Chapter 28

4439 Words
Naisipang puntahan ni Harrold si Yasmin sa kaniyang Condo unit. Kinakausap ni Harrold ang sarili habang naglalakad sa pasilyo. " Mabisita nga si Yasmin. Kumusta na kaya siya? Sana wala akong maabutan na kakaiba nila ni Xian doon," nakangiting sabi nito at kinikilig. Kumakanta pa siya habang naglalakad. "La la la.." Ilang minuto lang, nakarating na siya sa wakas sa unit ng kaibigan. Nakiramdam mo na siya at inihanda ang sarili na bak may maabutan siyang kababalaghan. Pangiti-ngiti itong nakatayo sa harapan ng pinto pero bigla lang siyang kinabahan nang malaman niyang nakabukas ang pinto. "Haist, nakabukas na naman. Hindi ba sila marunong maglock!" sermon nito na walang kausap. " Baka may makita na naman akong ginagawang milagro nilang dalawa." Pilit na ngumiti ito. Kaya naisipan ni Harrold na kumatok muna bago tuluyang pumasok. Kumatok siya ng tatlong beses. " Yasmin! Yasmin!" tawag niya. Walang sumagot. Kumatok ulit siya. Kinausap ulit ni Harrold ang sarili, "May ginagawa nanaman siguro sila." Kinikilig ito at nakangiti. Sumigaw ulit siya, " Yasmin, pwede bang pumasok? Nariyan ba si Xian?" Wala pa ring sumagot. He knocked again. Pero sa pagkakataong ito, bumulong na ito sa may pinto, "Kung may ginagawa kayo, tapusin na ninyo dahil papasok na ako.." Hindi na nakatiis si Harrold at pumasok na siya sa loob. Nagtataka ito dahil napakatahimik pero bukas ang pinto. Lumibot ang kanyang paningin sa paligid habang humahakbang papasok. "Yasmin..." mahinang tawag niya. At.. At.. At biglang nakita niya si Yasmin na nasa sahig. Duguan ang paanan ni Yas at walang malay ito. Nanlaki ang mga mata ni Harrold at napasigaw siya, "Ahh! Yasmin!!" Dali-dali niya itong nilapitan. ------------- Balisa si Anika na nakauwi sa kanila. Hindi siya mapalagay sa mga nangyayari. Kinakagat niya ang kanyang kuko sa kanang hintuturo. Pabalik - balik ito sa paglalakad sa may kama. " Anong gagawin ko!? Anong gagawin ko!? Totoo ba ito?" pabulong nito sa sarili. Napatingin siya sa cellphone nito na nasa mesa malapit sa kama at kinuha ito agad. Napaupo siya sa may sulok ng kwarto. Hinanap niya ang cellphone number ni Marga sa contacts nito. Bakas sa mukha ng dalaga ang takot at kaba. Pinapawisan itong nakaupo sa may sulok. She dialed the number. " Please answer the phone Marga! Please!" naiiyak na itong nagsasalita na mag -isa. Nanginginig na siya at pinapawisan. Nag-riring na ito at hinihintay niyang sasagutin ni Marga ang tawag niya. Marga answered the phone call," hello?" "Marga!" Anika's reaction na sabik makausap si Marga. "Anika? Bakit?" tanong nito na may kalmadong boses. " Si si Yasmin..ka- Kasi.. Eh kasi.." kinakabahang sambit ni Anika. Nabubulol at hindi masabi kung ano ang dapat sasabihin at itatanong. " Ano ba iyon Anika?" " May nangyari! May nangyari kay Yasmin!!" "Huh!? What!?" gulat na reaction ni Marga. "Anong nangyari?" Napatanong si Anika, "Ano ba iyong ibinigay mo na inumin para kay Yasmin?" " What do you mean?" Boses na Nagbabalat-kayong walang alam si Marga. " Iyong sabi mong vitamins! Ano ba iyon? Pampalaglag ba iyon!?" kinakabahang mga tanong nito. "Ano ba ang ibig mong sabihin?" "Sabihin mo Marga, pampalaglag iyon diba!?" umiiyak na usisa ni Anika. Basang basa na ang mukha nito sa pawis at luha. " Sinadya mong ibigay sa akin iyon para ilagay at ipainom.iyon kay Yasmin. Ginamit mo ako, tama ba!?" " Ano ba ang pinagsasabi mo!?" "May nangyari kay Yasmin!" paiyak na sabi nito. Hindi na sumagot si Marga sa kabilang linya. Sa kabilang linya ay nakangiti si Marga. Bakas sa mukha niya ang kaligayahan sa mga nalaman. Sa isip nito, "Buti nga. At hindi pa iyon ang paghihiganti ko. At ikaw naman Anika, ang bobo mo talaga. Kahit noon pa ay ang bobo mo. Mataba na, desperada pa at tanga. Walang magkakagusto sa iyo, sa inyo!" --------- Tumakbo patungong hospital si Xian nang malaman ang nangyari kay Yasmin. Tinawagan siya ni Harrold at binalita ang masamang nangyari sa dalaga. Nagmamadali itong puntahan si Yas. Iniwan na niya ang pinamiling mga pagkain at gamit dahil sa pagmamadali. Kinakabahan siya habang papalapit ito sa kwarto ni Yasmin. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ito. Pumasok siya sa kwarto na bakas sa mukha ang pag-aalala. " Yasmin!" Napalingon si Harrold na nakatayo sa may gilid ng kama. Nakahiga si Yasmin patagilid sa kama at nakaharap sa may bintana. May dextose sa gilid nito at nakakumot siya ng puti. Tahimik ang paligid habang nakapikit ang mga mata ni Yas. " Xian?" sambit ni Harrold na may malungkot na expression sa mukha. " Anong nangyari?" kinakabahang tanong ni Xian. Kumakabog ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba sa mga malalaman niya. Humakbang ang binata ng dahan dahan patungo sa may kama. Napayuko si Harrold at hindi makaharap kay Xian. Napalingon si Xian at tinanong si Harrold, "Anong nangyari Harrold!? Sabihin mo!" tanong ni Xian na tumataas na ang tono ng boses. "Nakita ko si Yasmin na nasa sahig na duguan," sagot ni Harrold na may mahinang boses. Kinabahan si Xian sa susunod nitong sasabihin, "Anong sabi ng doctor? Kumusta si Yasmin? Kumusta ang baby namin!?" Dumilat ang mga mata ni Yasmin na nakatalikod sa kanila. " Xian, kasi.." Tumayo si Xian sa harap ni Harrold na napakaseryoso. "Sabihin mo.." pilit ng binata. Kinabahan si Harrold at di masabi -sabi ang mga nangyari. "Harrold! please!" Sa huli'y sinabi niya, " Wala na ang inyong baby!!" napaiyak ito pagkatapos sabihin. Narinig ni Yasmin at napaluha ito. Napatakip bibig siya. Sa isip ni Yas, "hindi.." Napaiyak si Yas. Totoo pala ang lahat ng sinabi ng doctor kanina. Akala niya ay panaginip pero totoo pala. Nagulat si Xian at hindi makapaniwala. Natahimik siya saglit. "Totoo ba iyan?" "Totoo Xian.." Napaharap sa may pader si Xian at sinandal ang ulo roon na nakayuko. Gusto niyang sumigaw pero suntok lang ang nagawa niya sa pader. Galit na galit siya sa sarili at mga nangyayari. Sa galit at sakit ay napapaluha siya. "Bakit nangyayari ito!!?" Naaawa si Harrold sa sitwasyon nila. Si Yasmin naman ay palihim na umiiyak sa kama at nasasaktan sa nangyari sa walang kamalay - malay na anak. "Baby ko!!" Umiiyak na sambit ni Yas sa anak. Hinahawakan rin niya ang tiyan niya. " Baby ko!!" Kung nasasaktan si Xian mas lalong nasasaktan si Yasmin. Napansin ni Harrold na gising na pala si Yasmin at ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng kaibigan. " Yasmin.." nilapitan niya ito at dinamayan. Nilapitan ni Xian si Yasmin pero hindi humarap ang dalaga sa kanya. Lumayo kaunti si Harrold para magkalapit ang dalawa. Walang tigil sa pag-iiyak si Yasmin. "Saan ka ba pumunta Xian? Bakit mo iniwan si Yasmin? Tuloy..." sermon ni Harrold kay Xian. Nagagalit si Harrold sa mga nangyayari. "Patawad Yasmin.." bulong nito sa dalaga. Patuloy sa pag - iyak ni Yas. Lumuha rin si Xian pero pilit niyang nagpakatatag. Mas lumapit siya at Hinawakan niya ang balikat ni Yasmin. Still, nakatalikod ito sa kanya at hindi humarap. Lumabas sa kwarto si Harrold kaya naiwan ang dalawa. "Sorry.. sana hindi nalang ako umalis o kaya bumalik nalang sana ako kaagad.." Nagsalita si Yasmin, " Wala na ang baby natin Xian.. Wala na siya.. " " Kahit wala na siya.. Narito pa rin ako..tayo," sagot ni Xian. " Wala na siya.." paiyak na sabi ni Yasmin at paulit ulit ito. Yumuko si Xian at niyakap niya si Yasmin na nakahiga sa kama. Hanggang tumunog ang cellphone ng binata. Patuloy sa pag -iiyak ni Yasmin. Patuloy rin ang pag - ring ng phone nito. Hindi nagtagal, nakatulog si Yasmin sa kaiiyak. Panatag si Yasmin basta kasama niya si Xian kaya agad itong nakatulog. Tumunog ulit ang phone at sa pagkakataong ito ay sinagot na niya. " Hello!!?" " Kuya.. Si auntie!!" Nagulat si Xian sa kanyang nalaman at agad itong lumabas ng kwarto na nagmamadali. Kinausap muna niya si Harrold bago umalis, " Harrold, please take care of Yasmin muna. May pupuntahan lang ako. Babalik ako kaagad!" " huh!? pero.." " Ikaw muna mag - alaga kay Yasmin!!" "Sige.." bakas sa mukha ni Harrold ang mga pag-aalala at may mga bagay na bumabagabag sa kanya. Napatanong ito sa sarili. "Ano na naman ba ang nangyayari? Saan ba siya pupunta!? ----- Nagmamadali si Xian papunta sa isa pang hospital kung saan sinugod si Tita Zita. Tumatakbo siya papunta sa may Emergency room. Sa labas ng emergency room ay naroon si Fara. Umiiyak at kinakabahan . Nilapitan niya ito agad. Hinawakan ni Xian ang balikat ni Fara, " Anong nangyari Fara?" nag - aalalang tanong ni Xian. Umiiyak pa ito bago makapagsalita, " Naaksidente si Tita. Nabangga ang sinasakyan niya!" Nagulat si Xian sa nalaman. Xian's pov Bakit ngayon pa!? Bakit ba ito nangyayari sa amin? Bakit? Nawala na nga ang baby namin tapos ganito pa ang kasunod!" He was punching the wall sa tindi ng emotion niya. Halo-halong emotion ang kanyang nararamdaman. Hindi niya ito mainitindihan. Pilit niyang pinipigilang umiyak at manghina dahil alam niya na kailangan siya nila. " Sh*t!" sabi niya sabay suntok sa dingding. Patuloy sa pag-iyak si Fara, " kuya.." Xian's pov Ano ba ang kasalanan ko? Bakit ito nangyayari? Pinaparusahan na ba ninyo ako!? Sana ako nalang ang nawala at naaksidente at hindi ang mga minamahal ko! Lumabas ang doctor sa ER. Pinunasan ni Xian ang kanynag mukha bago humarap sa doctor. Bakas sa mukha ngvdoctor ang lungkot. Nilapitan ni Xian ang doctor, " Doc, kumusta ang tita namin?" Hindi na nagpaligoyligoy ang doctor at sinabi ang sitwasyon nito, "Hindi maganda ang kalagayan ng inyong tita.. She's in a coma right now!" Nanlaki ang kanilang mga mata ng marinig nila ang sinabi ng doctor. Napatakip ng bibig si Fara at napaluha. " May namuong dugo sa utak ng tita ninyo. Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon." He was speechless at nakatitig lang sa doctor. Humagolgol sa iyak si Fara. Flashback-- Xian's past Namatay ang aking ina dahil sa tumor sa utak. She was in a coma that time. I was still in college noong sinugod siya sa hospital. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng doctor, " She needs a surgical operation as soon as possible!" Wala akong magawa. Nakatingin lang ako sa aking ina mula sa labas ng kwarto. Nasa kama siya at nakahiga. May mga machines na nasa gilid nito at sumusuporta sa kanya. Naririnig ko ang bawat ingay ng machine at nakikita ang mga linya na dahan -dahang gumagalaw. Anong gagawin ko? Wala akong magawa! Wala!! My mom died .. Ang panahon na gumuho ang daigdig ko. --------- Nagising na si Yasmin. Dahan -dahang iminulat ni Yasmin ang kanyang mga mata. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid Medyo mahina pa siya pero pilit niyang magpakatatag. Ang una niyang hinanap ay si Xian. " Xian..?" Nasa may upuan si Harrold at ng mapansin na nagising na si Yasmin ay nilapitan niya ito. " Yasmin!" nakangiting sabi ni Harrold. Tiningnan ni Yasmin si Harrold na nasa gilid niya at tinanong na napakahina, " Nasaan si Xian?" " Umalis ng saglit. Babalik rin iyon!" nakangiting sagot ni Harrold. Iniiwasan ng kaibigan na mag -alala pa ng husto. " Ganoon ba.." medyo nalungkot si Yasmin. "Besh, ano ang gusto mo? May gusto ka bang kainin?" Hindi sumagot si Yamsin.Napatingin nalang siya sa bintana at pinagmasdan ang langit. ------------- Nakaupo si Xian sa may kama ni Tita Zita. Nakapalibot kay tita ang mga machines. Sa mga oras na iyon, wala si Fara dahil kailangan rin niyang alagaan ang lolo nila. Hinawakan ni Xian ang kamay ni Tita Zita. " Tita..pinapangako ko po na gagawin ko ang lahat gumaling lang kayo.." bulong nito sa kanya. " Hahanap po ako ng paraan para gumaling lang kayo. Wala man akong nagawa kay mama, ngayon, babawi ako. Kayo po ang nagsilbing ina ko at nag-aruga sa akin noong nawala si Mama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mauulit na naman ang lahat. Ayoko pong mawala kayo!" Napapaiyak si Xian habang kinakausap si Tita Zita. Flashback-- " Kailangan operahan siya sa lalong madaling panahon!" " Ano po ang dapat naming gawin!?" " Pero may 10% na chance of survival lamang ang operation kapag.. " " Ano!!? Bakit ganoon?" galit na tanong ni Xian. Hindi nakapag patuloy sa pagsasalita ang doctor. " Mag oopera kayo tapos ganong chance lang pala!!? Parang sinasabi ninyo na mamamatay pa rin siya!" " Kailangan natin ng doctor na especialista sa critical operation na ganito na gamit ang mga bagong procedures at machines,!" sabi ng doctor. " especialista!? Diba doctor kayo!? Anong doctor pala kayo!?" galit na galit na sabi ni Xian. Pinipigilan na ni Fara si Xian dahil baka may gawin pa ito sa doctor. " kuya.." Hindi na nagsalita si Xian at tumalikod ito sa Doctor para kumalma. Humarap si Fara sa doctor at siya ang nakipag-usap sa doctor. " Ano po ang dapat naming gawin?" " Kailangan nating ilipat siya ng ibang hospital at kung maaari ay makipagappointment kay doctor Therese. Isa siyang magaling na doctor pagdating sa ganoong operation. May ginagawa siyang mga studies and procedures. Napapataas niya ng 50% survival ang isang patiente." "Doctor Therese.." -------- " Gagawin ko ang lahat tita upang gumaling kayo. " Nalaman ni Xian na nakaappointment sa ibang bansa si Dr. Therese. Matatagalan pa siya bago siya makakabalik roon. Habang tumatagal at umiikot ang oras ay nag -aalala siya sa maaaring mangyari kay tita. Hindi pa pinaalam ni Xian kina Dorara at iba ang nangyari kay tita Zita. Bago nangyari ang lahat,nakabalik na sa probinsya sila kaya mahirap ang komunikasyon nila kina Xian. Hindi nila alam ang nangyari kay tita Zita at sa anak ni Xian. ----- Binisita ni Xian si Yasmin pero natutulog ito. Mag -isa lang si Yasmin roon. Nilapitan niya ito at umupo sa upuan na nasa malapit ng kama. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. " Malalampasan natin ito...." bulong niya kay Yasmin. He touched her cheeks with his hand. Then tumayo siya at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Yasmin at hinalikan niya ang kanang pisngi ni Yasmin. " aalis muna ako pero babalik ako.. " Hindi namalayan ni Xian na tumulo ang luha ni Yasmin. Hindi rin alam ni Yasmin ang reaction ng sarili habang natutulog ito. " Mahal na mahal kita!" ------------------ Nagising na si Yasmin at nakita si Harrold na inaayos ang gamit nito sa mesa. " Nasaan si Xian?" " uhm.. Hindi ko pa siya nakikita.." " Ganoon ba.." " pero huwag ka mag-aalala, babalik iyon," sabi ni Harrold. May kumatok sa pinto at binuksan ito ni Harrold. Sa harap ng pinto ay naroon ang dalawang pulis. " Magandang araw po!" " Magandang araw rin.. Pasok kayo!" Pinapasok ni Harrold ang mga pulis para makausap si Yasmin. " Miss Yasmin, gusto lang namin kayo tanungin sa mga nangyari bago mo naramdaman ang kakaiba," sabi noong isang pulis. " According sa doctor, may nainom po kayong isang pampalaglag.." sabi pa noong isa. " What!?" reaction ni Harrold. " huh?" nabigla si Yasmin sa kanyang narinig. " paanong.." " Maaaring sinadya ninyo o hindi ninyo alam!" " Anong sinadya!?" galit na reaction ni Harrold sa pulis. Napaiyak nalang si Yasmin. " Hindi niya magagawang ipalaglag ang sarili niyang anak!!" sagot ni Harrold. " Sir, mga possibleng nangyari lang po iyon kaya nag-imbestiga kami sa condo ni maam," paliwanag ng isang pulis. Umiinit at kumukulo ang dugo ni Harrold sa mga pulis. " Mga bobo pala kayo kung iisipin ninyo na gagawin niya iyon!!" " May nakita po kaming isang maliit na bote sa trashbin at isinuri na namin ito at lumabas na iyon ang lalagyan ng pampalaglag. Ibig sabihin itinapon ng salarin roon ang bote pagkatapos niya gawin ang binalak na masama." Hindi inaasahan ni Yasmin ang sasabihin ng pulis tungkol sa bote. Nagpatuloy sila, " Balita namin ay may kasama kayo sa condo roon. Bago nangyari iyon, may mga kakilala rin kayo na dumating. Tama po ba?" " Anong ibig niyong sabihin?" tanong ni Yasmin. " possibleng isa sa kanila ang salarin!" " huh?" Napaluha siya at napatakip ng bibig ng may naalala. ---------- Nakalabas na ng hospital si Yasmin pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita si Xian. Kaba at takot ang kanyang nararamdaman. Hindi mapanatag ang kanyang kalooban hangga't hindi niya nakikita ito. " Bakit wala pa siya? Nasaan ba talaga si Xian, Harrold?" tanong ni Yasmin kay Harrold na nakatayo sa may pinto habang siya naman ay nakahiga sa kama sa kwarto. Pinatuloy muna ni Harrold si Yasmin sa kanyang condo unit. Doon muna siya mananatili hanggang hindi pa siya nakamove on sa nangyari. Bakas sa mukha niya ang trauma kung saan naaalala niya ang dahan dahan niyang pagbagsak sa sahig at pananakit ng tiyan. Naaalala niya na nakatayo sa harapan niya si Anika at pinanood siya nito habang siya ay pumupulupot sa sakit. Humingi siya ng tulong sa kaibigan pero iniwan lang siya nito. Sa ngayon, hindi maaaring magpuyat at mapagod si Yasmin dahil nagpapagaling pa siya. Nag-aalala rin si Harrold kay Xian na hindi pa nagpapakita but hindi niya pinahalata sa kaibigan. Pinatatag niya ang loob ni Yasmin at positibo itong sumagot, " baka may inasikaso lang! Huwag kang mag-alala!" Hindi pa rin maalis sa kanya na hindi mag-alala. Bumabagabag rin kay Yasmin ang nga sinabi ng pulis kahapon. Baka isa sa mga panauhin niya ang gumawa noon sa kanya. Flashback--- " Sino ang kasama mo sa mga oras na iyon bago nangyari ang pananakit ng tiyan mo?" tanong ng pulis. " Dumating ang mga kaibigan ko.." sagot ni Yasmin. Napatanong si Harrold na kasama ni Yasmin," Sino ang dumating?" na-curious siya. " Dumating sina Anika .. At.. " Napatingin si Yasmin kay Harrold bago niya naipagpatuloy ang sasabihin. " At?" " At si Marga.." sabi ni Yasmin. Nagulat si Harrold, " OMG!" napatakip bibig nalang ito. " Anong nangyari? May pinainom ba sa iyo!?" tanong noong isa. Harrold interrupted, " Si Marga ang gumawa! Sigurado akong siya ang gumawa!!" Umiinit na reaction ni Harrold. " May ininom ako bago nangyari iyon.." nakayukong sabi ni Yasmin at napaiyak nalang siya habang naaalala ang nangyari. " Anong nangyari pagkatapos? Isa ba sa kanila ang nagtimpla non?" tanong noong isang pulis. Umiiyak na si Yasmin at hindi na siya sumagot. Niapitan ni Harrold at niyakap ang kaibigan. He comforted Yasmin. " Si Marga.. Si Marga ang may lakas ng loob na gagawa non sa kanya. May motibo siya dahil nagseselos siya kay Yasmin." paliwanag ni Harrold sa mga pulis. -----end of flashback. Harrold tried to contact Xian sa bago nitong number but cannot be reach. Palihim lang niya itong tinatawagan at hindi niya pinaalam kay Yasmin para hindi mag -alala siya ng husto. Umalis muna si Harrold sa condo unit niya pero nangakong babalik. Naiwan nalamang si Yasmin na nag-iisa. But before umalis si Harrold ay sinigurado muna niya na okay si Yasmin at sinabing ilock ang pinto, huwag magpapasok ng hindi kakilala. She needs to be aware at mag-iingat siya dahil hindi niya alam ano pa ang mangyayari at mga binabalak ni Marga. " Tawagan mo ako kaagad kung may kakaibang nangyayari, okay!? sabi ni Harrold. She nodded. Umalis na si Harrold at naiwan nalamang si Yasmin sa condo unit ni Harrold. Tahimik lang si Yasmin habang nakadungaw sa bintana. Bakas sa mukha nito ang lungkot. " Nasaan kaya si Xian? Bakit hindi pa siya nagpapakita? Galit ba siya? Iniwan na ba niya ako dahil wala na ang baby namin? Nasaan ka na ba Xian!? Kailangan kita ngayon!" naiiyak na sinasabinng utak ni Yasmin. ((cellphone ringing!!)) Napalingon siya sa may mesa ng marinig niyang tumutunog ang cellphone nito. Pinuntahan niya ang kanyang cellphone at agad niya itong kinuha. Nakita niya nag isang hindi nakaregister na numnero. "Xian?" ang unang pumasok sa kanyang isipan na baka si Xian ang tumatawag. Sinagot niya ito," Xian!?" Isang babaeng boses ang sumagot sa kabilang linya, " Yasmin.." umiiyak ito. Nagulat si Yasmin at familiar ang boses nito. " Yasmin, sorry.." Tumulo ang luha ni Yasmin ng nakilala na niya ang boses, " Anika!?" " Hindi ko sinasadya.. Patawarin mo ako at naging tanga ako!!" umiiyak ang kanyang boses. " Anika?" Umiiyak na rin si Yasmin. Napaupo siya sa couch. " ikaw ba ang naglagay ng pampalaglag sa inumin ko?" " Patawad!" " Bakit mo iyon ginawa?" " patawad.. Patawarin mo ako!!" " Anong kasalanan ko? Anong ginawa kong mali sa iyo na nag-udyuk sa iyo na gawin iyon!?" pasigaw nitong tanong. " Patawad!" patuloy sa pag -iiyak ang dalawang dalaga. " Pinatay mo ang aming anak ni Xian!! Wala kang puso!" galit na galit habang umiiyak si Yasmin. " Sorry..sorry.." " Bakit mo iyon ginawa!? Sabihin mo!! Bakit??" " dahil bobo ako!!" sagot niya. " Ang sama mo!! Akala ko kaibigan kita!! Isa ka sa mga kaibigan ko na pinagkakatiwalaan ko simula noong highschool pa tayo.. Tapos anong ginawa mo!! Pinatay mo ang anak ko!!" galit na sabi ni Yasmin na may halong iyak. " Pinagsisihan ko.. Patawad. Patawad dahil naging tanga ako! Patawad dahil bobo ako! Ipinahamak ko kayo!!" " Mas mabuti pang ako nalang ang pinatay mo kesa sa anak namin! Dinamay mo pa ang walang awang bata!!" pasigaw nito sa cellphone. " sorry.. Hindi ko alam.. Nagpadala ako sa katangahan ko.. "sagot ni Anika. "Walang magagawa ang sorry mo! Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala! Ang buhay ng anak namin ni Xian!!" " Sorry.." " Hindi kita kaibigan! Wala akong kaibgan na katulad mo! Mamamatay tao!!" seryoslng sabi ni Yasmin. " Sorry.." ((call ended)) Humiga si Yasmin sa couch at patuloy na umiyak. -------- Dumaan ng isang convenience store si Harrold. Bumili siya ng mga makakain at iilang gamit para kay Yasmin. Pagkalabas niya ay di sinasadyang nakita niya si Marga sa kabilang kalye. Kasama niya ang kanyang mga co-workers. " Marga!" galit na reaction nito pagkakita kay Marga. Agad niyang sinugod ang babae sa kabila. " Marga!" sigaw nito na patungo siya sa kanya. Napalingon si Marga kay Harrold. At.. At biglang sinampal na malakas ni Harrold ang mukha ni Marga. Nakalimutan niya na isa si Marga sa client niya. " Pu*yeta!" sabi ni Harrold dahil sa galit. Nabigla si Marga. Napahawak siya sa pisngi kung saan sinampal ni Harrold. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa hindi inaasahang sampal. Nabigla rin ang mga kasama ni Marga. " Omg!" " Anong ginawa ni Yasmin sa iyo para gawin mo iyon sa kanya!?" galit na tanong ni Harrold. " Ano ba ang pinagsasabi mo!?" tanong rin ni Marga na nagmumukhang inocente. " Aminin mo na na ikaw ang gumawa at nagpainom kay Yasmin non!!" " Wala akong alam sa sinasabi mo!!" sagot niya. " ikaw lang naman ay may kayang gumawa non kay Yasmin!!" " Aba, nagbibintang ka ba!!?" " Sigurado ako na ikaw iyon!! Dahil kahit noon pa ay inggit ka na kay Yasmin! Nagagalit ka dahil pinagpalit ka ni Xian sa kanya at magkakaroon na sila ng baby!!" Unti - unti ng nagagalit si Marga kay Harrold pero pinipigilan niya ito. " Sumuko ka na Marga dahil mahal nila ang isa't isa! Sila ang para sa isa't isa! Kung alam ko lang noon ay hindi na ako pumayag na ako ang gagawa ng wedding gown mo at iba pa.." pagsisising sabi ni Harrold. "Mahal ako ni Xian.. Mahal niya ako!" sabi ni Marga. " Umaasa ka pa! Huwag ka ng umasa na mapapasa-iyo si Xian! " Nag-walk out si Marga. Umalis siya sa kinatatayuan niya. Sumunod naman ang mga kasamahan niya. Naiinis pa rin si Harrold kay Marga. " Asar! Hindi pa siya umaamin!" kinakausap niya ang kanyang sarili. Inimbitahan sa pulisya si Marga para sa imbistigasyon. Isa siya sa suspek na gumawa sa pagpapainom ng pampalaglag kay Yasmin. " Anong ginagawa mo sa condo ni Ms. Yasmin sa mga oras na iyon? " tanong ng pulis. Seryosong sumagot si Marga, " Binisita namin ang aming kaibigan.." Tinanong pa rin siya, " ikaw ba ay ex fiancee ng boyfriend o ama ng dinadala ni Ms. Yasmin?" " Aaminin ko.. Ikakasal na sana kami.." " maaaring ikaw ang gagawa noon dahil galit ka sa kanya.. " " Galit ako sa umpisa noong nalaman ko but I realized that mahal nila ang isa't isa at kaibigan ko si Yasmin kaya dapat suportahan ko siya... Para na rin sa bata," paliwanag ni Marga. " Nagseselos ka ba sa kanila?" " At first.. Pero nawala na iyon dahil nanaig ang pagkakaibigan namin.." " May napansin ka bang kakaiba?" " Ang natatandaan ko ay gumawa ng maiinom ang isa pa naming kaibigan. Juice nga ang ininom ko bago ako umalis. Nauna na akong umalis kaya hindi ko na alam ang mga nangyari roon. Okay naman siya pag-alis ko." kwento ni Marga na medyo malungkot ang boses. " Si Anika ba ang tnutukoy mo?" tanong nila. She just nodded. Nagpatuloy ang pagtatanong nila kay Marga. Kailangan nila ang pahayag ni Anika. Nag- uusap si Harrold at Yasmin sa sala ng condo ni Harrold. Nakasandal si Yasmin sa balikat ng kaibigan. " Malalaman rin kong sino ang gumawa nito sa iyo," positibong sabi ni Harrold. " Nag-sorry si Anika sa akin. Paulit ulit niyang sinasabi ang salitang sorry.." nakatulalang sabi ni Yasmin. " Siya ba ang gumawa?" " Nag-sosorry siya at para bang alam niya ang mga nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi rin niya ako tinulungan sa mga oras na iyon. Kung hindi ka dumating, baka wala na rin ako," naiiyak na kwento ni Yasmin. " Siya ba talaga o si Marga!?" " Hindi ko alam.. Wala siyang sinabi tungkol kay Marga. Humihingi lang siya ng tawad pero hindi ko alam kong mapapatawad ko ba siya.." " huwag ka mag -aalala, lalabas rin ang katotohanan kung sino ang gumawa non!"seryosong sinabi ni Harrold. Sa pulisya, iimbitahan sana nila si Anika roon pero may masamang balita ang kanilang nalaman. Tinawagan ng mga pulis si Yasmin para balitaan siya sa mga nangyayari. " Hello, Ms. Yasmin, si PO1 Vasques ito.." Ang sumagot sa tawag ay si Harrold. " Si Harrold po ito, kaibigan ni Yasmin.." " Mr. Harrold.." Sinabi nila ang kanilang nalaman. Nabigla si Harrold sa kaniyang narinig. " huh?" Bakas sa mukha ni Harrold ang gulat. Nagulat rin tuloy si Yasmin sa reaction ng kaibigan. " Bakit? Ano na ang sabi nila?" Pinagmasdan niya si Harrold habang nakahawak ito sa cellphone. Napatingin si Harrold kay Yasmin. " Yasmin.." " Bakit?" kinabahan tuloy siya. " Si Anika.." " Anong tungkol kay Anika?" " Patay na si Anika. Nagpakamatay siya. Nakita nila si Anika na nagbigti sa kanyang kwarto.. Wala na siya!" " Oh my god!!" gulat na reaction ni Yasmin. Napatakip bibig at napaluha siya. Hindi makapaniwala si Yasmin na magagawa ni Anika na magpakamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD