Pagkatapos ng opening ceremony ay lumabas kami ni Jean. Inaya ko kasi siya para naman mai-celebrate namin ang kanyang ginawa. “Thank you,” sabi niya nang alalayan ko siyang bumaba ng sasakyan ko. Pumasok na nga kami nang magkasabay sa restaurant na pina-reserve ko para sa aming dalawa. Kanina kasi pagkatapos niyang mag-share sa conference ay nagpa-reserve na ako kaagad sa isang restaurant para sa amin, kaya naman dinala ko na siya rito. “Good evening, Ma’am, Sir,” bati ng Waiter sa amin nang makapasok na kami sa loob ng Restaurant na tinawagan ko kanina. “Good evening,” bati rin naman ni Jean dito. “Good evening,” at bati ko rin. “Any reservation po, Ma’am and Sir?” tanong nito. Napatingin naman sa akin si Jean dahilan para mapatango ako sa kanya. “Um, yeah. Reservation for two.

