Sumilip ako sa bintana ng private plane kung saan kami nakasakay na dalawa ni Atlas kasama ang ilang crew. Madilim ang kalangitan at malakas ang pag-ulan sa labas ngunit hindi naman gano'n kalakas ang hangin. Ayon na rin kay Atlas at sa kasama naming piloto ay wala naman daw bagyo sa bansa kaya hindi rin magtatagal ang ulan, paninigurado nila sa 'kin. "May signal naman siguro rito 'di ba? Tatawagan ko na lang sina Pixie mamaya kapag nasa villa na tayo." "Mayroong signal pero mahina lang. Matatawagan mo sila pero baka hindi rin kayo magkaintindihan dahil magiging choppy ang connection. Send them a text message instead." I keep his words in my head. Holding my phone that's in airplane mode. I finally felt that we're landing. Unti-unti nang umaahon sa 'king dibdib ang excitement na kanina

