Nang tumunog na ang hudyat nang pagtatapos ng huling klase ko ngayong araw ay nagmamadali kong ipinasok sa loob ng aking bag ang mga gamit ko. Isinara ito at sinukbit sa 'king likuran. Kahit na naririnig ko ang boses ni Pixie na tumatawag sa 'kin ay 'di ko na siya nagawa pang lingonin dahil masiyado na akong nagmamadali. Uuwi ako sa bahay ngayong araw. Itatanong ko kay Daddy kung siya ba talaga ang kumuha sa nawawalang pera. Kung sakaling siya nga, hindi ko na alam kung paano pa ako haharap kay Atlas at sa mga Romanov. Pagbaba nang sinakyan kong taxi ay naabutan kong binubuksan ng aming guard ang tarangkahan. Lumapit pa 'ko roon at nakita ang kulay itim at papaalis na SUV. Dahil hindi naman tinted ang mga bintana ng kotse ay nakita ko agad na si Mommy at Daddy ang lulan non. Pumitik ang

