Natapos ang reunion naming magbabarkada nang masaya. As in sobrang saya! Nagkita-kita na naman kasi kaming magbabarkada. Lalo na kami nila Joey dahil siya talaga ang hindi naming nakita ng dalawang taon. Ni message nga ay wala dahil mahirap daw talaga ang signal sa lugar kung saan siya nakadestino. Nagkasundo pa nga kami na sa susunod na Linggo, bago bumalik si Joey este Jena, iyan kasi ang tunay niyang pangalan, at iyan na raw dapat ang itawag naming lahat sa kanya. Ayon nga, napagkasunduan namin na kami ay magkakaroon ng swimming sa Batangas. Nagkasundo rin kami na hindi lang kami ang magkakasama kundi kahit ang mga pamilya namin ay pwede naming isama, kaya naman naisip ko na kaagad na isama sina Nanay Lusing, Tatay Berning at Ellay sa swimming. Wala kasi si Jeantelle

