Kinabahan na pumunta sa mansion si Yasmin pero nilakasan nalang niya ang loob. Mag-isa lang itong nagtungo dahil na rin sa pakiusap ni Tita Grace. Kahit mapanganib ay hindi na nagdalawang isip si Yasmin na puntahan ang bruha para kay Arthur. Nagkita sila sa hardin ng mansion. Naroon si Grace at nakaupo sa may mesa. Painom-inom lang ito ng wine. Seryosong nilapitan ni Yasmin si Tita Grace. Sa bawat hakbang niya ay parang sumisikip ang dibdib niya. Kinakabahan siya pero di dapat ipakita kay Grace na kinakabahan siya. "Bakit mo ako pinapunta rito? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ni Yasmin na tumigil sa paghakbang. May dalawang metro ang layo nila sa isa't isa. Mataray na tiningnan ni Tita Grace si Yasmin at matapang naman na humarap si Yas sa kanya. "Alam kong nagkita na kayo ni

