Chapter 42

4800 Words
Yasmin's pov Natapos na rin ang mga araw na narito kami sa isla. Nag-iisa ako rito sa kwarto. Nag-iimpake na ako ng aking mga gamit sa aking luggage. Nakaupo ako ngayon sa kama na kasama ang mga damit ko na nakakalat rito. Iniisa-isa kong inaayos ang aking gamit at mamaya ay kay Arthur naman. " Ano na ang mangyayari?" Napatanong ako at napabuntong - hininga. Napatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ang ulap na tanaw roon. Sa araw na ito matatapos ang aming kontrata. Natapos na rin. Naaalala ko kung gaano ako naiinis kay Arthur at kung paano ako matapang na sumasagot sa binata. Natatawa na lang ako kapag iniisip iyon. Para kaming mga bata sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na mangyayari ito at nangyari na talaga. Kinikilig tuloy ako habang naaalala ko iyon. Naka move on na ba talaga ako? ------ Samantala nasa kwarto ni Leo ang dalawang binata. Nakaupo si Arthur sa couch habang nakatayo si Leo sa harapan nito. Seryosong nakatingin si Arthur at walang salitang sinasabi. Naghihintay ito na maunang magsalita si Leo. Si Leo naman ay hindi makatingin sa boss kaya yumuko ang ulo nito. Ilang minuto ang nakakaraan at nagkaroon na ng lakas ng loob si Leo na magsalita. Natatakot kasi siya sa mga mangyayari. But he realized na may mga kasalanan talaga siya sa boss nito. " Sir, sorry na po sir!" Nakapikit na sabi ni Leo. Nanginginig sa takot ito. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur at magkasalubong ang mga kilay. " Sorry sir! Ilang beses ko na pong dinistorbo kayo ni Miss. Ilang beses na nabitin kayo dahil sa akin.." " Salamat alam mo.." wika ni Arthur. " Sorry sir! Parusahan na ninyo ako!" mungkahi ni Leo at biglang lumuhod ito. Hindi natinag si Arthur at seryoso pa rin itong nakatingin sa binata " Sige, mamili ka. Una, tatanggalin kita sa trabaho mo.." " huh?" Napaangat ang ulo at namilog ang mga mata ni Leo sa gulat. " O pangalawa, ikaw ang mag-resign??" " Huh?" Mukhang pareho lang ang kahinatnat sa dalawang options. " Sir? Seryoso po?" "Mamili ka na!" Agad nilapitan ni Leo si Arthur  hinawakan ang paa nito na nakaluhod pa rin. " Sir, patawad po! Di ko po sinasadya na madistorbo ko kayo.. At sa lolo niyo po kasi.." nagmamakaawa siya sa boss. " Bakit mo sinunod ang lolo ko? Para mo ng sinabing kakampi ka niya? Sino ba ang boss mo?" " Kayo po ang boss! Patawad da - dahil nadalaa ako sa ta-takot sa loloo niyo. Siinunod ko siya! Lolo po kasi ni-iyo siya,"  Nanginginig na sabi ni Leo. Lumapit ang mukha ni Arthur at sinabing," eh, kung sabihin ng lolo ko na patayin ako, gagawin mo rin!?" Nabigla si Leo sa tanong ni Arthur at ang tanging sagot njya ay, " Hindi ko po magagawa sa inyo! Napakabait niyo sa akin at tinuring ko na po kayong kamag-anak." " Haist!" Napasandal sa couch si Arthur. Nagpagpipigil sa kanyang inis at galit. " Sir, huwag ninyo po ako tatanggalin. Sorry na po!" Pagmamakaawa ni Leo habang tumutulo ang luha. "Suntukin niyo nalang ako ng maraming beses hanggang magsawa kayo sir! Mahal ko ang aking trabaho. Patawarin ninyo po ako. Hindi na talaga mauulit." Napatingin si Arthur sa mukha ni Leo na talaganga nagsisisi. " Sir, maawa po kayo." Hinawakan ni Arthur ang kwelyo ng polo ni Leo at hinila ito. Napatayo sila pareho. " Sige, kung iyan ang gusto mo. Susuntukin kita ng maraming beses para magtino ka na at maaalala mo ang mga kapalpakan na ginawa mo. I am really disappointed sa iyo! Ngayon lang rin ito nangyari mula  noong nagsimula ka magtrabaho sa akin. Hindi ko ito palalagpasin!" Handang handa na ang kamao ni Arthur at itinaas na niya ito para suntukin ang mukha ni Leo. Nanggigigil si Arthur na hawak ang kwelyo ng binata. Halatang galit na galit ang boss. " Suntukin niyo na po ako!" Nakapikit na sabi ni Leo. Nangginginig at natatakot pero wala siyang magawa. Tanggap niya ano man ang gagawin para lang mapatawad siya. Huminga ng malalim si Arthur habang inaangat ang kamao nito pero may bigla siyang naalala. Flashback-- " Saan kayo pupunta?" tanong ni Yasmin. " Kakausapin ko lang si Leo sa kabila. Naunang umalis si Leo sa kwarto nila habang si Arthur ay pinigilan ni Yasmin. " Teka lang!" " huh?" Napatingin ang binata sa dalaga. Nag-aalala si Yasmin sa mga mangyayari. Mukhang alam niya kung ano ang pag-uusapan nila. Hinawakan niya ang kamay ni Arthur. " Arthur, huwag mong sasaktan si Leo. Pakiusap!" " Ano?" " Huwag mong gagamitin ang kamay mo..ang kamao mo para manakit ng ibang tao. Ayokong masaktan ka. Ayokong makapanakit ka." Napatitig lang si Arthur sa dalaga. "Ayokong madungisan ang kamay na ito. Ayokong mabahiran ng dugo ng sinaktan mo ang kamay mo." "Yasmin..."sambit na mahina ni Arthur. " Patawarin mo na siya..."payo ni Yas.  " Kakausapin ko lang siya." "Ipangako mo Arthur.." " Sige, pangako." -------end of flashback.--- Gustong - gusto ni Arthur na suntukin si Leo para magtanda na ito pero habang minamasdan niya ang mukha ni Leo ay pumapasok ang sinabi ni Yasmin. " Haist! Asar!" Binitawan niya agad ang kwelyo at napatalikod agad ito. Napaupo sa sahig si Leo at tiningnan si boss. Nagtataka siya kung bakit hindi siya sinuntok ng boss nya. " Magpasalamat ka kay Yasmin.." " Po?" " Nangako ako na hindi ka sasaktan kahit may kasalanan ka pa!" Kumukulo ang dugo ni Arthur habang nagsasalita at gustong ipalabas ang galit niya. " Sorry sir!" Napatingin sa salamin si Arthur at nakita ang sarili na napakaseryoso. Basang basa na rin siya ng pawis. " Gawin niyo nalang po kahit hindi niyo po sabihin sa kanya. Hindi ko po kayo isusumbong. Parusahan ninyo ako ng kahit na ano basta huwag ninyo akong tatanggalin sa trabaho ko." " Nangako ako at dapat ko iyon tuparin... Makita niya man o hindi!" Leo's pov Hindi ko pa nakikita si sir noon na napakaseryoso sa isang babae. Iba si Ms. Yasmin sa lahat ng mga naging babae niya dahil napabago niya si sir. Gagawin lahat ni Sir para lang kay Miss. Kahit hindi man maghabol si Ms.Yasmin, si sir talaga ang nageeffort. Kahit labag man sa kanya ay pipilitin para lang mapasaya at masunod si Miss. " Asar! Gusto kitang suntukin!" Sigaw ni Arthur na umuusok na sa galit. " Gawin niyo nalang po sir!" Hanggang pinuntahan niya ang salamin na nasa harap nito at doon inilipad niya ang kanyang kamao. Sinuntok ni Arthur ang salamin at nabasag ito. Nabigla si Leo sa ginawa ni Sir Arthur. Hindi niya inaasahan iyon. " Sir?" Napataas noo itong nakapikit ng maramdaman ang sakit sa kamay niya. Dumudugo at nasugatan ito. Tumutulo rin ang pawis nito sa buong katawan. " Sir.. Bakit niyo ginawa iyon?" Hinihingal na nagsalita si Arthur, " Bayaran mo ang nabasag, iyan ang parusa mo!" Lumapit si Leo sa binata na talagang nasaktan pero iniinda ang sakit. " Sir, may sugat po kayo!" " Gago ka kasi! Bayaran mo iyan at iligpit!" Umalis na si Arthur at iniwan na lang si Leo sa kwarto niya. "Sir!" " Huwag kang susunod!" " Opo.." ---------- Bumalik sa kwarto si Arthur. Ginamit niya ang kanyang kaliwang kamay pagbukas sa pinto. Hindi siya nagpahalata na masakit ang kanyang kamay at may sugat ito. Binalutan lamang niya ng panyo. Sinalubong siya ni Yasmin. " Naayos ko na ang ating mga gamit.." " Tamang - tama, check out natin ay 12." "Ganoon na nga. Paki-check nalang kung may naiwan ka pa ba." " Sige, mamaya. Maliligo muna ako." Napansin ni Yasmin ang panyong nakatali sa kamay ni Arthur. " Ano iyan? Bakit ka may ganyan?" " Style!"sagot ni Arthur. " Anong style?" Nagtatakang tanong niya. Agad niyang hinablot at hinawakan ang kamay ni Arthur. " Aray!" " Huh?" medyo nabigla si Yasmin sa reaction ng binata. Agad tinanggal ni Yasmin ang panyo na nakatali sa kamay ni Arthur. "Oh my! Anong nangyari riyan?" Nakita niya ang sugat at dugo sa kamay ng binata. Iwas tingin si Arthur at ayaw sabihin sa dalaga. Nag-aalala si Yasmin kaya agad siyang kumuha ng first aid kit at naisipan rin niyang tumawag ng doctor. " Okay lang ako," " Hindi ka okay!" Hindi na natiis ni Arthur kaya sinabi niya kay Yasmin ang lahat. Medyo nakokonsensya ang dalaga dahil siya ang isa sa dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Hindi man niya sinaktan si Leo, sinaktan naman niya ang sarili nito. ------ Nakauwi na silang tatlo sa wakas. Natapos na rin ang araw nila sa isla. Maraming mga nangyari na hindi inaasahan. Natapos na rin ang  kasunduan nina Arthur at Yasmin. ---- Excited si Mia sa mga ikwekwento ng kaibigan, Sinalubong talaga niya si Yasmin. Pumunta naman si Yas sa kanyang kwarto nang nakarating at nakabuntot na si Mia sa kanya. " Yasmin, magkwento ka naman sa mga nagyari noong nasa mansion ka ng gwapong lalaking iyon? Kumusta?" usisa ni Mia. Nasa kwarto na sila ni Yasmin habang patuloy sa pangungulit si Mia. Umupo si Yas sa kama at sumunod si Mia. Binuksan ni Yas ang kanyang luggage at dahan - dahang nilalabas ang mga gamit nito. " Okay lang.."sagot ni Yas.  " How about iyong sinabi mong isla?" Excited na pagtatanong ng kaibigan. " hmmm.. Nice. Maganda roon!" "Wow!" " Sana nakita mo, ang ganda." Nakangiting kwento ni Yasmin. "May picture ka?" " Wala eh.." "Teka Yasmin, kumusta ang lalaking gwapo na naging master mo?" "Okay lang naman siya," sagot ni Yasmin na nakanguso ang mga labi at medyo mataray. " May girlfriend na ba siya?" " Huh?" Napatingin si Yasmin sa kaibigan na namumula ang mukha. " Kung wala pa, ipakilala mo siya sa akin." Pinakiusapan ni Yasmin si Arthur na huwag sasabihin sa iba na may relasyon na sila. Kahit si Leo ay tikom ang bibig kahit nahahalata na niya ito. Ayaw na niyang ipahamak ang boss nito at baka tuluyan na talagang matanggal siya sa trabaho. "May girlfriend na ba? Ano ang type niya sa babae?" Pangungulit ni Mia. " Iyon magkakagirlfriend? Impossible ang sinasabi mo. Walang sasagot sa kanya dahil sa ugali non!" " Huh?Ganoon? Anong ugali niya pala?" "Uhmm. Ugali.." napaisip tuloy si Yasmin. " Teka." Hindi pa nakakasagot si Yasmin ay biglang nagsalita si Mia, " Bahala na basta gwapo siya at crush ko siya! Mayaman pa!" Sa tanong sa isip ni Yasmin, "Ano kaya ang magiging reaction ni Mia kung sasabihin ko na kami na ni Arthur? Sasabihin ko kaya sa kanya? Give me time to think. Baka sabihin niya ang dali kong napa - Oo. Tapos paano kung malaman niya na ang kaibigan niya ay nakipags*x sa lalaking iyon agad. Haist. Ikaw kasi Yasmin, hindi ka nag-iisip. Oo na, inaamin ko, bobo ako pagdating sa ganito. Tanga inshort." Napabuntong - hininga nalang si Yasmin. Nagdaan na ang isang araw. Nag-aayos ng sarili si Yasmin dahil pupunta siya sa foundation. Matagal tagal na rin ang huling araw na nakabisita siya roon. " Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ni Mia. " Pupunta ako sa foundation," sagot ni Yasmin. " Ahh.. Ganoon ba. Sige." Umalis na ng bahay si Yasmin. -------- Nasa library ng kanyang mansyon si Arthur at pumipirma sa mga papeles na tungkol sa kompanya. Kahit medyo masakit ang kamay ay tiniis niya ito. Nakatayo naman sa harapan nito si Leo. Pero biglang napatigil si Arthur sa ginagawa. " Haist!" Napatingin si Leo sa kanya. " Bakit sir?" " Nakakabagot!" " Po?" " Hindi ba pupunta si Yasmin rito?" " Wala po siyang sinabi. Natapos na po ang kasunduan kaya bumalik na siya sa kanila kahapon." " Alam ko! Pero bakit hindi niya ako dinadalaw?" " Hindi ko po alam, sir." " Asar naman! Gusto ko siyang makita!" "Puntahan na lang kaya natin siya sa kanila." Napatinigin si Arthur kay Leo. " Tama! Magandang ideya!" Natuwa si Leo na masaya na si Arthur. Napatayo ang binata at nagmamadaling umalis. " Puntahan natin siya sa kanila. Huwag mo ng gamitin ang sasakyan. Sasakay tayo sa isang bus." " Po?" nabigla si Leo. Hindi niya inaasahan na sasakay ang boss niya sa isang bus. Sumunod agad si Leo sa kanyang boss. -------- Nakarating na rin si Yasmin sa foundation. Sa may garden kung saan naroon ang mga bata ay sinalubong agad siya ng mga ito. " Ate Yasmin!" " Ate!" Niyakap nila agad ang dalaga. " Na-miss ka nila," sabi ni Kara. " Namiss ko rin sila,"wika ni Yasmin. " Ano ang gagawin natin ate?" tanong ng isang bata. " Anong gusto ninyong gawin?" tanong ni Yasmin. " Gusto naming maglaro ng habulan!" Itinaas ni Yasmin ang kanyang kamay at sinabing, " Tara!" sabay takbo. Nagtakbuhan ang mga bata at hinabol naman ni Yasmin. Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan. " Blooming yata si Yasmin," wika ni Kara habang pinagmamasdan si Yasmin. --------- Dumating  na sina Arthur at Leo sa bahay na inuupahan ni Yasmin. Namangha si Leo pagkarating roon. " Dito pala nakatira si Miss," sabi ni Leo. " Dito nga!" Kumatok si Arthur sa pinto. Kumakain ng agahan si Mia ng biglang kumatok ito. Nakapatong ang paa nito sa upuang inuupuan niya at nagkakamay lang sa pagkain. Nakasuot ng sando ito na walang bra at shorts na napakaikli. " Haist, may nakalimutan siguro si Yasmin." Kumatok ulit "Wala ba siyang susi?" Kumatok ulit sa ikatlong beses. " Nariyan na!" sigaw nito. " Di makahintay!" Pinuntahan niya ang pinto para buksan. " Teka lang Yasmin!" Ipinihit niya ang pinto at pagbukas niya ay nagulat siya sa kanyang nakita. Nasa harapan niya si Arthur at kasama si Leo. Kumikinang ang mga mata ni Mia ng makita ang binata. Kagat- labi itong ng tuluyan ng napatingin ang binata sa kanya. " I-ikaw pala sir.." nauutal na bati ni Mia. Nagpapacute tuloy ito. " Anong atin?" tanong ni Mia. Hinahawid niya ang kanyang buhok sa likod ng tenga. Napatingin si Arthur sa cleavage ni Mia pero madali naman niyang iniwas ang tingin nito. Napapaubo tuloy siya. " uho-- uhmm.." Si Leo naman ay napatingin rin kay Mia from head to feet. " Kaibigan ka di ba ni Miss Yasmin?" tanong ni Leo. " Yes, pasok muna kayo.." aya ni Mia. " Pasok daw sir!" Itinulak ni Leo ang boss niya papasok sa bahay. Pagkapasok nila ay napalibot ng tingin ang dalawa sa buong sala. " Umupo muna kayo at kukuha lang ako ng maiinom," sabi ni Mia na kinikilit sa tuwa. Napatitig si Leo sa dibdib ng babae. Napansin naman ni Arthur ang mga titig ni Leo sa dalagang si Mia. " Anong ginagawa mo?" pabulong na tanong ni Arthur sabay upo sa couch sa sala. " Sir, paano po ba.." hindi na naituloy ang sasabihin ni Leo ng dumating na si Mia na may dalang dalawang baso ng juice. Inilagay niya ito sa mesang nasa gitna. Hindi makatingin si Arthur kay Mia dahil na rin sa suot nito. " Pasensy na, mainit kasi.." ani ni Mia na napapakumpas ang kamay na ginawang pamaypay. "Okay lang!" sagot ni Leo na nakatitig sa dalaga. " Hinahanap ba ninyo si Yasmin?" Umupo si Mia katabi ni Arthur. Titig na titig ang dalaga sa mukha ni Arthur na umiiwas sa kanya. Umuusog pa siya lalo patungo sa binata. " Miss, ganyan ka ba talaga manamit?" tanong ni Arthur na napalingon na kay Mia. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur at nakasalubong ang kilay. " huh?" nabigla si Mia. Nabigla rin si Leo sa tanong ni Arthur. " ah, eh, pag narito lang sa bahay," nahihiyang sagot ni Mia. " Nasaan si Yasmin?" tanong ulit ni Arthur. Tumayo si Mia at sinagot si Arthur, " Umalis siya. Pumunta siya sa foundation." Napatayo na rin si Arthur at balak na niyang umalis agad, "Okay, salamat." Agad umabas na ng bahay si Arthur. Si Leo naman ay dahan dahan lamang sa pagtayo sa kinauupuan niya. Mukhang walang balak na umalis. Napalingon si Leo sa dalaga at napasulyap naman si Mia sa kanya. Leo's pov Umalis na si sir. Itatanong ko sana kung paano ba manligaw? Paano ba aakitin ang isang babae? Anong gagawin mo kung may isang napakasexy na babae na nakatayo sa harapan mo? Teka teka teka.. Kung susundan ko si sir patungo kay Miss, baka makadistorbo ulit ako sa kanila. Hmmm..Susundan ko ba siya? Pasulyap sulyap si Leo kay Mia na nakatingin rin sa kanya at napapakindat ang dalaga.  ----- Sa foundation,  " Yasmin, punta tayo sa birthday ng kaibigan ko. Birthday niya bukas. Sama ka!" aniya ni Kara. " Huh? Hindi ko naman siya kilala.." " Ipapakilala kita!" " Ano!?" " Girls lang ang inimbitahan niya, so do not worry," paliwanag ni Kara. " Ako ang bahala sa iyo!" " Okay..." Pagkatapos ng lunch ay aalis na si Yasmin sa foundation. " Bye! Kita tayo bukas!" wika ni Kara. Masayang naglalakad si Yasmin dala ang maliit na bag sa kalye. Nakasuot ng dress hanggang tuhod si Yasmin. Pagkarating niya sa may poste ay naroon si Arthur. " Arthur?" " Ang tagal mo!" nagtatampo ang tono ng boses nito. " Anong ginagawa mo rito?" " Ano pa, gusto kita makita!" " huh? Weh?" " Parang isang taon na di kita nakita! Gusto kong parati kitang nakikita." Natawa si Yasmin sa hirit ni Arthur. "Bolero!" Napangiti nalang si Arthur at natuwa. " Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Yasmin. " Kanina pa sa kahihintay sa iyo." " Bakit hindi ka pumasok o pumunta sa loob?" " Ayokong madistorbo ka sa ginagawa mo!" Mas nilapitan ng binata si Yasmin at hinawakan ang kamay ng dalaga " Kumusta ang kamay mo?"nag-aalalang tanong ni Yas.  "Okay lang basta hawak ko ang kamay mo," sagot ni Arthur. Hindi maiwasang hindi kiligin ang dalaga. " Sa susunod, ingatan mo naman ang sarili mo!" payo ni Yasmin na nakanguso ang mga labi. Mas nilapit ni Arthur ang mukha nito, " Hahamakin ko ang lahat, para lang sa iyo." Namula tuloy ang pisngi ni Yasmin. " Kain muna tayo. Gutom na ako!" ani ni Yasmin dahil para bang hindi na siya makahinga sa kilig at kabog ng dibdib.  Napangiti si Arthur nang makitang namumula ang kasama. "Okay!" Habang naglalakad ay biglang umulan. Bumuhos na ang malakas na ulan. " Oh my!" Agad kinuha ni Yasmin ang payong nito at sumukob silang dalawa. ------Warning!! (spg alert)------ Yasmin's pov Pagkatapos naming kumain ng lunch sa isang restaurant ay pumunta kami sa isang malapit na hotel para magpahinga. Magpahinga? Naisipan naming mag-bonding. Magbonding? Ewan ko! Basta we want to spend our day together kaya pumunta kami roon. Nag check- in kami sa isang hotel at ang kwarto namin ay nasa tenth floor. Marami talagang matataas na gusali rito. Pumasok na kami sa kwarto. Napalibot ang aming mga mata sa buong kwarto. Maganda ito at medyo malaki rin. May malaking bintana at tanaw ang tanawin sa labas at ang ibang mga gusali. May isang malaking kama na may puting bedsheet, unan pati ang kumot. Kaakit - akit ang mga mwebles at mga gamit roon. Mayroon ring couch na tamang tama sa apat na tao. Ang bintana ay mayroon itong kurtina na silk at may space para sa upuan. Ang banyo nila ay maganda rin. Five star ang ibibigay ko rito. Napatingin ako sa tanawin sa may bintana. Talagang tanaw ko ang ibang buildings, sasakyan, mga daan at maliliit na mga tao. Tinanggal niya ang kanyang coat at isinampay sa isang upuan. " Nagustuhan mo ba ang kwarto natin?" tanong ni Arthur. " Maganda," sagot ko. Niyakap niya ang bewang ko at napasandal sa may ulo ko. Hinawakan ko rin ang mga braso niya na nasa bewang ko. " Walang makakadistorbo sa atin rito.."bulong niya sa tenga ko. Napansin ko na hindi niya kasama si Leo. Baka di niya talaga kasama. Inaamoy - amoy ni Arthur ang aking buhok sa may likuran. Ako naman ay napapatingala ng dahan dahan. " Ang bango mo.." Napangiti lang ako at napapikit. Patuloy pa rin sa pag-amoy ni Arthur at hinawid niya ang aking buhok. Sinimulan niyang himasin ang aking mga braso ng kanyang kamay. Nararamdaman ko ang ilong niyang napapatama sa aking balikat. Hindi ko maiwasang napakagat- labi habang ginagawa niya iyon. Oh my.. Hinalikan niya ang aking balikat pataas sa aking leeg. Nakikilitian ako ng unti - unti niyang inaabot ang aking tenga. Ang mga kamay niya ay naglalaro sa harapan ko at kinakapa ang aking dibdib. " Gosh! Arthur..." " You are so hot Yasmin.. sabik talaga ako sa iyo." Dinilaan niya ang aking leeg pababa sa aking balikat. Kagat - labi ang aking naging reaction. Hinahawakan ko ang kanyang kamay kung saan ito dumadapo. " I miss you!" bulong niya ulit sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinaharap ito sa kanya. Sinunggaban niya ang aking mga labi ng kanyang mapusok na labi. Maiinit ang pagdampi nito sa aking nga labi. Hindi ko na rin napigilan ang sarili at binalik ko ang mga halik niya. Nilabas niya ang kanyang dila at ipinasok ito sa aking bibig at doon na naglalaro ng paikot sa loob. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ang kanyang halik ay nakakatakam. Habang naghahalikan kami ay hinihimas ni Arthur ang aking likod pataas - pababa at ako naman ay nakakapit ang braso sa batok nito. Pinaupo niya ako sa may space sa bintana at nagpatuloy ang halikan namin. Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg at dinilaan niya ito ulit.  Hinawakan ko naman ang kanyang ulo. Tumigil kami saglit at nagkatitigan. Hindi ko maintindihan na bigla ko nalang tinanggal ang mga butones ng polo nito kaya nasa harapan ko na ang makisig nitong pangangatawan. Hinimas ko ang kanyang dibdib pababa. Ang nakakatakam na malatinapay na abbs ay nasa aking harapan. Di ko maiwasang mapatitig sa kanyang napakakisig na katawan. Ganito siguro ang naging pakiramdam ng mga babaeng nakasama niya.  Pinaharap niya ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ulit ang mga labi ko. Walang magawa ang aking mga kamay dahil sa pagkabigla. Ang mga kamay naman niya ay dumapo sa hita ko. Ilang minuto ay humiwalay ang kanyang labi at napatingin siya sa katawan ko. Ako naman ay dahan dahang tinanggal ang damit hanggang bra at panty nalang ang naiwan na saplot sa aking katawan. Pero napatakip pa rin ako sa aking dibdib ng aking dalawang kamay. Medyo nahihiya kahit alam kong nakita na niya ito noon pa. Pero siya na ang humawak sa aking mga kamay at inilapag sa may gilid lamang. Nasa harapan na ni Arthur ang aking dibdib at di ko na ito matatago pa. " Malaki talaga ang b**bs mo!" Napangiti nalang ako at nasabing, " Gusto mong tikman?" Napangiti si Arthur at agad hinawakan ang aking matatayog na bundok. Pinisil niya ito kahit may bra pa sa mga oras na iyon. " Ugh!" Hanggang tuluyan na niyang tinanggal ang aking bra para wala na talagang distorbo. Itinapon lang niya ito sa sahig.  Sinunggaban ulit niya ang aking dibdib na parang nauuhaw. Sinisipsip niya ito pagkatapos ay dinidilaan na parang sorbetes. Paulit ulit niya itong ginagawa ang paglasap rito sa dalawang bundok ko. Nilalaro niya ito habang pasulyap-sulyap sa akin. Ako naman ay napapakagat - labi dahil minsan ay masakit na sa pagkagat niya nito pero mas umibabaw ang kiliti at sarap. "Arthur, ughh.." Pinisil niya ito at nilalaro ito. " Gosh.. Arthur.." Dinilaan niya ulit ang aking dibdib pababa sa pusod ko. Napapahawak ako sa kanyang ulo at buhok. Umiinit at nakakakiliti na. Nalulunod na talaga ako sa sarap. Napatayo si Arthur sa harap ko. Tinanggal ko naman ang belt niya at binaba ang kanyang zipper. Si Arthur na ang nagpatuloy sa pagbaba ng pantalon niya. At sa mga oras na iyon ay nakabrief nalang siya at kitang kita ang malabundok nitong alaga. Binuhat ako ni Arthur paharap. I wrapped my hands around his neck at nagsimulang maghalikan ulit. Binuhat niya ako patungo sa aming kama at inihiga doon. Walang tigil kami sa aming maiinit na halik. Hinahalikan niya ako mula sa aking labi patungo sa leeg, hanggang sa dibdib pagkatapos sa pusod. Nagpaubaya ako sa kanya at napakapit sa higaan. Kalahati ng aking katawan ang nasa kama kaya ang aking paa ay nakalapag sa sahig. Si Arthur ay nakayuko sa akin at nakaluhod ito. Hindi ko na namalayan na nasa may hita na ito at inaamoy ang aking p********e. Nakakahiya na naman! He still continue. He touched my p*ssy na nakasuot pa ako ng panty  at hinimas ito ng ilang beses. He's rubbing it kaya napaungol ako. " Ughh!!" Hinila niya ang panty ko kaya nakikita niya ang aking p********e na basang basa na. " You are so damn wet.." Nahihiya ako ulit kahit ganito. Ibinuka pa niya ang aking hita at ipinasok ang dalawang daliri sa loob ko. s**t! Oh my! " Ughh!! Ughh!" Mabilis niya itong pinagalaw na palabas - masok roon. " Ughh!! Ughh!!" Gosh. Oh my.. Napapaungol ako. Napapatakip bibig ako para pigilan pero hindi ko magawa. " Arthur.. Ugh! Ugh! Ughh!!" I know I'm so wet.. Tinanggal na niya ang kanyang daliri roon. Mas nakahinga ako ng maluwag. " So whats next?" tanong niya sa akin. Nakatayo lang ito sa aking harapan habang ang aking kalahati ng katawan ay nasa kama pa rin. Ako na ang nagtaggal ng aking panty at itinapon lang sa sahig. Nagkalat na ang aming mga damit at wala kaming pakialam. "hmmm" Napangiti si Arthur. Ibinuka ko ang aking hita paharap sa kanya. Alam ko na ano ang susunod na mangyayari. " Tayo lang rito, walang magdidistorbo.." sabi ko. Tinanggal rin niya ang kanyang brief at hayun, nagpakita ang sandata ni Arthur, si junior. Sabik na sabik si Arthur sa gagawin namin at umiinit kami pareho. Umusog ako ng kunti para ang buong katawan ko na ang nasa kama. Hindi na makapaghintay si Arthur at agad na itong umibabaw sa akin. " I love you!" bulong niya. Mas ibinuka pa niya ang aking mga hita at idinikit ang katawan sa aking katawan. Ipinikit ko na ang aking mga mata at inihanda ang aking pagkapit ko sa unan mamaya.  Unti unti ko ng nararamdaman ang pagdampi ng alaga niya. He rub it on my p*ssy many times. Umiinit ang aking katawan habang ginagawa niya iyon. "Sh*t!" Nagpipigipil ako sa aking nararamdaman na kiliti. Hanggang, naramdaman ko ang dulo nya na dahan dahang pumapasoksa kweba. "Oh my.. Heto na!" Kumapit na ako sa unan pati sa bedsheet. At iyon! Ipinasok na niya si junior sa aking kabibe. Shock! " I will move now?" I just nodded na nakapikit ang mga mata. Iginalaw niya ito at ramdam na ramdam ko ito. Bumayo siya ng dahan dahan hanggang binilisan niya ito. Napapaungol na ako ng malakas. Nararamdaman ko ang paglabas pasok nito sa loob ko. Napapadiin nya ng husto na para bang aabot na sa dulo..sa Dulo ng langit. " Ughh!!ughh!!" " s**t! You are damn hot!" sabi niya. Naghahalikan kami habang binabayo niya ako.. "hmm..ughh!!" Walang tigil ito sa pagdiin at paggalaw. " You love it?" Hindi na ako makasagot dahil puro ungol nalang ang nagagawa ko. Nawawala na yata ako sa aking sarili. " Ughh!! " You want faster!?" " Ughh!! Ughh!!" Itinaas niya ang aking mga paa sa ere at mas binilisan pa nya. " Ughh! Ughhh!!" " Let's come together!!" " Ughh!!" " I'm going to come!!" " Ughhh!!" Ibinuka niya ulit ang aking hita. Nagmukha akong gunting kung paano hawakan ni Arthur ang aking paa sa ere. Ito ay pataas tapos ibaba niya ito pero ibinuka. Itataas ulit, tapos ibaba. Sigh.. Maririnig mo ang ingay ng kama at talamsik ng alaga niya sa pagpasok at labas sa lungga ko. Niyakap ako ni Arthur at nakakapit ako sa kanya habang ang aming katawan ay nag-iisa pa rin. "s**t! Arthur..Arthur.." Binabayo pa rin niya at mas idinidiin ang pagpasok. Naghalikan kami at naglaro ang aming mga dila ulit. Mukhang uhaw na uhaw kami sa bawat isa. Ilang araw lang ba kami hindi nagsama?  Hinihingal na kami sa aming ginagawa. Hinawakan niya ang aking kamay at idiniin ito sa kama kasabay sa pagdiin ng aking sarili sa kanya. " Ughh.." " ughh.." Hanggang.. Nilabasan kami pareho. Naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa aking katawan. Nilabasan ulit si Arthur at nasa loob ko ito. Pareho kaming nilabasan. " Ughhh!" Napatingala at napapikit si Arthur habang inilabas ang kanyang likido sa loob ko. " ughhh!" Mukhang sinulit niya ito at walang itinapon. His semen is inside me. Sa mga oras na iyon, hindi ko na inalala na baka mabuntis ako ni Arthur. I just want to be with him. I want to make love with him.  Hinihingal na kami pareho at mukhang napagod kami kahit isang oras lang ang ginawa namin. Dahil sa kapaguran ay napahiga kami pareho sa kama.  Bakas sa aming mukha ang kasiyahang makasama ang isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD