[BRIA POV]
Sinadya kong maupo sa tabi niya. Wala lang, trip ko lang. Gusto ko lang maging uncomfy siya. Sa sobrang katahimikan naisip kong magtanong.
Hindi ako naniniwalang hindi pa siya nagkaka boyfriend. For sure she's lying. Baka nga hindi na siya virgin. Pati ba naman sa bagay na yun kailangan niyang magpanggap, kung sabagay sanay nga pala siyang manlinlang.
Isa nga ako sa napaniwala niyang totoong kaibigan ko siya, na she cares about me, na we are the same but I was wrong.
Dumating kami sa venue kung saan ang meeting. Isang koreano ang may ari nito. Wala pa man kami sa table nakita ko ng agad ang dami ng pagkaen sa pinaka center. Kung sabagay ganito nga pala ang kultura nila.
"Have a seat Ms. Brixton. So lovely to finally meet you. And you are?" Magalang akong bumati at pinakilala ang aking sarili. Bumalin ito kay Klio pagkatapos.
"I'm Klio Krixton, sir.." Tumango ito bilang pag respeto.
"Shall we start?" Panimula ko. Gusto kong mapakita kaagad sa kanya ang presentation ko at ma closed ito ng maaga.
"No! We shall eat first.." Sumenyas ito sa kanyang staff saka nagsimula ang mga itong mag serve ng iba't ibang putahi pero small servings lang.
Nakita ko agad ang pagkaeng bawal sakin. Allergic ako sa seafood. Hindi ako kumakaen ng kahit anong galing sa dagat.
"Taste it!" Pag aalok ng Koreano. Wala akong choice kundi tumanggi. Hindi ko itataya ang buhay ko para lang mag pa impress.
Nakita ko ang pagka dismaya niya pero agad itong sinalo ni Klio. Ang alam ko bawal din siya nun. Ibig bang sabihin pati ang bagay na yun kasinungalingan lang din?
Hindi nako magtataka kung puno siya ng kasinungalingan sa katawan. Ano bang nagustuhan ko sa kanya nuon.
"Me.. I love that one, sir." Maayang tinuran nito. Ngumiti naman ang kaharap niya. Pinagmasdan ko ang pagkaen niya ng mga ito. Mukha naman siyang nasasarapan at okay naman.
Natapos ang kainan pero hindi nagkaroon ng business presentation. Kinuha lang niya ang hard copy saka pumirma agad ng kontrata ng hindi man lang binabasa ang proposal ko.
It doesn't matter to me kung nasayang ang effort ko sa paggawa ng presentation na yun as long as nakuha ko ang gusto ko, the tie up.
[KLIO POV]
Akala ko hindi na ko muling mag kakaila pero nagkamali pala ako. Kinailangan kong kumaen ng bawal sakin. Magpanggap na nasasarapan at nag eenjoy. Nang makita ko pa lang na karamihan sa mga putahi ay sea food nag alala na ko agad para sa business proposal ni Bria.
Alam kong hindi niya yun makakaen dahil parehas kaming may allergy sa lamang dagat. Hindi pa man kami nakakalabas ng building nagsisimula na akong mangati at mangapal ang lalamunan.
Iniiwasan kong magkamot pero sobrang kati niya sa balat. Habang nagmamaneho pabalik ng opisina panay ang kamot ko. Humihinga din ako ng malalim.
Nagmadali ako dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko.
"Are you alright?"
"Opo.. I'm okay.."
[BRIA POV]
Napansin ko ang unti unti niyang pamumula. Allergic siyang gaya ko sa sea food. I knew it pero why? Hindi niya kailangan kainin yun. Nagpapa impress ba siya duon sa koreano? Nagpapakitang gilas ba siya sakin?
I can close the deal without doing that—pagkaen lang yun. Hindi ko na kasalanan kung may mangyari sa kanya. Siya ang nag decide kainin ang bawal. Kung hindi ba naman talaga siya nag iisip. Ang tanga talaga.
Nang makabalik kami mabilis akong naglakad papuntang opisina ko. Tumawag ako agad ng ambulance. I know any moment tutumba siya. Hindi ako mapakali, palakad lakad at iniisip kung anong pwedeng gawin.
Hindi siya pwedeng mawala, hindi pa ako nakakabawi sa mga atraso niya sakin. Lumabas ako ng office at agad na nagtungo sa kanyang table. Hindi na ako nakatiis, ano ngayon kung magmukhang nag aalala ako.
I'm the boss, and she's my employee, so responsibilidad ko pa din siya. Yun lang yun wala ng iba pa.
"Are you alright? Padating na ang ambulance kaya kumalma ka lang.."
Ilan sandali pa ay dumating nga ang tinawagan ko. Sakto dahil hindi na maganda ang lagay niya. Kung kaya ko lang mag drive baka isinugod ko na siya kanina pa lang sa ospital. Sumama ako sa kanila. After nito saka ko siya parurusahan sa katangahan niya.
[KLIO POV]
Mabilis akong naupo sa pwesto ko ng makabalik kami. Sobrang kati na ng pakiramdam ko at nahihirapan na din akong huminga.
"Are you alright? Padating na ang ambulance kaya kumalma ka lang.." Napaangat ako ng mukha at nakita siya. Bria still know anong bawal sakin. Imposible nya yun makalimutan dahil parehas kami.
Natuwa ako dahil nakita ko ang pag aalala sa kanya. Sa mga oras na yun hindi ko naisip na maari akong mamatay. Ilan sandali pa nga at dumating ang ambulance.
Akala ko matatapos na duon ang binibigay niyang atensyon pero sumama siya sa amin. Sa loob ng sasakyan hinawakan niya ang kamay ko. Bumilis ang t***k ng puso ko.
10 years na ang lumipas pero napagtanto kong na miss ko siya. Sana hindi matapos at huminto ang oras. Bago pa siya magtapat nuon sa akin alam ko na at excited ako dahil ganun din naman ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Hey! Wake up.. Don't sleep, Klio.." Singhal nito. Hindi ako makapaniwala. Nag aalala ba talaga siya sakin? Imbis na pagsisihan ko ang pagkaen ng sea food parang mas natuwa pa ata ako. Blessing in this disguise ba ito kung tawagin.
Nagkaroon ako ng chance na mahawakan siyang muli after 10 years. Matagal ko siyang hinanap hanggang pinang hinaan na lang ako ng loob.
Pinipigilan kong pumikit pero bumibigat ang mga talukap ng mata ko marahil sa itinurok nila kanina.
"Malapit na tayo, Klio.. Stay strong, please.." Ang bawat salita niya ay nagiging musika sa pandinig ko. Akala ko hindi ko na ito ulit mararamdaman. Teka may pagtingin pa din ba ko sa kanya? Siya ba ang dahilan kung bakit walang babaeng makakuha ng atensyon ko?
"Hindi pwede! Kailangan mong putulin ngayon pa lang ang nararamdaman mo, Klio dahil kinasusuklaman ka niya.." Ito ang mga bagay na gusto kong itatak sa isip ko. Sayang ang mga oras na to kaya susulitin ko. Pumikit ako para muling marinig ang pag aalala niya.
Hindi nga ako nagkamali at lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Hey! Klio! I said don't sleep.." Nagsalita siya ng mas malapit kaya naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Sa loob ng 10 years ito na ata ang masasabi kong pinaka masayang araw na nangyari sakin.