Nakauwi na rin sila sa kanilang hotel. "Take some rest." payo ni Arthur habang kaming dalawa ay nakahiga sa kama. "Kailangan mo ng magpahinga." Nakapikit na ang mga mata ni Arthur na tila natutulog na. Nastress rin siya sa nangyari. Niyakap ko ang asawa ko at pinikit ko ang aking mga mata. Pero, di ako makatulog! Napadilat ako. "Haist! Nakakainis!" naiiritang sabi ko. Napatingin si Arthur sa akin at tinanong ako, "May problema ba?" "Nakakainis kasi!" "Bakit?" Nahihiyang aminin ni Yasmin pero sinabi niya sa asawa. "Palaging pumapasok sa utak ko ang nangyari kanina.." "Huwag mo ng isipin iyon.." "Hindi ako makatulog dahil lumalabas ang mga imahe nila sa utak ko!" "Hmm?" Medyo bumangon si Arthur. Napatingin ako sa asawa ko. "Ano pala iyon?" tanong ni Arthur. "Napanood

