(LENNIE) Mag-aalas nuwebe na ng makarating ako sa bahay ni Lolo. Nadatnan ko si Mommy at Daddy sa sala na nag-uusap. "Hi Mom and Dad" sabi ko at humalik sa mga pisngi nila. "Hinihintay ka talaga namin. Kumain ka na ba?" sabi ni Dad at hinila na ang maletang dala ko. "Yup, dumaan ako kanina sa drive-tru" "Tara na, hahatid ka na namin sa kwarto mo. Bukas dadating iyong mga event organizer na kinuha ko para i-finalize ang birthday party ng Lolo mo" Ang tahimik na ng bahay. Sigurado nagpapahinga na si Lolo at Shawn. Bukas ko na lang ibibigay sa kanya iyong laruan. Binuksan ni Dad ang kwarto ko dito sa bahay ni Lolo. Wala namang gaanong nabago, napalitan lang iyong bed at ibang gamit. Dinala ni Dad ang maleta ko sa malapit sa closet. "Sige na, pahinga ka na anak, alam naming pagod ka

