Chapter 28

1925 Words
Days have pass at dumating na ang araw ng exam namin, unit test pa lang at hindi pa quarterly pero ang hirap na ng mga tanong sa test papers himukin mo ba naman identifications lahat simula number one to number fifty sa science eh wala namang may naituro yung teacher namin at may gana pang i-identification lahat ng exam. “Ehh ano ba to si maam ni isang lalabas sa exam wala nya tinuro ano isusulat ko rin yung position ng pag ano nila ng asawa nya?” banas na saad ng mga kaklase ko habang padabog na nagliligpit. Napailing na lang ako sa kanila at maging sa pinaguusapan nila kahit sino naman maiinis kung ganon. “Baka gusto nya review paper nung ikinuwento nya sa inyo.” Pabirong saad ko sa kanila at napabuntong hininga lang sila sa akin. “Tapos kung magturo naman kaliit liit ng boses parang siya lang rin ang nagtuturo.” Reklamo nila kaya napapangiti lang ako sa inis. Ewan ko ba paano naging teacher yun, nacarried away sa kasal nya nakalimutan nang magturo. Ayos lang naman kung nagtuturo siya kahit maliit ang boses nya basta nagtuturo siya. “Eh yang si Xiana pangiti ngiti lang kasi nakasagot, sanaol self study.” Pagbibirong saad nila sa akin at natawa lang ako. Naglibakan lang kami tungkol sa teacher namin at sa ibang classmates namin, habang ako nakikinig lang at maya mayang nagsasalita rin. Tutal last exam na rin namin bukas kaya enjoy the moment kasi pagkatapos bukas thanks giving party na namin. I stayed neutral like I always did. Nang matapos kaming magusap usap ay lumabas na kami ng room at nakita ko naman si Dalaney na nakatayo sa labas ng room namin I act natural kasi maraming tao, I wink at her and she wink back at me. Nagpatuloy lang kaming naglalakad pababa ng hagdan ng mga kaklase ko. “Xiana diba nanliligaw si Vince sa iyo dati tapos bigla na lang later on nagulat na lang kami na sila na ni Nycole.” Saad sa akin ni Gretch. Nakaramdam ako ng pagkailang kung ano ba ang isasagot sa kanila kasi sabi ni Vince secret lang daw ang nangyari sa kanila ni Nycole. “Ah kasi sabi ko hindi ko siya gusto kaya hindi ko siya sinagot.” Naiilang saad ko sa kanila at mukhang naniwala naman sila sa sinabi ko. “Sayang bagay pa naman kayo, sayang ikaw na lang ang walang kasintahan sa inyong magbabarkada noh.” Saad nila sa akin at natawa naman ako na naiilang sa kanila.  Yeah most of the students in our batch got wondered how Nycole and Vince ended up together. Andami ring nakikichismis sa akin kung paapano raw nangyari yun ang tanging sagot ko lang “guhit ng tadhana”.   Pagkababa namin ay pinauna ko na ang mga kaklase kong umalis, nang makaalis na sila ay tama tamang kakababa lang ni Dalaney ng hagdan. Pagkababa nya ay agad nyang ipinatong ang kamay nya sa ulo ko kasabay ang paglagay ng isang kamay nya sa bulsa. “So kamusta exam nyo sa science nakasagot ka?” bungad nyang tanong sa akin kaya napatango ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla nyang ginulo ang buhok ko kaya tiningnan ko lang siya ng seryoso. “Ang galing, ang bait mo noh.” Naiinis kong saad sa kanya kasabay ang pagaayos ng buhok ko. Habang inaayos ko ang buhok ko ay nagulat ako nang kurutin nya ang magkabilang pisngi ko. “Ang cute cute talaga nga la ko.” Nangigigil nyang saad nya sa akin. Napapikit na lang ako sa sakit habang ginagalaw ang kamay ko papunta sa pisngi nya at kinurot ko rin siya kaya napabitaw siya sa pisngi ko. “A-aray ko la.” Angal nyang saad sa akin habang kinukurot ko siya. “Masakit naman pala eh tapos mangungurot ka na akala mo ang gaan gaan ng kamay mo.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagtangal ng kamay ko sa pisngi nya. Nauna akong naglakad sa kanya habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ko, ramdam ko ang hapdi sa magkabilang pisngi ko dahil sa kurot nya. Habang naglalakad ako ay nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin kaya agad ko naman siyang siniko sa tagiliran nya. “Nasa school pa tayo mamaya may makakita.” Bulong kong saad sa kanya habang naglalakad papalabas ng gate namin. “Wala namang estudyante eh kaya ayos lang yan.” Saad ko sa kanya habang hindi nya pa rin inaalis ang kanyang kamay sa balikat ko. Napabuntong hininga naman ako sa kanya kasabay ang pagtigil sa paglalakad at napatingin sa kanya. Nagtatakang napatingin rin siya sa akin pero seryoso ko lang siyang tiningnan, she rolled her eyes on me and remove her arms on my shoulders. Napangiti naman ako sa kanya and she just rolled her eyes on me. “Tsk, pasalamat ka lang.” bulong nya sa akin habang naglalakad kami, napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Naglalakad lang kami papuntang main gate para makasakay kami ng jeep pauwi ng bahay, sasama raw kasi siyang umuwi sa akin at miss nya na raw tumambay sa bahay namin at saka tuturuan ko pa siya sa math para bukas. Hindi nya raw kasi naiintindihan ang pagtuturo ng math teacher nila kasi straight English at tila nag rarap raw kung magsalita. Pagkarating namin sa bahay ay agad akong nagluto ng pansit canton at itlog para sa pananghalian naming dalawa. Nang maluto na ang ulam ay agad kaming kumain sa lamesa, nakaupo siya sa kaharap ko na upuan, tahimik lang kaming kumakain nang sipai nya ang aking paa pero hindi ko lang siya pinansin hangang sa nagpatuloy ang pagsipa nya. “Ba’t ka ba naninipa?” tanong ko sa kanya at tumawa lang siya na tila bata. “Ang tahimik gusto ko lang namagingay ka.” Saad nya sa akin kasabay ang pagsubo nya ng kanyang kutsara. “Hah?” “Halabyu.” Saad nya sa akin at bigla naman akong napatigil sa sinabi nya habang patuloy lang siyang kumakain. Tama ba narinig ko? Napansin nya ata akong hindi umiimik kaya sinipa nya ang paa ko kaya napabalik ako sa realidad. “Kumain ka na, baka mamaya ako pa kainin mo hindi na ako makakauwi ng bahay kawawa naman ka—“ saad nya kaya agad ko namang sinipa ang paa nya. Napaiwas lang ako ng tingin sa kanya habang tinatago ang hiya ko sa kanya. Nagsisipaan lang kaming dalawa sa ilalim ng lamesa habang kumakain, no words, no conversation, nothing at all. Pagkatapos naming kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako ay bigla akong nakaramdam nang may yumakap sa akin kasabay ang pagpating nya ng kanyang noo sa aking balikat. Tila napako ako sa kinatatayuan ko, hindi kasi ako sanay sa mga back hugs at kinakabahan ako tuwing may yumayakap sa akin patalikod. “La.” She whispered sweetly on my ears that makes me shivers. “La la la.” She whispered again in her sweetest voice and kissed me on my checks. Naninding ang buong balahibo ko kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit pero I felt the skipping of my heart when I usually see my crush passing by and a happiness every time I felt being special. I don’t know what is the best way to interpret this feeling I’m experiencing right now. Pagkatapos kong maghugas ay dumeretso kami sa sala at tinuruan ko siya sa procedure ng lalabas bukas sa exam, nakikinig lang siya habang maya’t maya ay naglalakabay ang kamay nya sa kamay ko kaya pinapalo ko siya. “Focus ok baka mabagsak pa ikaw dahil sa kalandian mo sa kamay ko.” Saad ko sa kanya pagkatapos kong paluin ang kamay nya. “Pft. Strikto naman ng la ko.” Saad nya sa akin kasabay ang pangalumbaba at pagtingin sa notebook ko. Nagpangiti naman ako sa kanya at nagpatuloy sa pagtuturo sa kanya, nang matapos na kami ay napahiga siya sa sahig kaya tumabi ako sa kanya. Humiga ako sa braso nya habang yakap yakap siya at ang isa nya namang kamay ay nasa buhok ko at pinaglalaruan nya, I love cuddling with her and it makes me special every time we cuddle. “La paano kung aalis na ako papuntang Australia paano tayo?” tanong ko sa kanya at napatigil naman siya sa paglalaro sa buhok ko. Napatingin naman ako sa kanya at tila napatigil siya sa sinabi ko. Lahat naman siguro ng mga kaibigan ko magugulat rin at ayaw akong umalis sa tabi nila, but I need to face the reality and become independent. “Tayo pa rin syempre, may tiwala naman tayo sa isa’t isa diba? Kahit malayo tayo sa isa’t isa basta may tiwala tayo hindi tayo maghihiwalay at sa graduation mo, pupunta ako ron at isisigaw ko sa buong mundo na naging nurse na ang girlfriend ko.” Saad nya sa akin kasabay ang pagtingin at pagkindat sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Seryoso ba siya? Talagang gagwin nya iyon, well sabi nya naman nung nanliligaw siya sa akin na ayaw nyang mangako nang hindi tutuparin. “Gagawin mo yun?” saad ko sa kanya at napatango naman siya. “Oo naman, wala akong pinapangakong hindi ko tinutupad. Antayin mo after 5 years kasama mo ako sa graduation mo sa Australia.” Saad nya sa akin. I like the thought that she’ll do it for me; how I wish our relationship will be strong. Maybe we have the different type of relationship but not everything in this world must be the same right? “Sige, after a year ng graduation ko ako naman ang uuwi sa Pinas para samahan ka sa graduation mo, pero ano bang kukunin mong kurso?” saad ko sa kanya at napaisip naman siya. She never tells her dreams to me before even the course she will get when we will go to college. “Uhmm, ano ba?” saad nya na tila nagiisip habang pinaglalaruan ko lang ang kanyang buhok. “Yung makasama ka hangang sa huling hininga ko.” Saad nya sa akin kasabay ang pagtingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya agad akong napatago, hindi ko alam pero bakit ang lakas nyang bumanat sa akin? Naramdaman ko namang gumalaw siya at hinawakan ang likod ko habang ako patuloy pa rin sa pagtatago at napapangiti sa sinabi nya sa akin. “Oiy ayaw mo ba?” saad nya sa akin. “Gusto pero eish ba’t ang lakas mong bumanat.” Saad ko sa kanya habang nagtatago pa rin sa kanya. Naramdaman ko namang niyakap nya ako na tila ginawa nya akong unan kaya napatigil ako at napamulat ng mata sa kanyang ginawa. Nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking ulo na dumadamplis. “Pero seryoso gusto kong magkaroon ng Photoshop and gusto kong kasama kitang buoin ang mga pangarap ko sa buhay, I will cherish you like I cherish everything. I will protect you whatever might happen and I will love you as I love myself.” Saad nya sa akin habang yakap yakap nya ako. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya napangiti lang ako at napaluha sa sinabi nya sa akin. Niyakap ko siya pabalik ng mahigpit, I never expect that someone will love me this way and accept my insecurities in life. “I love you La and I always will.” Saad ko sa kanya. Tumingala ako sa kanya at hinawakan ang pisngi nya. “Do you ever felt that you are just my option in the first place?” I honestly ask her and she only holds my hand. “No, because I knew you also love me but you can’t choose me even though you always wanted to be with me.” She said while smoothly rubbing my back. “But I just wonder why did you end up with me?” she questioned. “I don’t know, maybe I just wanted to be selfish for once and take the risk on loving you despite of everything because you’re the only one who felt me safe, understands my insecurities and remove all of it even though I get confused at first but I understand that loving someone is a risk to do with.” Sagot ko sa kanya, she got shoked. I smack on her lips and smiled to her. “I love you La.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD