Nahulog si Yasmin sa hagdan pagkatapos itulak ni Marga. Walang malay siya na nasa lupa pagkatapos. Maraming dugo ang kumalat sa may hagdan patungo sa may paanan nito. Niyakap kaagad ni Arthur ang asawa. Napaluhod ito na yakap si Yasmin. Nanginginig ito sa kaba at di alam kung ano ang gagawin. "Yasmin! Yasmin!" paulit paulit niyang sinasabi ang pangalan nito. Nakatayo sa taas si Marga at di gumalaw. Mukhang nabigla rin sa pangyayari. Walang malay si Yasmin. Hinahaplos haplos ni Arthur ang mukha ng asawa habang sinasabi ang pangalan, "Yasmin, gumising ka.. Yasmin..." Napalingon si Arthur kay Marga na talagang nanlilisik ang mga mata sa galit. "Anong ginawa mo!? Anong ginawa mo Marga!? Ipinahamak mo ang asawa ko!!" Kinabahan tuloy si Marga. Sa galit ni Arthur ay pinapawisan ito

