(LEENNIE) "Ma'am ano bang nangyayari sa inyo? Nahihilo na po ako kakalakad mo ng pabalik-balik diyan" sabi ni Rems na kanina pa ako pinupuna. Hindi ako mapakali dahil pupunta ako sa opisina ni Sir Bien mamaya para sa meeting. Hinihintay ko na lang si Riz. Bukas naman ay maguumpisa na ang shooting ko. Nang mag ring ang phone ko ay lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ko. "I'm here" sabi ni Riz "Okay, we're going down" sagot ko naman bago pinatay ang tawag. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dito sa conference room. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang makita si Sir Bien dahil sa nangyari sa amin. Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang bumukas ang double door ng conference room. Hindi ako tumingin doon, tumayo lang ako para makapagbigay galang. Sa bati pa lang ng m

