(LEENNIE) Kinaumagahan, nag jogging ulit ako. Pabalik na ako nang may sumabay sa akin sa pagtakbo. Hindi ito nagsasalita at sersyosong nag jojogging lang. Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa gulat. Si Sir Bien. Bumaling ito sa akin ng huminto ako saka ako binalikan. "W-what are you doing here?" tanong ko. Still shock to see him here. Heto na naman ang sobrang kabang nararamdaman ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. "Well, I'm invited to your Lolo's party, at ang bahay ko ay iyong bahay na nasa tabi ng sa Lolo mo" sabi nito habang napaka seryoso ng mukha. Hindi man lang ngumiti. "Let's go" aya nito sa akin ng hindi pa din ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. "uh yeah" sabi ko na lang at nagumpisa na ulit tumakbo. Walang nagsasalita sa amin kaya rinig ko ang lakas ng t***k

