|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || "Twenty Nine" bilang ko sa lahat ng Pages na nakuha ko na. Tumingin sa akin si Andress pagkasara ko ng Libro. "Halos dalawang buwan na pero wala pa tayo sa kalahati." Napasibangot ako sa sinabi nya, hindi ko kasi binibilang ang araw kaya di ko alam na halos magda-dalawang buwan na pala pero wala pa nga kami sa kalahati. Sinundan ko sya ng tingin nang maglakad sya palapit sa binatana. "Ilang Pages bang meron ang Libro?" tanong ko sa kanya. Sandali nya lang akong tinapunan ng tingin bago tumanaw sa labas ng bintana. "Isang-daan at limampu't anim (156). Ang pinakaunang Pahina at pinakahuli ay walang laman na mahika, nandoon lang iyon para maging harang sa pagitan ng pabalat ng libro kung nasaan nakakulong si Morgana at sa mga Pahinang may kapangyarihan."

