Tumayo si Yasmin at pinuntahan ang malaking salamin. Pinagmasdan niya ang sarili mula ulo hanggang paa. Napapansin niya ang nangangayayat na ang mukha nito dala ng stress. "Nangangayayat ka na Yasmin.." ani ni Yasmin sa sarili na napapahawak sa magkabilang pisngi. "Ang haggard mo!" Napabuntong -hininga na lang siya bigla. Iniisip kung gaano kalaki ang mansion at kung gaano karami ang mga kwarto. "Alam kong makikita pa rin kita Arthur. Hindi ako susuko. Ako ngayon ang maghahanap sa iyo, mahal ko." Nang bumaba ang tingin niya sa may gilid ng salamin ay may napansin siyang isang maliit na butas na mukhang para sa isang susi. Kulay ginto ang pumapaligid sa butas at may malabulaklak na ukit. Nagtaka si Yasmin na tila may kakaiba sa salamin sa harapan niya. Hinaplos niya ang butas at napag

