay Atlas ang paper bag na hinihingi nito. Ito talaga 'yung mga oras na hinihiling kong sana dala ko 'yung powerbank para naman naichacharge at nagagamit ko ang cellphone ko kahit wala ako sa bahay. Naoop kasi at the same time, nilalamon na rin ako ng curiousity ko sa kung ano ba ang laman ng paper bag na 'yon at kung para kanina 'yon. "Wife." He offered me the same paper bag. Para sa 'kin 'to? Ano na naman 'to? I know that he's aware that I just burnt his million earlier. Ta's may pasalubong na naman ako? Kinokonsensya niya ba talaga ako? Dapat ko na bang ibalik 'yung relo na binili ko? "T-Thank you." My eyes pops out after I get to feel the softness of the thing inside of the paper bag. Tuluyan ko na 'tong hinila paalis ng paper bag. Nang makumpirma ko na malong nga 'yon. Hindi ko na alam kung paano pa 'ko ngingiti. Finally, Atlantis gave me something that I want. Hindi naman talaga ako materialistic. Simple things like this is my happiness not the diamonds on the jewelries he loves giving me. "Asa's right. You'll love malong more than anything in this world." "Yes. Malong gives me comfort that I can't find to anything or anyone." I couldn't help but smile. Ipinatong ko 'yung paper bag sa gilid naming dalawa saka ibinalot ang malong sa 'king katawan. Ang lambot-lambot nito at ang sarap sa katawan. If it weren't for the small noises that I heard as the mansion's gates opened. I wouldn't even realize that we're home. Bago pa makalabas ng driver's seat si Viseryz, nauna na si Atlas at sumunod na 'ko. Still with the malong wrapped around my barely covered body. I walk to the front door. "Manay Lupe!" humagikhik kong tawag dito. Mabilis nitong ibinalik ang kumikislap pang ngiti sa kaniyang labi. "Mas maaga kang umuwi ngayon, ah. Akala ko aabutin pa kayo ng madaling araw roon. Sina Pixie ba kasabay mo na—Atlas, kailan ka pa dumating?" Like the usual, the two of them hugged. Ayon kay Mama Eula, malaki ang tulong ni Manay Lupe sa pagpapalaki sa magkakapatid kaya gano'n na lang din sila ka-close at affectionate sa matanda. "Kumain na ba kayo?" Hindi agad kami nakaimik na dalawa at nagkatinginan lang dahilan para gawin din ni Manay Lupe ang kaparehong bagay. She clapped her hands a bit. "Sige, ipapatawag ko na lang kayong mag-asawa kapag natapos akong magluto. Mabilis lang 'to, mga trenta minutos---," "Manay, a-ako na lang po. Gabi na rin kasi magpahinga na lang kayo. A-ako na pong bahala kay Atlas," sabi ko. Her panicking stops. She gape at me then slowly, her lips offers a mischievous curve. Napatango-tango ito na para bang napagtanto niya na sa wakas ang kung ano mang importanteng bagay. "H'wag niyo na rin pong gisingin ang ibang katulong. Ako na ang bahala sa lahat." I kissed her cheeks then sashayed to her favourite place in this mansion—the kitchen. Inalis ko ang malong sa 'king katawan at ipapatong na dapat 'to sa sandalan ng upuan dito sa dining nang mapansin ko ang pangalan kong nakaburda roon. Medyo madilim kasi sa kotse kanina kaya hindi ko 'to napansin. Espánia Valeria Herrero-Romanov. That sounds beautiful. Ipinilig ko ang aking ulo at itinulak na ang sarili na gawin ang bagay na ipinunta ko rito sa kusina. Looking at the cook book, I can't afford to cook something that will please his taste. Hindi kakayanin ng oras. Dapat iyong mabilis lang matapos para makakain na rin kaagad si Atlas. "Siguro naman kumakain siya ng gulay," bulong ko sa 'king sarili. Mula sa bahagyang pagkakatupi ng tuhod. Umayos na 'ko nang tayo sa harap ng ref matapos kong makuha ang maliit na pack ng mixed vegetables. Kumuha rin ako ng giniling mula sa ref. Habang hinahanda ang kakailanganin ko para sa pagluluto ng stir-fry veggies, nakasalang naman na ang sinaing. "My siblings gets to see you like this once in a while, how lucky of them." Pinatay ko ang gripo at lumingon sa 'king likuran. Sa counter, nakita ko si Atlantis na nakapangulambaba. Base na rin sa pagbabago ng damit niya na ngayon ay pares na nang pangtulog. Mukhang nakaligo na 'to. Kinuha ko ang maliit na kawali at sinalang 'yon sa stove. "Aniá, do you want to have our own house?" My smile freezes. Hindi ako makapagfocus sa pagluluto ngayon dahil sa mga tinatanong niya. Why is he opening up this topic? It's so sudden. Nang translucent na ang kulay ng sibuyas at medyo roasted na ang bawang, sunod ko nang inilagay 'yon sa kawali. Ginisa nang kaonti saka tinakpan. Atlantis took a step closer to me and I really feel so cautious. "Sarili nating bahay? Bakit, ayaw mo ba rito?" it's my turn to ask. He chuckled. The remaining steps between us is now gone. "Not that I don't want here. I just think it'll be better if we move to our new house before our children come." Nanlalaki ang mga matang naibalik ko sa kaniya ang aking paningin. I gulped. Mommy, even Itália and Eres told me about this. I just didn't see it coming so soon. Hindi ko inakala na ngayong taon din ilalatag sa 'kin ni Atlas ang ganitong usapin. Of course we will have child because we must have. "Tapos ako lang din ang maiiwang mag-isa roon palagi kasi wala ka naman? Ayoko, mas gusto ko rito. Atleast I have Asa..." Our eyes locked in, his suddenly turned blazing and mad. Mayroon ba akong nasabing mali? "And Pixie to entertain myself when you're not here," pagpapatuloy ko. Hinarap ko na ulit ang niluluto ko para ilagay roon ang mixed veggies at timplahan na rin 'yon. "I won't leave anymore. I'm switching my position with Tham. He'll be handling our businesses abroad." His words made me look at his crinkling eyes. "T-Talaga, Atlas?" His big of a warm hands crept from the side of my body and stayed on my waist. I swallowed hard and look down on it. His hold of me screams possessiveness and I like it—No, I love it. "Yes," he murmured, while moving his head. I tried to remain calm and cool but what he said made me feel giddy that I couldn't hide my smile. Galing sa 'kin, tumingin 'to sa niluluto ko. Inunat niya ang mahahabang braso para abutin ang switch ng stove at patayin 'to. "Patikim," kaswal niyang saad. Okay, alam ko naman na iyong pagkain ang tinutukoy nito pero sa hindi malamang dahilan, may ibang ideya pang lumitaw sa 'king utak dahil sa salitang 'yon. Maybe I should stop reading those magazine and those restricted 18 novels. I really should, dahil kung nababasa lang ni Atlas ang nasa isip ko. Nalunod na 'ko sa malalim na kahihiyan. "Baby..." he utters to bring me back to reality but the opposite happens. Mas lalo akong natulala sa kaniya. "Anong tinawag mo sa 'kin?" I am used of hearing him calling me wife, Espánia and Aniá but hearing him address me that... it made me feel hot and needy. "Baby." Ulit nito. That's it! With all the strength and braveness that I have. I tiptoed and pushes his head to claim his sultry lips. The first time our lips brushed and touch. Magic happens. Katulad nang nababasa ko sa mga romance book, parang bumagal ang pag-ikot ng sarili kong mundo at sabay naman doon ay ang pagbilis nang t***k ng aking puso. Nang pakawalan ko na ang labi niya. Umatake na sa 'kin ang kakaibang siklab ng kahihiyan. Dali-dali ko 'tong tinalikuran para kumuha ng mangkok na paglalagyan ko nang nilutong ulam. Ang bilis pa rin nang t***k ng puso ko pero kailangan kong umakto na wala lang 'yon. Dahil kung hindi, ewan ko na baka ikabaliw ko 'yon. "Kain ka na." Nakangiting anyaya ko rito. The soft smile on his lips quickly turns into an arrogant smile. Didiretso na sana ako sa lamesa nang bigla siyang humarang sa daraanan ko. Napilitan akong hanaping muli ang mga mata niyang nakatitig na pala sa 'kin, namumungay. "I want to kiss you again, Espánia. I want to kiss you all night... and not just on your lips."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD