Magmula nang may mangyari sa amin ni Keyf ay mas naging caring, loving and sweet siya sa akin although katangian naman na niya talaga ang mga iyon, still, mas naging tight ang bonding namin sa isa’t-isa lalo na ang relationship namin. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na ganito katagal muna ang lilipas bago ko ibigay sa kanya ang aking sarili. Bago ko ipagkaloob sa kanya ang kung ano man ang kaya kong maipagkaloob sa kanya. Kung ako man ang tatanungin ay hindi ko pinagsisisihan na ipinagkaloob ko kay Keyf ang kung ano man ang nararapat dahil alam ko naman na iingatan at mamahalin niya akong lalo. “Mal,” Narinig kong tawag niya sa akin ng nasa may patio kami ng bahay nila. Nangako kasi siya sa Mommy niya na magdi-dinner kami sa kanila kaya naman nandito kami ngayon sa kanila.

