Pagkakinabukasan ay agad kaming pumunta sa room para sa thanks giving party namin sa room. Suot suot namin ang mga pajamas anmin at kanya kanyang dala ng mga stuff toys namin pang props.
Pagkarating ko sa room ay agad ibinigay sa akin ni Hanna ang list ng mga games na gagawin namin mamaya. Inilapag ko lang mun ang mga dala kong gamit sa gilid habang inaatay namin ang iba naming kaklase habang yung iba ay inaayos yung mga pagkaing dala at regalo.
Tutulong n asana ako nang may matangap akong text kaya agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext at nakita kong si Dalaney pala yun.
From: La
La, kita tayo sa rooftop may sasabihin ako sa iyo.
Napangiti naman ako kaya agad kong kinuha ang regalo ko sa kanya saka ako nagpaalam na aalis muna ako.
Dali dali akong umakyat ng rooftop habang nakapajama, mukha naman akong timang rito sa suot kong to, nasa school pero nakapajama at ready nang matulog. Ewan ko ba sa pakana ng mga kaklase ko napakaraming alam.
Pagkarating ko sa rooftop ay nakita ko siyang nakatayo sa paborito naming spot rito sa rooftop. Naalala ko yung unang kita ko sa kanya rito sa rooftop, nakatalikod lang rin siya sa akin habang kumukuha ng litrato, pero hindi ko namang inaasahang magigiging kasintahan ko pala ang babaeng iyon.
Nakatayo lang siya habang nakasuot ng puting bestida na may disenyo ng mga bulaklak, bumabagay sa kanya ang kanyang suot sa hubog ng kanyang katawan at sa makinis nyang balata. Kung titingnan mo siya isa siyang napakahinhin na babae na tila hindi makabasag pingan pero kapag kilala mo talaga siya hindi mo aakalaing babae rin pala ang kanyang nais.
Minsan napapaisip na lang akong, siya ba ang babae sa aming dalawa at ako ang lesbian dahil napakaganda nya at samantalang ako ay isang simpleng babaeng kanyang mahal, hindi marunong manamit at umayos ng sarili at higit sa lahat hindi kasing ganya nya.
Naglakad ako sa kanya at saka niyakap ko siya kasabay ang paghalik ko sa kanyang pisngi, naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko. Napatingin naman siya sa akin at hinalikan nya rin ako sa pisngi ko, napangiti naman ako sa kanya kasabay ang pagkalas ko sa pagkakayakap ko sa kanya at tumabi sa kanya.
“Tawag mo ako? Bakit makikipag break ka na ba sa akin?” biro kong saad sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko.
Kinurot nya lang ang ilong ko kasabay ang pagakbay sa akin.
“Bakit kung makikipagbreak ako sa iyo papayag ka?” saad nya sa akin kasabay ang pagkindat sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya at kilig sa pagkindat nyang iyon kaya napaiwas tingin ako sa kanya, bakit mukha siyang lalaking tingnan tuwing kumikindat siya sa akin at ang lakas ng karisma nya tuwing ginagawa nya iyon?
“Oiy nagblublush ka na naman.” Saad nya sa akin kasabay ang paggalaw ng akong balikat.
Napatakip naman ako ng mukha ko nang sinabi nya iyon, why does she always makes me blush whenever she winks and say phrases like that?
“Hey, don’t worry hindi ako makikipagbreak sa iyo kaya wag ka nang mag tago please.” Paglalambing nyang saad sa akin.
Dahan dahan ko namang ibinaba ang aking mga kamay at nakita kong nakatingin lang siya sa akin kaya mas lalo akong nahiya kaya tinulak ko na lang ang mukha nya paalis sa akin.
“Wag ka daw tumingin ng ganyan nahihiya ako at wag ka raw bumanat kinikilig ako sa iyo.” Nahihiya kong saad sa kanya at narinig ko namang natawa siya.
Even her laugh is so sexy, god damn with this woman.
Nagulat na lang ako nang hawakan nya ang magkabilang balikat ko at hinarap sa akin kaya mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang tumingin siya sa akin kaya napaiwas tingin ako sa kanya. Pero hinawakan nya lang ang baba ko at dahang dahan nyang iniharap ang aking mukha sa kanya at nakita ko naman ang sexy nyang mga matang nakatingin sa akin.
Nararamdaman ko ang panginginig ko dahil sa ginagawa nya sa akin, naku ano ba to? Bakit ganito?
“Bakit hindi kita papakiligin eh ikaw lang naman ang babaeng karapatdapat makarinig ng mga banat ko sa iyo and it shows my affection to you.” Saad nya sa akin kasabay ang paglagay ng naligaw kong buhok sa likod ng tenga ko.
I look at her eyes and it was so passionately, my heart was in my mouth while she was saying those words to me. I don’t know how to react on it, basta ang alam ko lang ay tila may nagkakarerang mga kabayo sa puso ko. Ganito ba talaga ang feeling ng may kasintahan?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung kaya’t tinulak ko lang siya paalis sa akin dahil na rin sa hiya at ramdam ko ang pamumula na ng aking mga pisngi sa kanyang pinangsasabi.
“Tumigil ka nga kinikilig ako sa iyo.” Saad ko sa kanya pero hinila nya lang ako papalapit sa kanya.
Damn with this woman, mamatay na ata ako sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa kanyang pinanggagawa sa akin.
“It’s ok, you deserve to be love because I gave my heart to you.” Saad nya sa akin kasabay ang pagkindat sa akin.
Napahawak lang ako sa pajamas ko habang pinipigilang hindi ko siya mahapak dahil sa pinangagagwa nya sa akin, ang lakas nyang bumanat hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang mga iyon.
Lumapit siya sa akin, nakatingin lang ako sa seryoso nyang mga mata hangang sa nakita kong papalapit ang mga iyon sa akin mga mata. Is she going to kiss me?
Napapikit na lang ako ng mata habang inaantay na lumapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi pero ilang segundo ang lumipas pero wala akong may naramdamang mga labing lumapat sa akin. Hangang sa nakarinig ako ng tawa kaya minulat ko ang mga mata at nakita ko siyang tumatawa sa akin. Napakunot noo naman ako sa kanya, I was expecting for her to kiss me.
“Akala mo hahalikan kita? May dumi lang ha buhok mo noh kaya ako luma—“ saad nya pero agad iyong naputol nang hilain ko siya at hinalikan sa labi.
Nakakabitin naman kasi siya eh, paasang hahalikan ako pero pinagtritripan lang pala ako. Andon na eh pero pinutol lang ng kalokohan nya.
Humiwalay ako sa kanya at nakita kong nagulat siya sa ginawa ko, kaya napangiti lang ako sa kanya at pinunasan ang kanyang labi.
“Ang bagal mo kasi.” Saad ko sa kanya kasabay ang pag ngiti sa kanya.
Mukhang natauhan ata siya kaya nagulat ako nang bigla nya akong higitin papalapit sa kanya and her face became like a child.
“Isa pa nga.” Saad nya sa akin.
Tinulak ko naman siya papaalis sa akin kasabay ang pagtangal ng kamay nyang nakapulupot sa bewang ko.
“Wala na may pagkakataon ka kanina pero sinayang mo.” Saad ko sa kany akasabay ang pag iwas ko ng tingin sa kanya.
Agad nya naman akong niyakap at nagpapalambing ng halik pero hindi ko siya pinayagan, minsan lang ngang mangyaring halikan nya ako ginagawa nya pang biro.
“Sige na please.” Paglalambing nya sa akin.
“Ah hindi.” Saad ko sa kanya.
“Please.” Pagmamakaawa saad nya sa akin.
“Ano ba kasing kailangan mo at tinawag mo ako rito?” pagiiba ko ng tanong sa kanya at saka naman siya humiwalay ng yakap sa akin.
Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko naman siyang naglalakad papunta kung saan at nakita kong may kinuha siyang paper bag at bumalik siya sa akin habang nakangiti.
“Merry Christmas la.” Saad nya sa akin kasabay ang pagabot sa akin ng paper bag at agad ko iyong tinangap.
“Naku nagabala ka pa.” saad ko sa kanya kasabay ang pagkuha ng regalo nya.
Bubuksan ko na sana nang maalala ko ang regalo ko sa kanya, kaya agad kong pinulot ang paper bag na dala ko sa kanya at ibinigay sa kanya.
“Merry Christmas rin La.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagabot ko sa kanya.
Nagulat naman siya at masaya nayng tinangap ang paper bag na ibinigay ko sa kanya.
“Sabay nating buksan.” Masayang saad nya sa akin at napatango naman ako sa kanya.
Binuksan namin ang mga regalo namin at pagbukas ko ay nakita ko ang isnag teddy bear na color white, agad naman akong napangiti sa nakita ko.
“Ang cute nya.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagkuha ko sa paper bag at niyakap siya.
“Nagustuhan mo ba?” tanong nya at napatango naman ako sa kanya.
Tiningnan ko lang siyang binubuksan ang paper bag at nagulat siya sa laman nito, kinuha nya iyon sa loob ng box at ipinakita sa akin.
“A music box?” gulat nyang saad sa akin at napatango ako sa kanya.
Grand piano designed music box ang ibinigay ko sa kanya, napakarare nga iyan at nagiisa na lang yan nung nakita ko sa antique shop. Nakatingin lang siya sa music box at tila nalungkot naman ako sa naging reaksyon nya.
“Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ko sa kanya.
“Nagustuhan? Siyempre nagustuhan ko, matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng music box simula pagkabata. Ito yung first time na may nagbigay ng isang bagay na pinakagusto ko sa buong buhay ko simula pagkabata ko. Salamat La hindi mo alam kung gaano ako kasaya.” Saad nya sa akin kasabay ang pagyakap sa akin.
Niyakap ko lang rin siya, ang akala ko ayaw nya kasi piano design ang music box at baka anaalala nya ang past nya na ayaw nyang ikwento pero nagulat ako na yun pala ang inaasam asam nyang regalo sa buong buhay nya.
“Nga pala may isa pa akong regalo sa iyo.” Saad nya sa akin kasabay ang pagkalas nya sa pagkakayakap ko.
Napakunot noo naman ako nang sabihin nya iyon.
“Sobra naman ata, may teddy bear na ako tapos may ibibigay ka pa sa akin.” Saad ko sa kanya pero isang ngiti lang ang sinagot nya sa akin.
Nakita ko lang siyang may kinuha mula sa kanyang bulsa at nakita kong inilabas nya mula ron ang isang kulay asul na box. Binuksan nya iyon at nakita ko ang isang kwintas na silver na may pendant ng isang maliit na bituin.
Lumapit siya sa akin at isinuot nya sa akin, nahiya ako sa ginawa nya. Hindi naman ako humihingi ng material na bagay, ang mahalin ako pabalik ay sapat na sa akin pero bakit binibigyan nya ako ng ganito.
“La, sobra na ata ito.” Saad ko sa kanya habang inilalagay nya sa akin ang kwintas.
“No, tangapin mo ito sige ka magagalit ako sa iyo.” Saad nya sa akin at napatango lang ako.
Nang matapos nyang ilagay ang kwnatas sa akin ay iniharap nya ako sa kanya para tingnan ang kwintas kung bagay ba saka siya ngumiti sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“La, remember this I am your moon and you are the only star in a million but I choose you because you are unique among them all. Keep this in mind you are beautiful inside and out, you don’t need to change for the sake of others because you are who you are and that makes you unique among the stars in the sky.” Saad nya sa akin at napangiti naman ako sa kanya.
“Look at this.” Saad nya kasabay ang pagalabas nya ng kwintas na suot nya at nakita ko ang isnag silver na pendant na moon na may star sa gitna kung kaya napatingin ako sa kwintas na ibinigay nya sa akin.
“The moon wouldn’t be perfect if the star is missing, my world is lacking of something before you came but you fix it you made me a musician again, you teach me how to play the piano again and I was so thankful that you came to my life. I love you La, I know it wasn’t enough to describe how grateful I am to have you.” Saad nya sa akin kasabay ang pagyakap sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa sinasabi nya sa akin, I let my tears to flow out of my eyes.
“I am also grateful that you came to my life even you made my life ups and down but you made me to choose you despite of everything, I love you La.” Saad ko sa kanya and I hug her back.