Nakahiga si Yasmin sa may braso ng asawa at hinahaplos ang dibdib nito. Nakahiga sila sa kanilang malambot na kama pero hindi pa sila tulog sa mga oras na iyon. "Hon, bakit wala ang isa mong tita.. yong isa mo pang tita..?" tanong ni Yas. "Ah, siya ba.. di kami close!" "Natatakot talaga ako sa kanya. Simula noong una ko siyang nakita sa party ng lolo mo.." "Si tita Nancy lang ang close ko. Sa kanyang pangangalaga na ako lumaki." "Ganon ba. Ang lolo mo rin hindi nakapunta. Sayang." "Masmabuti na rin iyon dahil baka ano pa ang gawin niyang kakaiba. At least payapa." "Kakaiba talaga ang lolo mo...ang kulit. Hindi na makapaghintay sa apo sa tuhod nya." "Ang nasa isip lang niya ay ang magiging apo sa tuhod niya." "Magiging spoiled yata ito.." "Kapag boy ang baby natin, dapat Arthur p

