Chapter 4

1346 Words
SHAUN POV Pagkatapos kong mag shower ay bumaba na ako para mag dinner. "Shaun, tawagin mo na din yung classmate mo para mag dinner." sabi ni Mom. "Okay po." Dali-dali naman akong umakyat sa hagdanan papunta sa guestroom. Kumatok muna ako sa pintuan kaso walang nagbubukas. Pinihit ko ang door knob at hindi ito naka lock. Tinulak ko ang pintuan para mabuksan ito at matawag na si Blake. Laking gulat ko nang makita ko siyang nakatapis lamang ng twalya! Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ganta ng kaniyang katawan! Mayroon siyang six-pack abs! Ang puti ng katawan niya! Napabalik ako sa ulirat ng tumalikod siya. Walang ano-ano'y sinarado ko ang pinto at dali-daling tumakbo papunta sa dining area. "Baby nasaan na si Blake." tanong ni Dad. "S-susunod na d-daw po s-siya." utal-utal kong sabi. Makalipas ang tatlong minuto ay bumaba na siya at tinawag ni Mom. Tahimik kami habang kumakain. Nararamdaman nila Mom and Dad na tahimik ako kaya hindi na sila nakapag pigil at tinanong na ako. "Baby, what's wrong? Masakit ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Dad. "N-no D-dad, i-i'm fine." pekeng ngiti kong sabi. "Okay, tell me kung may nararamdaman ka ha." "Y-yes D-dad." Tahimik din si Blake habang kumakain. Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil sa nangyari kanina! Natapos kaming kumain ng hindi nagpapansinan. Hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin sa kaniya! Nakakahiya! Simula kanina sa kotse hangggang dito sa bahay.. Nakakahiya! Pinagpahinga muna ni Mom and Dad si Blake bago umalis. "Tita, tito aalis na po ako." "Osige, mag-iingat ka ah." si Mom. "Opo, thank you po." nakangiting sabi ni Blake. "Baby Shaun, ihatid mo si Blake sa labas ha." nakakalokong ngiting sabi ni Mom. "O-okay po." Nauna na akong lumabas sa bahay para ihatid siya. Nakasunod naman siya sa likuran ko. "B-blake thank y-you sa paghatid k-kanina." nahihiya kong sabi. "W-wala 'yon." simpleng ngiti niyang sabi. "A-and s-sorry." nakatungo kong sabi. "For what?" nagtataka niyang tanong. "Y-y-yung sa k-kotse, tsaka s-sa guest r-room.. sorry." "O-okay lang, nagustuhan ko din naman e." hindi ko narinig yung sa dulo! "Ano 'yon?" "Wala, sabi ko aalis na ako." "Ahh.. O-okay, ingat k-ka." "Yeah, thank you.. see you tomorrow Baby Shaun." sabay sakay niya sa loob. Tinawag niya ba akong Baby Shaun?! Bakit niya akong tinawag na ganoon? Siguro dahil 'yon din ang tawag ni Mom and Dad sa akin. Yeah, 'yon nga. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Doon ko lang naisip lahat ng nangyari ngayong araw! Ang pagtulong niya sa akin laban may Abby.. Actually hindi naman talaga siya tumulong, pinatigil niya lang. Ang paghatid niya sa akin sa bahay. Ang paglapat ng aming mga labi! 'First kiss ko'yon! Smack lang naman 'yon e. Pero kahit na! Nagdikit ang labi namin!!' Tapos ang pagpasok ko sa guest room habang nakatapis lamang ng twalya ang bewang niya!! Nakakaloka. Inisip ko iyon magdamag hanggang sa nakatulugan ko na. Nagising ako ng may ngiti sa labi. Ewan koba basta masaya ako ngayon. Naligo ako at nag-ayos na para sa pagpasok maya-maya. Bumaba na ako para mag breakfast. "Good morning Mom!" nakangiti kong bati sa kaniya. "Good morning baby, good mood ka ngayon ah?" "Hindi ko nga din po alam e.. Pagkagising ko feeling ko ang saya-saya ko." "Ahh.. Osige kumain kana." "Okay po, thank you Mom." Pagkatapos kong kumain ay hinatis na ako ni kuya Robert papunta sa school. "Shaun pasensya na kung na-late ako kahapon ah.. Natraffic kasi ako e." "Okay lang po 'yon." "Salamat." Bumaba na ako at dumiretso sa room. Pagpasok ko palang ay si Blake agad ang aking napansin. 'Wow, ang aga niya ngayon ah..' Pagkaupo ko naman ay siyang pagpasok ni Kevin ng nakasalubong ang kilay. Nang makita niya ako ay napalitan ang kaniyang mukha ng malungkot na mukha. "Shaun.. Sorry, narinig ko yung nangyari kahapon noong dismissal. Pag-pasensiyahan mo na si Abby ah.. Pinagsabihan ko na 'yon kaya wag kana mag-alala." nakangiti niyang sabi. "Wala 'yon, hindi naman ako nasaktan e." "Dahil nandoon ako, paano kung wala ako doon?" singit ni Blake sa usapan namin ni Kevin! "Y-yeah, buti n-nalang nandoon si B-blake hehehehehe." nahihiya kong sabi. "Buti na nga lang, thanks bro." sabi ni Kevin kay Blake. Dumating naman ang Lec namin sa unang subject na 'yon. Discuss. Discuss. Lunch Break. As usual, niyaya ako ni Freya sumabay sa kaniya mag lunch. Pagpasok namin ay halos lahat sila ay nakatingin sa akin! Anong meron? 'Siya ba yung sumakay sa kotse ni Blake?' 'Oo siya nga! Pagkatapos niyang dumikit-dikit kay Kevin kay Blake naman?! My god!' 'Oo nga, hindi na nahiya. Buti nga sa kaniya sinugod siya ni Abby.' 'Really?! Well, 'yan ang napapala ng mga higad!' Iyan lang naman ang mga bulungan nila na naririnig ko! 'Nagbulungan pa kayo kung maririnig ko din naman!' Anong masama sa pakikipag kaibigan kay Kevin? Pagsakay sa kotse ni Blake? Grabe naman sila. Ang i-issue! Napansin ko si Blake na nasa tabi ng table namin ni Freya, nakaharap siya sa entrance kaya siguro ay napansin niya ako. Papalapit na kami sa table namin nang mapatid ako dahil sa paa ng humarang sa dinadaanan ko! "Oh my god, Shaun!" sigaw ni Freya. Hindi agad ako nakatayo dahil sa sakit ng tiyan ko at ng braso ko. Napansin kong may anim na sapatos ang nasa harap ko. Sigurado akong ang dalawang pambabaeng sapatos ay pagmamay-ari ni Freya ngunit ang apat pang sapatos ay hindi ko na alam. "Shaun, are you okay?!" si Blake! "Shaun! saan masakit?!" si Kevin! Hindi ako nakapag salita dahil hindi ako makahinga! Nasikmuraan pa ata ako doon ah! "What's wrong with you ha?! Papansin ka!" sigaw ni Freya sa sinumang pumatid sa akin. "Why? Nakalimutan niyo na ba ang sinabi ko? Hindi pa tayo tapos!" si Abby?! "Wala kaming ginagawang masama sayo kaya tigilan mo kami!" sigaw ni Freya. "Like i said, hindi ako titigil hangga't hindi ka lumalayo kay Kevin!" Tinayo ako ni Kevin at Blake at pinaupo sa upuan. Halos lahat ng nasa canteen ay nakatingin sa amin! Ramdam ko pa din ang sakit ng braso't tiyan ko! 'Buti nga sa kaniya, tignan mo oh nakadikit nanaman siya kila Blake and Kevin.' 'Iyan ang napapala ng mga higad!' 'Tama ka diyan!' "Shaun, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Blake. Pekeng ngiti na lamang ang iginawad ko sa kaniya dahil masakit talaga! Ang lakas ng pagkakabagsak ko! "What the f**k are you doing Abby!!" galit na sigaw ni Kevin. "What?! Dapat lang sa kaniya 'yan dahil higad siya! Dikit siya ng dikit sa 'yo!" si Abby. "What?! Hindi siya ang dumidikit sa akin Abby, kundi AKO! ako ang lumalapit sa kaniya. So kung may problema ka doon sa akin ka lumapit! Tignan mo ang ginawa mo, nakakasakit kana!" sigaw ni Kevin kay Abby. "Because i love you! Mahal pa din kita! Please come back to me.." naiiyak na sabi ni Abby. "No, mas lalo akong hindi babalik sayo dahil dito sa ginawa mo." seryosong sabi ni Kevin. Tumalikod si Abby sa amin habang umiiyak. "Shaun let's go to clinic, may sugat ka sa braso." sabi ni Blake. "O-okay." Nandito kami ngayon sa clinic para linisin ang sugat ko. Buti sugat lang ang inabot ko. Naghihintay naman si Blake, Kevin at Freya dito sa gilid. Alalang alala sila e ang layo naman sa bituka e. "Guys.. Malayo 'to sa bituka, okay lang ako." natatawa kong sabi. "Kahit na Shaun! Sugat padin 'yan!" galit na sabi ni Freya. "I'm so sorry Shaun, nadadamay kapa dahil sa akin." malungkot na sabi ni Kevin. "Wala 'yon, hindi naman ikaw ang pumatid sa akin e." nakangiti kong sabi. "Are you okay na ba? May iba pa bang masakit sayo?" si Blake. 'Nag-aalala ba siya?' "N-nag-aalala k-ka ba?" mahina kong tanong. "O-of course.." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD