(LEENNIE) "Ano ba talaga ha?" tanong ni Judy. Nandito kami sa isang bar ngayon. Konting inuman lang, magiging busy na naman kami sa aming mga trabaho eh. "Hindi ko alam. Magaan lang talaga ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Jace" sabi ko saka ininom ang alak na inorder ko. "Masaya ka kapag kausap mo siya?" tanong ni Abee. Tumango ako bilang sagot. "Naiinis ka pero napapangiti ka pa din niya?" tanong naman ni Rhian, tumango lang ako ulit bilang sagot. "Inaabangan mo text at tawag niya?" tumango ako ulit "minsan" "Kinikilig ka sa mga sweet words niya kahit iyong iba ang corny-corny?" tumango ako ulit. Sunod-sunod na tanong ang ibinato nila sa akin na puro tango na lang ang naisagot ko. Tinignan ko si Kiel na nakatingin lang sa akin. "Komportable ka sa kanya?" tanong nito at tu

