Pinuntahan ni Arthur si Marga sa kabilang branch. Nakasalubong ang mga kilay niya at seryoso itong naglalakad patungo sa opisina ni Marga. Binati naman siya ng mga employees na nadadaanan niya. "Good morning sir!" "Good morning sir!" "Good morning sir!" Seryosong naglalakad sila na nakasunod si Leo sa kanya. Hindi sumagot si Arthur sa mga bati nila at mukha talaga siyang galit. Napansin naman ito ng mga tauhan at employees niya at natahimik nalang pagkatapos bumati. Si Marga ay nasa loob ng opisina niya at busy nag-mamanicure ng sariling kuko. Pumasok ang secretary niya at sinabing, "Miss Marga, patungo po rito si Sir Arthur.." nag-aalalang sabi nito. Napatingin si Marga sa kanyang secretary at halatang hindi niya inaaasahan na darating si Arthur. "Really?" Masayang wika nito.

