**Enjoy! Babes.. Mother and Son Bonding muna tayo bago ang sakuna HAHA** (LEENNIE) Sa bahay na ako tumira simula ng umalis si Leo. Ayaw ko ng mawalay kay Shawn. Napakasaya ko lagi kapag kasama ko siya. Nakakalimutan ko ang problema ko dahil sa kanya. Nang dumating kami ni Shawn dito sa bahay ay agad na hinanap nila Mom si Leo. Sinabi ko na lang na dahil sa trabaho nito, hindi ko na sinabi na may problema kami. Hindi ko din makakalimutan ang kanilang reaksyon ng makitang magkahawak kama'y kaming pumasok ni Shawn sa bahay habang nakangiti. Umiyak si Mom at si Dad naman alam kong masaya para sa amin ng anak ko. "Mommy wake-up! Mommy wake-up!!" napangiti ako ng marinig ang boses ni Shawn habang pinaghahalikan ang mukha ko. "ummmmm" nikayap ko ito at hinila pahiga saka ko isiniksik ang

