**Comments** Enjoy! (LEENNIE) Natulog ako sa tabi ni Shawn at nagising ng bandang alas singko. Nakatingin lang si ito sa akin ng bumangon ako at tinignan ang paligid. Napasarap ang tulog ko. Hawak nito ang kanyang Ipad at nanunuod ito ng cartoons sa youtube. "Kanina ka pa gising? Anong oras?" tanong ko dito, agad naman itong tumango. "3 po" maikling sagot nito. Wala pa din si Leo? "Nakita mo si Leo?" "Hindi po, wala po siya noong magising ako" tumango lang ako para makapaghanda na para sa dinner. Saan naman kaya nagpunta iyon? Hindi pa kaya tapos makipag-usap doon sa tumawag? Kumuha ako ng damit na pamalit ni Shawn, napatingin ako rito at nakita kong nakatingin din ito sa akin at sa damit nitong hawak ko. Lilinisin ko ba siya o kaya na niya sarili niya? Pero may yaya pa din si

