Sumama sa akin si Raph sa bahay para makiramay nung isang araw.
Sa loob ng apat na araw na nakaburol sila, ngingiti lamang ako na parang walang sakit na dinaramdam, sobrang bigat nito para sa akin.
Ngayong araw na ang libing nila.
Habang inilalagay ang Jar na pinaglalagyan ng abo nila sa kanilang hukay ay iyak ng iyak ang mga kapatid ko, hindi nila matanggap na wala na kaming mga magulang.
Graduation na din ni Krane sa isang buwan, nawala pa sila.
"Ate, paano na tayo?" Pagtatanong ni Kian ng makauwi kami sa bahay pagkatapos ng libing nila mama at papa.
"Hindi ko kayo papabayaan pangako yan, tatapusin niyo lang itong school year at uuwi na kayo kila lola sa probinsya para dun magpatuloy ng pag aaral, nakausap ko naman na sila" pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Krane
"Hindi, kailangan kong maghanap ng trabaho para mabuhay tayo, hindi pwede na aasa na lamang tayo kila lola"
"Mag iingat ka ate ha" Kian
"Oo naman" ngumiti na lamang ako sa dalawa.
Kinabukasan ay umalis ng bahay ang dalawa kong kapatid para maglibang, kaya hinayaan ko na lamang.
Kaya naiwan akong mag isa dito sa bahay.
Pumasok ako sa kwarto nila mama at papa.
At that moment, I cried alot, lahat ng hinanakit ko, lahat lahat iniyak ko sa kwartong yun.
"Pangako mama at papa hindi ko sila pababayaan, mahal na mahal ko kayo" bulong ko bago nagpunas ng luha.
***
"Congrats Krane" bati ko sa kapatid ko.
"Salamat ate, sa tingin mo proud sa akin sila mama at papa?" Pagtatanong nito sa akin.
"Oo naman" pagpapagaan ko ng loob dito.
"Congrats Kuya, ehem mcdo ehem" tinawanan na lamang namin si Kian.
"Tss oo na, tara, nga pala may isang buwan pa tayong magkakasama dito bago kayo umuwi kila lola"
"Mamimiss ka namin ate" Kian
"Ewwww hindi ikaw yan tol" pang aasar ko dito.
"Nye nye"
"Pikon yarn" pang aasar din ni Krane
Isang buwan na ang nakakalipas simula ng mawala sila, masaya ako na naging malakas at matatag ang mga kapatid ko, pero alam ko naman na sa puso nila ay mayroon pa rin sakit na iniwan nung nakaraan.
"Hoy ate" sigaw ni Krane sa mismong mukha ko
"Ay kabayo" nagugulat kong sabi dito at sinamaan siya ng tingin
Nagtawanan naman bigla yung dalawa.
"Tulala yarn, si Kuya Raph kako ayan o sa likod mo"
"Anong Kuya ka jan, Ate no" saka ko lamang napansin si Raph ng magsalita ito at tumabi sa akin.
"Bagay kayo ate ahhah" pang aasar ni Kian sa amin
"Eewww/Yucckkkk" sabay naming sabi
"Arte" Krane
"Di kami talo no, here Krane regalo ko sayo"
"Uyy thank you ATE" inemphasize niya talaga yung word na Ate eh aha
"Ikaw naman Raph, di naman kailangan eh"
"Wala yun ano ka ba"
Napailing na lamang ako, pumunta na din kami sa mcdo para mag celebrate.
***
Mabilis na lumipas ang panahon.
"Ate mag iingat ka pagbalik mo dun ha" Saad ni Krane
"Oo naman tska susubukan ko na umuwi dito" ngumiti ako sa dalawa at ginulo ang mga buhok nila.
"Pasalubong" ngingisi ngising sabi naman ni Kian
"Tse, basta't aalagaan niyo sila lola dito ha, wag papabayaan ang pag aaral ha, magpapadala naman ako sa inyo ang bilin ko wag kakalimutan" pagpapaalala ko sa kanila
"Yes na yes ate/Oo naman" sabay na sagot nila.
"Sige magpapaalam muna ako kay lola ha"
Hinatid ko na kasi sila dito sa lola namin sa probinsya.
Nag stay din ako ng isang linggo dito, ngayong araw ang balik ko sa City.
"La, aalis na ho ako, mag iingat po kayo dito, magpapadala din naman po ako" nakangiting pagpapalam ko naman dito.
Niyakap niya ako saka ay bumulong.
"Mag iingat ko dun apo, tuparin mo lahat ng pangarap mo ha, lagi mong tandaan na hindi masama ang umiyak kapag nasasaktan ka na ha" sabi nito sa akin sabay hagod sa aking likod.
"Opo La, sige na po"
Nagpaalam na din ako kay lolo at sa ibang kamag anak namin na andito tska dun sa dalawa kong kapatid.
***
"Congratulations Ms. Villaverde, you're running for being Magna Cumlaude keep it up" nakangiting anunsyo sa akin ni Prof.
"Thank you po" pagpapasalamat ko dito.
"Hoy teh congrats ha, konting push na lang eh graduate na tayo, siya nga pala dzaii tutuloy ka ba sa law school?" Tanong ni Raph sa akin, mag kaklase pa rin kami ngayong 4th year.
"Depende kung kakayanin ng financial, magtatrabaho din muna siguro ako ng isang taon tska tutuloy ng law school"
"Pwede din naman, so san mo balak?"
"Sa Manila nalang siguro, napunta na din naman ako dun nung nakaraan para mag tingin tingin ng trabaho na pwedeng applyan"
"Good to know"
"Eh ikaw ba?" Pagtatanong ko naman dito.
"Kukunin ako ng parents ko eh, sa ibang bansa ko itutuloy ang pag aaral ko" nakangiti ngunit malungkot na aniya.
"Goodluck, fighting lang see you in court" sabi ko dito sabay kindat.
***
"Good morning Dean, Professors, Parents and my fellow graduates" huminga muna ako bago magpatuloy.
"Sa loob ng apat na taon, madaming nag quit at hindi na nagpatuloy. Maswerte tayo ngayon na nakatungtong sa entabladong ito sa araw na ito, ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw na tatanggapin natin ang diploma na sa atin ay nararapat. Buhay kolehiyo, akala mo puro hirap lang and dala nito, pero kung gusto mo talaga ang kursong kinuha mo, kahit mahirap makukuha mong maging masaya. Marami tayong hirap na pinagdaanan, maraming luha tayong iniyak sa bawat araw na dumadaan. But thats all worth it. Sa lahat ng guro at magulang and to our dean, thank you so much, salamat sa lahat ng suporta na ibinigay niyo sa amin. Tatahakin na natin ngayon ang bagong yugto ng ating buhay. Once again congratulations my fellow graduates" nagpalakpakan namam sila ng matapos ko ang speech ko.
Natapos din ang seremonya at nagkanya kanya na silang punta sa mga magulang nila. Samantalang ako ay lumapit sa mga professor ko at kay Dean.
"Thank you so much dead and profs" nakangiting bungad ko sa kanila.
"Ohh hii congratulations iha, you made it"
Binati nila ako at nagpasalamat naman ako.
Tinawag naman ako ng parents ni Raph. Nagulat pa ako dahil dun.
"Hi iha, congratulations"
"Thank you po tita" nagtataka man ay nagpasalamat na din ako.
"Congrats Raph" bati ko naman sa aking kaibigan.
Niyakap naman niya ako.
"Congrats to Scien and thank you so much, okay na kami" ohh kaya pala, di kasi tanggap nung una ng parents niya si Raph, alam kong mali na nangialam ako pero gusto kong maging masaya si Raph.
"Ohh im happy for you"
Sinasama nga nila ako sa celebration nila.
Pero di na ako sumama, dumiretso ako sa sementeryo.
Nag video call din kami ng mga kapatid ko, graduation din ni Kian.
Nagkabatian na lang kami bago ko pinatay ang tawag.
"Hi ma, pa, look I made it, I hope na masaya kayo kung nasaan man kayo ngayon"
Napagpasyahan ko umalis na pagkatapos ang ilang minuto.