Chapter 34

1792 Words
Ilang araw na ang lumipas nang matapos ang thank’s giving namin at ngayon Christmas break na namin. May klase pa kasi ang college kaya may trabaho pa si mama at hindi pa kami makakauwi ng probinsya para magbakasyon. Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakikinig ng playlist ng kamikazee sa radio wala naman akong magagawa rito sa bahay, malinis naman at nahugasan ko na ang mga plato kaya wala na rin akong magagawa rito. Napaakap lang ako sa regalong teddy bear ni Dalaney sa akin nung thanks’ giving party kasabay ang pagtingin ko sa kwintas na suot ko. “Ano kayang mangyayari sa akin sa Australia?” bulong kong tanong habang napapaakap sa teddy bear. Pagdating ko sa Australia magisa lang akong magsasapalaran roon, wala akong poster parents at hindi ko alam kung saan ako titira roon. “Makakaya ko kayang magisa roon?” mahinang tanong ko sa sarili ko. Nakahiga lang ako habang iniisip ko kung anong mangyayari sa akin sa Australia kung nandon na ako. “Nak, Nak gising na hapon na.” rinig kong saad sa akin kasabay ang pagtapik sa akin. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si mama na nasa harapan ko, nagunat ako ng katawan ko saka ako bumangon mula sa pagkakahiga ko. Nakatulog pala ako, tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may missed calls si Dalaney at iilang text. Nireplyan ko lang siya saka ako lumabas ng kwarto ko at dumeretso sa kusina kung nasaan sila mama. Nadatanan ko si papa na umiinom ng kape habang si mama ay binabasa ang mga letters galing sa university. Dumeretso ako sa despenser at umuha ng tubig saka umupo sa upuan. “Nak tingnan mo ito.” Saad sa akin ni mama kasabay ang pagabot ng isang envelop sa akin. Agad ko namang tiningnan at letetr pala iyon sa akin ng embassy patungkol sa scholarship ko papuntang Australia. “Sigurado ka na ba jan?” rinig kong saad ni mama sa akin habang binabasa ko ang sulat. “Opo naman po sayanng naman po ang opportunity, Australia na po iyon at saka alam ko naman pong mahirap na mawalay ako sa inyo pero konting sakripisyo lang po ito after 5 years may anak na kayong nurse at malaki po ang sahod don pag nakagraduate na po ako.” Saad ko sa kanila. Napatingin lang sa akin ng seryoso sila mama at papa kaya bumuntong hininga lang ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako lumapit sa kanila para yakapin sila at lambingin. “Wag po kayong magalala sa akin, kaya ko po ang sarili ko at para naman po makatulong ako sa inyo sa bayarin sa mga utang natin.” Saad ko sa kanila. Hinawakan naman ni papa ang kamay ko kasabay ang pagtingin sa akin. “Anak hindi Pilipinas ang Australia, iba ang mga tao roon. Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mong magisa ron? Baka mamaya maglalakad ka lang sa daan may gagawa ng kalokohan sa iyo.” Nagaalalang saad sa akin ni papa. Napangiti naman ako at niyakap ko siya kasabay ang paghalik ko sa pisngi nya. “Alam ko po, pero diba po kayo ang nagturo sa akin kung papaanong maging matatag. Strong kaya tong anak nyo tulad niyo.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagkindat. Napangiti naman si papa sa akin kasabay ang pagpingot ng ilong ko kaya napangiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you pa, gagawin ko ang lahat para sa inyo ni mama.” Saad ko sa kanila at niyakap lang ako ni mama. Alam kong nagaalala sila sa magiging kalagayan ko roon pero wala namang bagay na hindi masarap kamtan kung hindi mo paghihirapan hindi ba? Alam kong hindi pa rin kumbinsido sila mama sa desisyon nilang ipapadala ako sa Australia pero malapit na ring matapos ang mga papeles ko na nasa embassy. Simula na ng misa de gallo at narito kami sa Chapel ng school, gusto ko sanang mag serve kaso ang JOMI (Junior Oblates of Mary Immaculate/seminarians) ang sponsor ngayon kaya hindi ako makakapagserve. Nakaupo lang kami sa labas ng chapel kung saan nakikita ko ang view ng choir kung nasaan nakikita ko si kuya Mark ang idol kong pianista ng seminario. Si kuya Mark ay isang magaling ng pianista tulad ni Dalaney. Katulad ni Dalaney napakaunique nyang tumugtog ng piano pero hindi ko masasabi kung sino ang pinakamagaling tumugtog sa kanilang dalawa kasi may kanya kanya silang technique kung papaano nila tugtugin ang piano. Nang matapos ang misa ay uuwi na sana kami nang makatangap ako ng text kaya agad kong kinuha ang phone ko at nakita kong si Dalaney pala ang nagtext. From: La Nandito ako sa Chapel, nakikita kita. Nang mabasa ko iyon ay napatingin ako sa paligid kaso hindi ko siya maaninag kung nasaan siya pero wala akong maaninag na prisensya nya sa paligid, nang bigla namang tumunog ang phone ko. From: La Ang layo naman ng tingin mo, nasa harapan mo lang nga ako andami mo pang tinitingnan. Napatingin ako ng deretso at nakita ko siya sa kabilang side ng chapel na nakatayo at nakangiting nakatingin sa akin. Napangiti ako pabalik sa kanya at kumaway, tumakbo siya papalapit sa amin nila mama at bumati naman siya rito. “Hi po tita.” Bati nya kanila mama kasabay ang pagmano. “Oh Dalaney rito rin pala kayo nagsisimba?” saad ni mama at napatango naman siya. “Nandito rin nga po si mommy kasama po ang nakakabata ko pong kapatid.” Saad nya kanila mama. Nagkaroon sila ng maikling paguusap nang dumating ang mommy nya at si Dlaire. Pinakilala ni Dalaney ang mommy nya kanila mama nang matapos kong magmano sa kanya. Habang naguusap sila ay humiwalay kami ni Dalaney para makapagusap, umupo lang kami sa may isang sulok, habang hawak hawak nya ang kamay ko. “La, dumating na yung letter ko. Malapit na raw matapos ang mga papers ko para sa scholarship.” Saad ko sa kanya. Nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko pero hinawakan nya lang ng mahigpit ang kamay ko at napatingin sa akin. “Aalis ka na talaga after summer?” tanong nya sa akin at napatango lang ako sa kanya. “Pero natatakot ako, paano kung hindi ko kaya? Paano kung may mangyari sa akin ron? Paano kung hindi pala ako makapagtapos ron?” naguguluhan kong tanong sa kanya pero hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. “Sorry kasi hindi kita masasamahan ron. Pero wag kang magalala, kilala kita makakayanan mo ang Australia, mag tiwala ka lang sa Panginoon. Mag pakatatag ka para maabot mo ang pangarap mo sa buhay at alam ko namang makakaya mo yan sa tulong ng Diyos.” Saad nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya. “Sa tingin mo kaya ko?” tanong ko sa kanya at napatango lang siya sa akin. “Oo naman, alam kong kaya mo ikaw pa ba? Alam kong ikaw yung tao na hindi madaling sumuko sa isang bagay, kaya makakaya mo yan magtiwala ka lang.” Saad nya sa akin kasabay ang pagwink. “Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung wala ka, siguro nilulunod na ako ng anxiety ko.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagsandal ko sa kanyang balikat. Hinalikan nya lang ang bunbunan ko habang pinaguusapan namin kung anong mangyayari sa amin pagkatapos ng college. Habang naguusap kami ay biglang napadaan ang mga seminarians sa harapan namin kaya napahawak ako ng mahigpit sa kanya. “Bakit?” nagtatakang tanong nya sa akin. “Si kuya Mark kasi.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagiwas ko ng tingin at sinundan nya lang ng tingin ang mga seminarians. “Bakit crush mo?” tanong nya at napatango lang ako. Naramdaman kong bumitaw siya sa pagkakahawak ng kamay ko kaya napatingin ako at nakita kong lumapit siya sa mga seminarians. Nakita kong naguusap sila ni kuya Mark, nagulat na lang akong naglalakad na sila papunta sa akin. Naku ano bang sinabi nitong babaeng ito kay kuya Mark at napadala nya iyon rito? Hindi naman kaya sinabi nyang crush ko siya? “Xiana diba?” tanong nya sa akin at aligaga lang akong napatango sa kanya. “Ahh ikaw yung anak ni Maam Michelle na librarian sa main lib diba?” sunod nyang tanong at napatango lang ako sa kanya. Tiningnan ko lang si Dalaney na nakangiti sa likuran ni kuya Mark, napakunot noo naman ako sa kanya at hindi ko pa rin maintindihan kung anong ginawa nya. “Sabin g kaibigan mo crush mo raw ako, totoo ba yun?” sunod nyang tanong at nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nakaramdam ako ng kaba sa narinig ko mula sa kanya,naku patay ako sa mga tao sa seminary. Ang dami ko pa namang kaibigan roon at nakakahiyang malamang may crush ako ron. Ano ba tong pinasok mo Dalaney. “Ah ano kasi kuya hi—“ saad ko pero tumawa lang siya sa akin. “Ayos lang wag kang mahiya, pero salamat at may humahanga sa akin. Ipagdasal mo ako na maging pari ako balang araw ha.” Saad nya sa akin at nagulat naman ako sa sinabi nya. Napatingin lang ako sa kanya at nakita ko ang napakaamo nyang mukha at samahan mo pa ng matamis nyang ngiti na nagpaaninag ng kanyang mukha. “Opo kuya, nakakaasa kang ipagdarasal kita na maging pari ka.” Saad ko sa kanya at napangiti naman siya sa akin. “Salamat, sige pag ordination ko I will invite you, sige mauuna na ako may exam pa kami ngayon.” Saad nya sa akin at napatango lang ako sa kanya. Nagpaalam kami sa isa’t isa, nang makaalis na siya ay nakangiti lang na lumapit si Dalaney sa akin. Seryoso ko lang siyang tiningnan kasabay ang panghahampas ko sa kanya dahil sa kahihiyan at inis dahil sa ginawa nya. “Bakit mo sinabi yon sa kanya, nakakahiya kanila kuya.” Saad ko sa kanya kasabay ang aghahampas sa kanya. “Ayaw mo nun bago ka umalis nasabi mong crush mo siya.” Natatawang saad nya sa akin. Patuloy ko lang siyang pinanghahampas at tumatawa lang siya kasabay ang pagdaing nya ng sakit mula sa mga palo ko sa kanya. “Teka, diba siya ang pianist kanina? Sa tingin mo sino ang mas magaling sa aming tumugtog?” tanong nya sa akin. Napatigil naman ako sa paghahampas sa kanya at umaktong nagiisip. Hindi naman siya makapaghintay sa sagot ko, kaya napabuntong hininga ako at hinarap siya. “Well hindi naman ako judgemental at hindi ko gusting irank ang tao base sa kanyang abilidad kasi bawat tao may kanya kanyang katangian kaya ang masasabi ko lang magaling kayong dalawang tumugtog ng piano.” Saad ko sa kanya. Matapos naming magusap dalawa ay umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay, it was great to be with your lover in the first day of misa de gallo kahit ang lakas ng topak na sabihin kay kuya Mark na crush ko siya. --------------------------------------- Ok speaking of kuya Mark guys kung nagtataka kayo kung sino siya andon pos a taas ang picture nya and konting fact about kuya Mark. Mark po talaga ang name nya, he is a pianist like in the story and also a seminarian. At kung mapapakingan nyo siyang tumugtog ng piano napaka unique po talaga, may sarili siyang dynamic and technique in playing the piano. Gusto ko sanang ishare sa inyo kaso wala siyang video or hindi ko siya navideohan na tumutugtog ng piano. Labidabu -ate lildy 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD