"Kanina ka pa?" bigla akong nag-angat ng tingin ng bumukas ang pinto sa condo ni Jaya.Ilang minuto rin akong nandito sa labas at naghihintay.Kanina pa ako nagdo-doorbell pero,matagal bago pa nito binuksan ang pinto. Tumayo ako at ngumiti dito. "Medyo," "Pasok ka,kumusta ka nga pala sa condo unit mong tinitirahan?" tanong nito. Dere-deristso ako sa sofa at umupo doon. "Okay lang ako,namiss lang kita kaya dumalaw ako," saad ko. "Sabi ko naman sa'yo na okay lang sa'kin kahit dito ka pa tumira sa condo ko." "Nakakahiya naman sa'yo,Jaya.Salamat sa offer mo." tipid ko lang itong nginitian. "Okay, anyways maiiwan muna kita dito may mahalaga kasi akong puntahan eh,pasensiya na talaga.Siguro mamayang gabi pa ako makakauwi," malungkot na wika nito. Hindi ko naman maiwasang madismaya pero,wala

