Pagkatapos nang nangyari sa amin ni Jeff ay hindi ko muna ito kinausap. Ang lahat ng tawag at texts niya ay hindi ko muna sinasagot. Gusto ko lang kasi munang mapag-isa. Nahihiya ako sa sarili ko lalo na kay Keyf. Bakit ako nagpahalik sa iba? Bakit? Ano ba ang iniisip ko? Bakit ko nagawa iyon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Oo may nakaraan kami ni Jeff, pero matagal nang tapos iyon. At bakit niya sinasabi sa aking mahal niya pa rin ako? “Ano ba, Jean!” sita ko sa sarili ko habang nasa loob ako ng aking kwarto. “Tok! Tok!” nagulat pa ako at napatingin sa pinto ko ng may biglang kumatok dito. “Anak,” tawag sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Nanay Lusing na nanggagaling mula sa labas ng aking kwarto. “Nay

