Nasa restaurant na silang tatlo nina Yasmin, Arthur at Leo. Aalis na sana si Leo ng biglang pinigilan siya ni Arthur.
" Dito ka na kumain Leo. Sabay na tayo," aya ni Arthur. Maganda ang aura ng boss niya.
Medyo nagtataka si Leo sa mood ng boss niya.
" Po?" dahan - dahang umupo katabi ni Arthur si Leo.
Napangiti si Yasmin na napasulyap sa binatang kaharap.
Sa isip ni Leo ay may mga bagay na pinagtataka niya.
"Teka.. I smell fishy. Ano kaya ang nangyari? Medyo kakaiba silang dalawa." bulong nito sa sarili.
Pinagmasdan ni Leo na kumain ang dalawang kasama.
Nagsimula ng kumain silang tatlo. Nag-order sila ng mga japanese food. Gumamit ng chopstick si Yasmin at Arthur. Si Leo naman ay iba ang order sa kanila.
Napakadaldal ni Leo sa mga oras na iyon. Mukhang nacurious siya.
"Miss Yasmin, nagustuhan niyo po ba ang surprise ni Sir? Nasurprise po ba kayo?" usisa ni Leo na nakangiti hanggang tenga.
" Oo, nasurprise nga ako!" sagot ni Yasmin. Kumakain ito gamit ang chopstick. Si Arthur naman ay nakatitig lamang sa dalaga at hindi man lang kumain.
Nagsasalita na naman si Leo na may laman pa ang bibig, " Hmm.. tapos Sir, sinagot ka na ba niya?" pabulong na tanong nito pero narinig pa rin ni Yasmin.
Sasagot na si Arthur. " Hmmm... Siguro dahil sa nangya---" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang sinubuan ni Yasmin ng isang buong sushi si Arthur sa bibig.
Nanalaki ang mga mata ng binata dahil sa di inaasahang gagawin ng dalaga. Napangiti naman si Yasmin.
Ninguya ni Arthur ang pagkain at magpapatuloy na sana sa sasabihin " kasi kaga----" Sinubuan ni Yasmin ulit ng buong sushi.
Napangiti ulit si Yasmin.
Naghihintay si Leo sa sagot at nagtataka sa ginagawa ni Yasmin.
" Alam mo Leo, kagabi may ----" sinubuan niya ulit ito sa panatlong beses.
" Gutom na gutom ka yata Arthur! Dahan dahan lang.. Tapos, do not talk when your mouth is full!" nakangiting sermon ni Yasmin.
Pinipigilan ni Yasmin na maikwento ni Arthur sa secretary niyang si Leo ang nangyari sa kanila.
Napangiti na lamang si Arthur, " Ang cute mo Yasmin! Gusto ko yan!"
------
Nasa may dalampasigan sina Leo at Arthur na nakahiga sa tig-iisang sunbathing bed na may malaking payong. Nakasuot sila ng polong pang-beach at shorts at may sunglasses pa.
Nakasuot ng swimwear ang mga tao na nasa beach. May nagpapa-tan na nakahiga sa mat na nasa buhangin. May mga naglalaro ng beachball. May naghahabulang mga magsing-irog. May masayang naliligo at lumalangoy sa beach.
" Weew, ang raming magaganda rito Sir!" wika ni Leo na nakatingin sa mga babaeng naka two-piece. " Ang sesexy pa!"
Hindi sumagot si Arthur. Nagrerelax ang binata habang nakahiga na ang mga kamay ay nasa likuran ng ulo niya.
" Sir, kung hindi ka sasagutin ni Ms. Yasmin, marami po kayong pagpipilian rito!" Suggested ni Leo.
" Tumahimik ka nga! Wala kang karapatang pagsabihan ako!" seryosong sermon ni Arthur.
" Si sir naman, sabi mo para mo na akong kapamilya! Matagal na po tayong magkasama sa hirap at ginhawa!" nakangiting sagot ni Leo.
"Haist!" naiinis na reaction nito.
Bumangon ang dalawa at napaupo si Arthur pati na rin si Leo.
" Kumusta po kayo ni Miss?" usisa ni Leo na talagang interasado masyado.
Seryosong napatingin si Arthur kay Leo pero hindi ito nagsalita.
Dumaan ang tatlong babae sa harapan nila. Binati sila, " Hi boys!"
Napatingin si Leo from head to foot sa mga babae na dumaan na nakaswimsuit. " Wow!"
Napatingin naman si Arthur pero hindi nagtagal at umiwas na ito.
Pabulong itong kinakausap ang sarili, " Ang tagal naman niya.. Matagal ba talagang magbihis ang mga babae?"
May lumapit sa kanila na dalawang babae na naka-sexy two piece. Malaki ang butt ng mga babae at malaki rin ang boobs nila. Talagang mapapawow ang mga lalaking nakakakita sa kanila.
" Hi boys!" bati nila.
" Wow na wow!" reaction ni Leo na kumikinang ang mga mata. He really look at them at naglalaway pa ito.
" Sir, ang gaganda nila.." pabulong nitong sabi sa boss. But Arthur has no reaction. Tumingin man ito but without any feelings at all.
Nagpapacute ang dalawang babae na nakatayo sa harapan nila.
" Can we join?" tanong noong isa.
" Sure sure!" sagot ni Leo na tuwang tuwa. Ngayon lang kasi siya na nakapagrelax na ganito at may mga babae pang nakaswimsuit. Always work lang si Leo kasama si Arthur kaya hanggang ngayon ay wala pang girlfriend.
Leo moved a little para makaupo ang babae sa bed. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan at excitement. Umupo na ang isang babae sa sunbathing bed ni Leo.
" Thanks!"
" You are welcome!"
Naghihintay naman ang isang babae na gumalaw si Arthur para i offer ang lugar para sa kanya. Hinahawid niya ang kanyang buhok sa tenga nito at nagpapacute. But then biglang humiga si Arthur.
" Just look for another one. It's already reserve!" seryosong sabi ng binata.
Nabigla sila sa ginawa ni Arthur na medyo bastos para sa mga babae. Sa mga oras na iyon ay hindi gentleman si Arthur sa kaniya.
" Aba!" reaction ng babaeng nakatayo. Nainis ang babae sa ginawa ni Arthur.
Pinanood lang ni Leo ang mga reaction ni Arthur sa dalagang nasa harapan nila.
Hindi nagustuhan ng babae kaya inasar niya si Arthur. " What? Reserve? Reserve for whom? A girl? But she's not here !" Nakataas ng kilay ang babae at nakangiwing ngumiti.
Biglang umupo ang babae sa hita ni Arthur habang nakahiga ito. Nabigla sila Leo at Arthur. Napangiti naman ang isa pang babae na katabi ni Leo.
Bumangon si Arthur at napaupo, " What are you doing?" galit na sabi nito. Nasa kandungan pa rin ang babae at nagmamatigas ito. Tinanggal ni Arthur ang sunglasses nito at nakita ng babae ang buo nitong mata at mukha.
Naakit ang babae sa kanya.
" You are absolutely handsome!"
" Go and leave!!"
"You are more handsome without those sunglasses." Mapang-akit nitong sabi.
Kinakabahan si Leo habang pinapanood sila.
" I told you to go! So go!"
" Why? You don't like me? Am I not pretty and sexy?" seductive nitong sabi habang hinihimas ang abbs ng binata.
Hanggang itinulak na ni Arthur ang babae.
"Outch!" naiinis na reaction ng babae. Hindi makapaniwala na tinanggihan siya ng isang lalaki. Muntik na siyang mamudmod sa buhangin at salamat ay nakatayo agad ito.
"Ops!" biglaang reaction ni Leo. Natawa naman ang kasamang babae. Napatingin ang iba sa kanila.
"I told you already so it's not my fault!" astig na sinabi ni Arthur.
Nakataas ang noo habang nagsasalita ito. Mukhang nagustuhan niya kung gaano ka antipatiko ng binata, " I like it!"
" Sir naman, ang harsh mo.." bulong ni Leo.
Tumayo si Arthur at hinarap ang babae, " Miss, sorry but you are not my type!"
Nagulat ang dalawang nanonood sa gilid nila.
" Wow, it's that so! What kind of girl do you like? You don't like those girls with big boobs and big butt like me?" pang-aakit ng dalaga sa binata na napakaseryoso ng mukha.
Ang mga dumadaan ay napapatingin sa katawan ng babaeng kaharap ni Arthur. " Witweew!"
" Astig talaga itong si sir! Hindi madaling madala sa babae kapag hindi niya type!" sa isip ni Leo.
" Do you have girlfriend? If you don't have, I volunteer myself!" aya ng babae while touching Arthur's face.
Napalingon ang mga lalaki ng may napadaan sa kanila na isang babaeng nakabeach chiffon sarong na sa loob ay naka-two piece. Nakasuot ito ng sunglasses at beach hat. Ang buhok nito ay nakalugay at napapadala ng hangin habang naglalakad ito. Sa pagdaan niya ay napapalingon kahit mga babae. Kahit sino ay naakit sa kanyang kilos at kagandahan. She's like a super model!
" Is she a famous model?"
" What the f*ck! She's so pretty!"
Hindi maalis ng mga kalalakihan ang paningin nila sa babaeng naglalakad at patungo ito sa kinaroroonan nila Leo at Arthur.
Napatayo sila Leo at ang babae na katabi para tingnan ang kakaibang kaguluhan ng mga lalaki.
" Anong nangyayari roon?"
"hmmm?"
Napalingon rin sina Arthur at babaeng maharot ng marinig ang kakaibang ingay.
May isang babae ang papunta sa kanila at siya ang pinagtitinginan ng mga lalaki.
" She's so pretty!"
" Witweew!"sipol nila.
Napatitig si Arthur sa babaeng naglalakad na medyo slow motion ang dating para sa kanya. Napatameme tuloy siya!
Nakanganga rin si Leo na nakatingin sa babae.
" Ang ganda niya!" sambit ni Leo.
" She's like a goddess!" mga salitang nasabi ni Arthur na nabighani.
Hindi maalis ang paningin ni Arthur sa dalagang papunta sa kanila.
Narinig ito ng haliparot ang mga sinabi ng binata kaya nainis ito, " eww! She's not pretty!"
"Kilala ko ba ang babaeng patungo rito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang lakas ng kabog ng puso ko! Hindi kaya.. Siya kaya iyan? She's really a goddess!" Bulong ng isip ni Arthur habang di maalis - alis ang tingin sa dalagang naglalakad.
Napangiti si Arthur.
Tumigil sa paglalakad ang babae ng malapit na siya sa kanila ni Arthur.
Arthur look at her mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Napakalapot ng titig ng binata sa kaharap na babae.
" Alam kong ikaw iyan Yasmin..." sabi ni Arthur na mas tuluyan ng humarap sa dalaga.
Napangiti ang dalaga.
" Miss Yasmin!?" gulat na reaction ni Leo. It was her first time na makita siya na nakasuot ng swim wear.
" Wow! Ikaw ba talaga yan Miss Yasmin?"
Tinanggal ni Yasmin ang sunglasses nito at hat kaya tuluyan ng nakita ang mukha ng dalaga.
" Check!" sabi ni Yasmin.
Napangiti silang dalawa.
Nagsalubong ang kilay ni Arthur ng tingnan niya ang mga lalaking nakasunod sa dalaga. Natakot naman ang mga binatang nasa likuran nito kaya dali daling umalis na sila agad.
Natawa si Yasmin at napatingin sa babaeng nasa may gilid ni Arthur, ang babaeng haliparot. Nakataas kilay na tiningnan ni Yasmin ang mga babae.
" Sino siya?: taray na tanong ni Yasmin.
Nakataas noo namang sumagot ang babae. " I'm his friend!"
" Patay!" reaction ni Leo.
" Ahh..okay.." sambit ni Yasmin.
Sumagot si Arthur, " I don't know her!"
Seryosong nakatingin si Yasmin sa binata. " Huwag mo nang ideny.." Mataray ang aura ng dalaga.
" Hindi ko siya talaga kilala. Dumaan lang sila," pagpapaliwanag ni Arthur.
" Ganoon ba?"
Sumingit ang babae sa pagsasalita, " Are you his girlfriend?" Curious nitong tinanong si Yasmin.
"Uhmm.." napasulyap si Yasmin sa binata.
Nacurious rin si Leo kung ano na ang status nila since hindi pa nila sinasabi at inaamin. Naghihintay sila sa sasabihin ni Yasmin.
Naghintay rin si Arthur sa sagot ni Yasmin sa tanong ng babae. Hindi rin niya alam kung ano ba talaga ang status nila since may nangyari na sa kanila.
They were all waiting.
Nagsalita ulit ang babae. Pinagtawanan niya ito dahil ang tagal nitong makasagot.
"I think you are not his girlfriend!"
Arthur's pov
Kahit ano man ang sasabihin mo Yasmin, maghihintay ako sa sagot mo!
Nakikita ko sa kanya na nagdadalawang isip pa siya. Gusto ko na kusa mong sabihin kung ano man ang pasya mo.
"So? You are not?" nakangiting sabi ng haliparot na babae. Natutuwa ito na walang sagot si Yasmin. Then, she touch his shoulder.
But Yasmin suddenly speak, "Who told you that his not my boyfriend?"
Napatingin sila kay Yasmin.
"Huh?"
She confidently said, "He is my boyfriend!"
Nagulat si Arthur at hindi na makapagsalita.
Nanlaki ang mga mata ni Leo.
Nagulat rin ang dalawang babae.
" What?"
Mataray na hinarap ni Yasmin ang babaeng hindi na mapinta ang mukha. Hinablot niya paalis ang kamay ng babae na nakahawak sa balikat ng binata.
" Huwag na huwag mo siyang hahawakan ng makati mong kamay!"
Nabigla ito. Nagkasalubong agad ang kilay ng babaeng haliparot na hindi makapaniwala at hindi maintindihan ang sinabi ni Yasmin.
" You are not pretty!" taray na sambit ng babae kay Yasmin.
" I don't care! As long as my beauty is natural! Not like yours!"
" Aba!" inis na inis na ito. Ang kanyang dibdib ay pinadagdagan lamang niya pati ang kanyang pwet kaya ganoon ito ka ganda na nahahalata ni Yasmin.
" Kaya ako pa sa iyo, maghanap ka ng ibang lalaking walang girlfriend at tanggap ka!" astig nitong sabi.
Naiinis ng tuluyan ang babae na tanging kilos lang ni Yas ang inintindi dahil sa lenguaheng ginamit ng dalaga.
Napapangiti si Arthur na palihim. Natutuwa sa mga sinasabi ng dalaga at kung paano siya sumagot sa haliparot na babae.
" She's not your girlfriend, right?" tanong ng babae kay Arthur. Nagpipigil ito sa kanyang inis.
Lumapit pa ng kaunti si Arthur kay Yasmin at umakbay ito sa balikat ng dalaga.
" She's my girlfriend!"
" What!? Sila na nga!" reaction ni Leo.
Hindi na makapagsalita ang babaeng haliparot. Hindi na niya mapigilan ang inis at nag walk out na ito na nagdadabog.
"Haist!"
" Wait!" sumunod naman ang kasamang babae sa kanya.
Nagtawanan sina Yasmin at Arthur ng makita ang reaction ng babae na muntikan na ring madapa. Gulat na gulat si Leo sa kanyang nalaman sa boss nito at kay Yasmin.
" Really? Is this for real na ba talaga?" tanong ni Leo.
" Hindi Leo!" sagot ni Yasmin kay Leo na tumatawa.
Nakataas kilay at nagtaka si Arthur.
" Huh?" reaction ni Leo.
" Sinabi ko lang iyon sa babaeng iyon para umalis na!"
" Ano?" nabigla si Arthur.
" Kaya, pakitanggal ng kamay mo sa balikat ko!" utos ni Yasmin at dahan dahang inaangat ang kamay ni Arthur.
" WAIT! Sinabi mong boyfriend mo ako!" wika ni Arthur.
" Joke lang iyon!"
" Hindi iyon joke! Sinabi mong boyfriend mo ako!"
" Joke lang iyon!"
Nanood lamang si Leo sa dalawa na nagsisimulang magtalo.
" J-O-K-E! Joke!"
" Hindi iyon joke! Aminin mo na sinagot mo na ako! Boyfriend mo ako at girlfriend kita!" Pamimilit ni Arthur.
" Nakakainis ka! Nagbibiro lang ako non!" pabulong nitong sabi habang napapaatras patungo sa may dagat.
" So anong iisipin ko?" tanong ni Arthur na dahan dahang napapahakbang sa harap ng dalaga.
Napabuntong hininga nalang si Leo at napaupo. " Sigh!"
" Ang ingay mo! Baka bumalik pa ang babaeng iyon!" sabi ni Yasmin.
" Edi bumalik siya! Tutal, hindi pala tayo! Wala akong girlfriend!" pang-aasar ni Arthur.
" Aba naman!" napakagat labi si Yasmin dahil sa inis.
Nakangiting nakatingin si Arthur sa dalaga. Lumalayo na sila kunti sa kinaroroonan ni Leo. Ang mga paa nilang lumulubog na sa buhangin.
Hanggang may bolang papunta kay Yasmin at nakita ito ni Arthur...
" Ilag!" sigaw ni Arthur.
Hindi na nakailag si Yasmin bagkos nabigla ito at hindi na nakagalaw. Agad namang niyakap ni Arthur ang dalaga at hinarang ang bola. Natamaan sa may likod ang binata.
Niyakap ng mahigpit ni Arthur si Yasmin. Saglit na kinabahan ang dalaga. Gulat na gulat ito. Si Arthur naman ay napapikit ang isa nitong mata dahil sa sakit ng pagtama.
Nilapitan siya ng may-ari ng bola, "I'm sorry!!"
" It's okay! I'm fine!"
" Uhmm.." nag-aalalang reaction nito.
Hmmm.. Pinaalis na niya agad ang tao na dala ang bola.
Napatingin si Yasmin sa binata na yakap yakap pa rin siya. "Okay ka lang?"
" hmmm.."
Nagkaharap ang dalawa at nag-aalala ang dalaga. " Saan ang masakit sa iyo! Alam ko na matindi ang pagtama ng bola sa iyo!! Saan ba? Di ba sa likod?"
Nakapikit ang isang mata ni Arthur na mukhang napuruhan daw at nasaktan.
" Masakit!"
" Saan?" nag-aalalang sabi ni Yasmin.
Nanonood si Leo sa dalawa na nakahiga,
"tsk tsk tsk..hanga talaga ako kay boss!"
"Saan ang masakit?"
Tinuro ni Arthur ang dibdib niya, " Dito!"
"Huh?"
" Dito sa puso ko.. Ang sakit!"
Nabigla ang dalaga at naiinis ito, "Niloloko mo yata ako!"
" Ang sakit ng binawi mong hindi mo ako boyfriend!" touching his own chest.
" Nakakainis ka!" tinulak tuloy ni Yasmin ang dibdib ni Arthur then sabay takbo.
Nakangiti si Arthur at sinabing, "Humanda ka!" hinabol ni Arthur si Yasmin sa dalampasigan.
Naghabulan silang dalawa at ang taya ay ang binata.
" Wheww! Tingnan mo nga naman tong dalawa. Ang sweet nilang pagmasdan. Kahit hindi ninyo sabihin, halata naman!" wika ni Leo at uminom ito ng juice.
Niyayakap ni Arthur ang dalaga kapag naaabutan niya ito. Going round round and round. Bakas sa mukha nila na masaya. Naghahabulan sila sa tubig at hindi pinansin ang init ng araw. Naglalaro sa tubig na walang iniisip na problema. Para silang mga bata na naghahabulan at nagtitilamsik ng tubig ng dagat sa bawat isa.
" Ngayon ko lang rin nakita si sir na ganyan kasaya. Salamat naman at nakapagrelax na siya. Napakaworkaholic niya kasi."
Basang basa na ang dalawa at nakalubog na sila sa dagat. Nagpakalayo sila hanggang nasa dibdib nila ang tubig.
They stop chasing each other.
Humarap sila sa isa't isa na may seryosong mukha. Hinawakan ni Arthur ang pisngi ng dalagang kaharap.
" I dont want to lose you!" bulong niya kay Yasmin.
" Arthur.."
" Kahit hindi mo man sabihin na gusto mo ako, basta ako, gusto kita!"
Nakakataba ng puso na para bang sasabog ito sa kilig.
Then, dahan dahan nilang nilalapit ang mga mukha nila. Pinikit ang kanilang mga mata. Napapadikit ang katawan ng dalaga sa makisig na katawan ng binata. Her hands are on his chest. Hanggang nagdampi ang kanilang mga labi sa isa't isa. They kiss passionately. Naghalikan ang dalawa na nakalubog sa tubig ang katawan. Wala namang pakialam ang ibang tao dahil hindi naman bawal sa isla.
Napakabanayad ng kanilang mga halik. Umiinit ito kasabay sa init ng araw. Ang mga labi nilang puno ng umaapaw na damdamin. Matagal nilang pinagsaluhan ang init ng mga halik ng bawat isa.
" Wala akong nakita.. Wala akong nakita.." sabi ni Leo na naka-binocular habang pinapanood ang dalawa na nasa malayo na.
--------
Nasa banyo si Yasmin at naliligo. Pagkatapos magtampisaw sa beach ay naligo na ito at nagbanlaw. Hindi niya akalain ang mga nangyayari sa kanya sa mga nagdaang araw hanggang kaninang umaga. Hindi sumagi sa isip niya noon na magkakagusto si Sir Arthur sa kanya.
Isinara na niya ang shower at kinuha ang bath robe na nakasabit. Binuksan niya ang sliding door at nagtungo sa salamin na naroon rin sa banyo. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin.
Yasmin's pov
"Hindi ko akalain na mangyayari ito. Naaalala ko ang mga sinabi niya at kung paano siya nagtapat sa akin. Ang mga titig niya na nakakatunaw ng buong katawan ko pati ang kaluluwa. Ang kislap ng kanyang mga mata na nakakapang-akit. Ang labi niyang napakasarap halikan."
Hinahawakan ko ngayon ang aking labi habang kinakagat ko ang hintuturo ko.
"Nararamdaman ko ang haplos ng kanyang kamay na pumipisil sa aking dibdib. Ang bawat halik niya sa aking leeg ay nakakapanggigil. Kinikiliti ang aking katawan. Sa pagbaba niya ay ramdam ko ang init na bumabalot sa buong p********e ko."
Hinihimas ko ang aking katawan pababa habang naaalala ang aming ginagawa. Tuloy nahulog ang tuwalyang nakabalot sa aking katawan.
" Ang ungol na sadyang hindi mapipigilan ay nakatatak na sa aking isipan. Ang halik niya na ubod ng sarap na hahanap-hanapin. Ang pagdampi ng aming mga labi ay nakakasabik. Sa pagdikit ng aming katawan kung maaari ay huwag ng paghiwalayin pa. Nararamdaman ko ang init na dumadaloy sa loob ko."
Hindi ko mapigilan na hindi hawakan ang sarili kong hiyas.
"Gusto niya ako! Gusto ko ba siya?"
Seryoso akong nakatingin sa salamin.
"Maaari na ba? Handa na ba ako?"
-----
May nagaganap na kasiyahan sa dalampasigan ngayong gabi. May sayawan sa lugar.. Mayroon rin fire dancing, bonfire at may dalang sparkler. Masaya ang mga tao roon. Binabalutan ng kasiyahan ang lugar. Ang iba ay masayang nag-iinuman ng wine at beer.
Naroon rin sina Leo at Arthur at umiinom ng wine habang nakaupo sa isang mat na nakalapag sa buhangin. Pinagmamasdan nila ang mga taong sumasayaw at nag fire-dancing. Maya-maya ay magkakaroon ng fireworks display.
Dumating na si Yasmin sa kanilang kinaroroonan. Umupo siya katabi ni Arthur.
" Magandang gabi Miss!" bati ni Leo.
" Magandang gabi rin Sir Leo," bati ni Yasmin.
" Magandang gabi.."
Napatingin si Yasmin kay Arthur pero hindi man lang lumingon sa kanya ang binata. Seryoso itong nanonood sa mga nag fire-dancing. Magkatabi silang dalawa ni Arthur pero mukhang hindi siya pinapansin ng binata.
"Maiwan ko muna kayo," Pagpapaalam ni Leo.
Tumayo na ito at umalis sa kinauupuan.
Pasulyap-sulyap naman si Yasmin rito at nakanguso ang mga labi. Napansin niyang hindi siya pinapansin nito o talagang nasanay na siyang ang binata ang nauunang pumansin sa kanya.
" Anong problema nito?" napatanong sa sarili si Yasmin. " haist!"
Dumaan ang isang waiter na may dalang isang tray ng mga wine.
" Pst!" tawag ni Yasmin sa waiter. Napatigil ang waiter sa may harapan niya. Binigyan niya ng isang baso ang dalaga.
Napangiti si Yasmin sa waiter at nagpasalamat, " Salamat!"
Napasulyap si Arthur sa dalaga at nakitang isang lunok lang niya ang kinuhang isang basong wine.
" Pst! Waiter isa pa!" tawag ni Yasmin ulit.
Napalingon ang waiter at pinuntahan ang dalaga. Binigyan siya ulit ng isang baso.
" Salamat!"
Umalis na ang waiter at pumunta sa ibang panauhin.
Iinumin na sana ni Yasmin ng pigilan siya ni Arthur. Hinawakan ng binata ang braso ni Yasmin para pigilan ito.
" Huh?" napalingon si Yasmin at nagtataka.
" Itigil mo na iyan!" sermon ni Arthur na ang mukha ay napakaseryoso.
" Pinansin mo rin ako!" Mataray na pagkakasabi ng dalaga.
Tinitigan lamang siya ni Arthur kaya mas naiinis si Yasmin. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiinis kapag ganitong mga sitwasyon na kasama si Arthur.
" Haist! Ano ka ba!?"
Napatingin si Yasmin sa baso. Naisipan niyang inumin ito kahit hawak pa rin ni Arthur ang kanyang braso na nakahawak sa baso.
" Huwag mo nga akong pigilan. Gusto kong uminom!!"
" Gusto mong uminom?"tanong ni Arthur.
Sa wakas ay nagsalita na siya. Natuwa si Yasmin pero hindi niya ito pinahalata. Parang may kung ano ang kumiliti sa kanya ng marinig niya ang boses ng binata.
Napataas noo itong humarap kay Arthur.
Agad hinablot ni Arthur ang baso na nasa kamay ni Yasmin at tsaka ibinuhos sa loob ng kanyang bibig ang wine.
Nabigla si Yasmin sa ginawa ni Arthur.
Pero
Mas nabigla si Yasmin ng lumapit ang binata at hinawakan ang kanyang batok. Biglang hinalikan siya nito..
"Arthur?"
Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya inaaasahan na ang wine na ininum ni Arthur ay ipapasa lang pala ng binata sa kanya gamit ang mga labi. Nakapikit ang binata habang siya ay talagang nabigla. Napapalunok at napapainum si Yasmin sa ibinibigay ni Arthur sa bibig nito. Tumutulo sa labas ng kanilang bibig ang hindi mapasok na wine. Dahan dahan ng pumipikit ang mga mata ni Yasmin at ang kanyang isang kamay ay napahawak sa balikat ng binata. Unti- unti ng umiinit ang kanilang halik. Nagpatuloy ang paglasap nila kahit wala ng alak. Naglalaro ang kanilang dila sa loob na para bang umiikot ikot. Wala na silang pakialam sa kanilang paligid bagkos ang iba ay busy rin.
Samantala nasa isang cottage si Leo at nakaupo na tanaw niya ang dalawa. Hawak niya ang kanyang cellphone dahil nagchat si Odette.
Odette: Kumusta?
Odette: Kumusta ang bakasyon ninyo!?
Odette: Babalik na ba kayo?
Odette: Kailan ba kayo babalik ni Sir rito?
Leo: Hindi ko alam.. Depende kay sir!
Odette: Mas mabuti ka pa at nakakapagtravel ka dahil kasama mo si sir.
Leo: Syempre, side kick ako ni Sir.
Odette: Hindi pa ba kayo babalik?
Leo: Hindi ko nga alam!!
" Ang kulit rin itong si Odette! Bakit ba siya tanong ng tanong kung kelan... Haist!" kinakausap ni Leo ang sarili.
Napatingin si Leo sa dalawa at nakita niyang naghahalikan sila roon.
-------
" Oh la la!! Halikan mode ulit itong dalawa! Si sir talaga addict na yata kay Yasmin.. Hmmm.. Makunan nga ng picture para di na nila madeny sa akin!"
Hindi nagdalawang isip si Leo at kinunan niya ang dalawa na nghahalikan gamit ang cellphone nito. Ang hindi napansin at nawala sa isip ni Leo na ang gamit niya ay ang camera ng messenger nito.
( click!!)
" okay okay! Nice! Okay!"
(okay!)
Hmmm..
(loading)
Natigilan ang binata na mukhang nagloading ang utak.
" teka.."
(sent)
Naroon sa messenger ang picture at na sent niya kay Odette. Natauhan na ito at nataranta na siya.
" Teka teka teka! Nasent ko kay Odette!!"
Kinabahan siya at hindi alam ang gagawin.
" Dapat idelete.. idelete.. Delete.. Saan ba ang delete!"
(seen)
" Hayan delete!!" napabuntong hininga ito. " Wheew!"
But Odette already saw it. She replied.
Odette: Sino iyon?
Odette: Si sir ba iyon?
Nanlaki ang mga mata ng binata ng mabasa niya ang message ni Odette.
" Nakita niya?"tanong ni Leo sa sarili.
Leo: Anong nakita mo?
Odette: Meron!, bago mo nadelete nakita ko. Si sir iyon?
Leo: ??
Odette: Sino iyong kasama niya?
Napalapat ng palad sa noo si Leo, " Patay ako nito!"
Leo tried to deny.
Leo: Wala naman! Wala naman akong isinend!
Odette: Huwag mo ng ideny. Nakita ko.
Wait, isesend ko ang screenshot.
(Send)
Patay!
Odette: o hayan! Ikaw ang nagsend niyan.
Leo: Ako ba ang nagsend niyan?
Odette: kung hindi mo sasabihin, tatanungin ko nalang si sir.
Leo: teka teka.. Oo na, ako na!
Odette: Sino ang babae? Another girlfriend ni sir? Este not girlfriend.. Girl lang pala.
Leo: Girlfriend niya iyon! As in GIRLFRIEND!!
Odette: Really? Seryoso?
Leo: Oo, seryoso!
Odette: Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi pa kayo bumabalik?
Odette tried to have videochat kay Leo.
(connecting)
Nagkita na rin sina Odette at Leo gamit ang cellphone. Curious kasi si Odette sa babae.
(Videochat)
" Psst Sir Leo, totoo na ba?"
Sumagot naman si Leo, " Parang ganoon! Hindi pa nila inaamin pero doon naman mapupunta."
" Sino ba siya?"
" Odette, huwag mong sasabihin kahit kanino okay! Secret lang natin ito ang tungkol sa babae. Lagot ako kay sir!"
" okay. Basta sabihin mo kung sino siya!!"
" Siya si Yasmin. Siguro, nakita mo na siya ryan. Nakapagbakasyon na rin siya ryan noon!"
" Yasmin? Her name seems familiar.. Hmm" napapaisip si Odette.