Nag-impake na si Marga ng kanyang mga gamit para sa magaganap na business trip nito na kasama si Arthur. Mawawala sila ng isang linggo na out of town business trip. "Masosolo ko na si Arthur! I cant wait!" -------- Umuwi na si Arthur sa kanila. Medyo pagod ito dahil na rin sa mga trabaho sa opisina at dumagdag pa ang mga nangyari. Pumunta agad siya sa kanilang kwarto. Pagbukas niya ay nakita niya roon si Yasmin sa may bintana na nakasuot lamang ng bath robe. Nakatalikod ito sa kanya. Isinara niya ang pinto ng nakapasok na ito. Nagdadalawang isip itong sabihin sa asawa ang tungkol sa nalaman niyang patay na talaga si Xian. "Babe.." "Yes hon?" sagot ni Yasmin. "Tungkol kay Xian..." mahinahon na sabi ni Arthur. Kailangan niyang sabihin kay Yas ang nalaman niya. "Tungkol kay Xian.

