(LEENNIE) Nang matapos na ang video, nagsimula ng mag serve ng mga pagkain ang mga waiters at inumin naman ang mga waitress. Pagkatapos kumain ay saka namin sasabihin ang tungkol sa engagement namin ni Leo. Sobrang naiilang na ko dahil alam kong bawat galaw ko ay sinusundan ako ng tingin ni Sir Bien. "You okay?" tanong ni Leo sa akin, napansin niya ba? "yeah" Inaya na ako nitong bumalik sa stage dahil patapos ng kaumain ang bisita. Bumaba kasi kami kanina para batiin ang ilang malalapit na kamag-anak at mga sikat na personalidad. "May we have your attention please" sabi ni Leo habang may malaking ngiti sa kanyang mga labi. "We just wanted to announce something. We know a lot of you were asking when are we going to settle. There is news circulating that we are already engage and t

