Napatakbo ako sa lababo ng maramdaman ko na nasusuka ako.Mabilis akong uminom ng tubig pagkatapos.Hinihingal akong umupo atsaka muling uminom ng tubig.Ang pinakaayaw ko sa lahat ng nararanasan ko ngayon ay ang pagsusuka sa umaga dahil pakiramdam ko unti-unti akong malalagutan ng hininga.Parang hinahalukay ang sikmura ko na talaga namang parang ikamamatay ko na. "Ma'am okay lang po ba kayo?"narinig kong tanong sa akin ni ate Pearl atsaka nito hinagud-hagod ang likod ko. "Yeah,"tipid kong tugon. Kahit hindi maayos ang lagay ko ay pumasok pa rin ako sa trabaho.Alam kong napupuna ni Rina ang kalagayan ko ngayon pero nanatiling tikom ang bibig ko.Alangan namang ikuwento ko pa dito na nabuntis ako ni Matteo na ex ko habang kasal kami ni Travis.Alam kong malaking kahihiyan iyon kaya walang iba

