Tatalikod na sana ako ng bigla kong narinig ang pagtawag ni Matteo sa pangalan ko. Kinakabahan akong humarap dito ngunit, wala akong balak pang humakbang palapit dito. "Yes," Kumunot ang noo nito. "Come here," anito at mataman akong pinakatitigan. Dalangin ko sana ay biglang umalsa ang tubig sa swimming pool at itangay ako niyon. Para akong sasabak sa isang giyera dahil panay ang usal ko ng panalangin. Kinalma ko muna ang sarili ko at dahan-dahang humakbang palapit dito. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kakaibang mga titig nito. Umupo ako sa tabi nito kahit panay ang pagdagundong ng puso ko. "I'm sorry tungkol sa nangyari kagabi," seryoso nitong wika habang nilalaro nito ang tubig gamit ang dalawang mga paa. Napalunok ako at tila biglang nanuyo ang lalamunan ko. "I am the one

