Chapter 35

4431 Words
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin nang makita niya ang malatinapay na abbs ni Arthur. Pagkatapos ay agad tumalikod ang dalaga sa binata.  Naka black boxer shorts lamang si Arthur na nakatayo sa may likuran ni Yasmin. Talagang mapapansin mo ang bundok nito sa pagitan ng mga hita. Fit na fit  kaya halata ang tinatagong alaga. Wala siyang saplot pang - itaas at kitang kita ang malatinapay na abbs nito na talagang katakamtakam pang - almusal. "Bastos mo talaga!" naiinis na sabi ni Yasmin. " Sinong nagsabi na pumasok ka sa kwarto ko?" pang aasar ni Arthur. "Aba! Kasalanan ko pa?" mas naaasar si Yasmin sa tanong nito. " Hindi ka ba pwedeng magsuot muna ng pang itaas at sa baba pagmay kausap ka." Arthur smiled and said, " Hindi ka pa ba nakakakita ng ganitong katawan?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Halo halo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon- kaba, hiya, asar, inis! " Magbihis ka nga!" sigaw ni Yasmin. " Inuutusan mo ba ako?" " Nakakainis!" bulong ng dalaga sa sarili. Still, nakatalikod pa rin ito sa binata. "Di ba kwarto ko ito, kaya pwede kong gawin ang gusto ko!" sabi ni Arthur. Kinuha ni Arthur ang towel na nakasabit sa upuan at tinakpan ang ibabang bahagi niya na hindi alam ni Yasmin. " Magbihis ka!" sigaw ulit ni Yasmin. Mas kinabahan ito ng marinig ang mga sinasabi ng binata. Dahan dahang lumapit si Arthur sa dalaga hanggang nasa likuran na niya ito malapit sa kanya. Bumulong siya kay Yasmin. " Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kagabi!" bulong nito sa tenga niya. Ramdam ni Yas ang init ng hininga ng binata sa may tenga nito. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng maalala ang ginawa niya. Lumingon siya agad at hinarap si Arthur pero hindi niya inaasahan na napakalapit na ng mukha niya sa mukha ng binata. Nabigla sila pareho at namula. Natahimik at nagkatitigan ang dalawa. Pagkaraan ng ilang segundo ay iwas tingin agad si Arthur at mukhang inuubo at napalunok ng laway.   Napayuko naman ang ulo ni Yasmin at sinabing, " Sorry!" Agad umupo si Arthur sa upuan at tiningnan ang mga pagkain sa mesa. " Ano ito?" matigas na pagkakatanong ni Arthur. "Huh? ah-" napatingin si Yasmin sa kanya. " Pinagluto kita at inihanda ko ang breakfast mo." "Ahh, breakfast!" "Kasi.. Naisipan ko.. Uhm.. Para pam.." hindi na naituloy ni Yasmin ang sasabihin ng magsalita ulit si Arthur. "Hindi kasi ako kumakain ng breakfast. I just drink coffee," sabi ni Arthur na nakaupo pa rin sa harapan ng mesa. Nabigla si Yasmin sa di inaasahang sagot ng binata at medyo nalungkot dahil hindi man lang na-appreciate ang effort nito. " sige, ililigitpit ko nalang," malungkot na sabi nito. But Arthur stop her, " teka lang!" "hm?" nabiglang reaction ni Yasmin. " Umupo ka!" utos nito. Nagtaka si Yasmin. " Ang sabi ko umupo ka ryan!" napasigaw nitong utos. Nabigla si Yasmin at napilitang umupo sa katabing upuan na nasa harapan ng mesa. Hindi niya alam kung bakit niya siya pinaupo. Napakaseryoso naman ng mukha ni Arthur. Kinuha ni Arthur ang isa pang plato at inilagay sa harapan ni Yasmin. Nagtataka si Yasmin kung ano ang binabalak nito. " Since narito na itong mga pagkain, kaya kakainin natin ito!" " Natin!?" gulat na sagot ni Yasmin. Napatingin si Arthur sa dalaga at sinabing, " Yes, natin! Sasabayan mo akong kumain!" " pero.." " Wala ng pero pero. Utos ito ng pinagsisilbihan mo!" seryosong ani ni Arthur at nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Yasmin. Talagang hindi makapaniwala si Yasmin. Panay sulyap siya sa binata habang sumusubo. Yasmin's pov Ganito ba talaga siya? Hindi ko siya maintindihan! Masamang tao ba siya o hindi? Bakit iba ang pinapakita niya ngayon? O hindi ko pa talaga siya kilala. Paraan kaya niya ito sa mga babae niya? " Masarap! Masarap ang ginawa mong agahan!" papuri ni Arthur. Namula tuloy si Yasmin at nahihiya. Humarap si Arthur at sinabing, "Simula ngayon, ipagluluto mo na ako ng agahan!" " Ano!?" gulat na gulat ito. Napangiti si Arthur at inulit ito, "Maghahanda ka ng agahan para sa akin at ito ay utos ko!" "Huh?"Walang magawa si Yasmin kundi sumunod sa kanya. "Okay." Bakas sa mukha ni Arthur ang kasiyahan. Nagpatuloy ang pagkain nilang dalawa. Pagkatapos nilang kumain ay iniligpit na ni Yasmin ang pinagkainan nila. Hanggang may naalala si Arthur habang pinagmamasdan si Yasmin na nililigpit ang mga plato. "Teka!" " bakit?" napatingin ito sa binata. " Anong ginawa mo kahapon noong wala ako?" "Hm?" " Ang kamay mo, bakit--" may itatanong sana si Arthur tungkol sa sugat nito sa palad pero biglang may kumatok. Napatigil tuloy siya at napasandal sa upuan niya. "Pasok!" sigaw ni Arthur. Ipinihit ni Leo ang doorknob at binuksan ang pinto. Pagkakita niya sa dalawa ay agad itong nagtanong bago tuluyang pumasok, "Uhm, nadistorbo ko ba kayo?" Napatingin ang dalawa kay Leo. " Anong kailangan mo?" "Uhm, pwede pumasok?" "Pumasok ka na!" utos ni Arthur. Ipinagpatuloy ni Yasmin ang pagligpit ng pinagkainan nila. " Sir, gusto po makipagkita nina Mr. Chan at Mr. Arnolds sa iyo." "Ganoon ba!"sagot nito. "Sige!" Dahan dahang lumabas si Leo sa kwarto. Si Yasmin naman ay lalabas na sana ng may sinabi si Arthur sa kanya. "Simula ngayon, sasama ka sa lahat ng pupuntahan ko!" dagdag na utos ng binata. Nagulat si Yasmin, "Huh? Ano?"  Napahinto siya sa may pinto at di natuloy ang paglabas. Lumapit si Arthur sa dalaga at humarap sa kanya. " At sa ginawa mo sa akin kagabi, sa pagtama mo sa...." Kinabahan tuloy si Yasmin. " sa- sa--..?" "Sa.. " Hindi masabi - sabi ni Arthur." sa ---" taas noo itong nagsalita ulit, " sa pinakaimportanteng bahagi bilang lalaki!" " Paparusahan kita mamayang gabi!" nakangiwing ngiti ni Arthur ang makikita mo sa kanyang mukha. " Ano?" Tumalikod agad si Arthur at pumunta sa loob ng kwarto kung saan naroon ang kanyang kama. " Ano kayang binabalak nito? Akala ko ba peace offering ko na iyong breakfast niya! Haist! " ---------- Inaayos na ni Marga ang damit niya. Isinuot niya ang kanyang panty at tiningnan niya si Xian na mahimbing na natutulog sa kama na may kumot. Hubad itong nakahiga dahil na rin sa ginawa nilang kababalaghan kagabi. " Sa wakas, absolutely akin ka na!" bulong ni Marga sa sarili. Mataray na nakangiti ito habang palabas sa kwarto. Iniwan niya si Xian na mag-isa sa condo nito. Habang nakahiga at nakapikit ang mga mata ni Xian, ang isip at puso nito ay nagsisisi. Sa isip nito ay hindi niya matanggap ang mga ginawa niya.  "Maling mali ang aking ginawa. Pinagsisihan ko ang lahat. Pinagpalit ko ang babaeng mahal ko sa iba. Sinaktan ko siya ng husto at siguradong hindi na niya ako mapapatawad . Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko. Siguro, lahat ng ito ay karma na! Lahat ng ito ay parusa na sa akin. Sa mga pangako ko na napako at sa mga bagay na akala ko ay mapapabuti ay nakakasama pala. Mas mabuti pa siguro na mamatay nalang kaysa mabuhay sa kadiliman. Kahit anong pilit kong isipin na ang kasama ko ay si Yasmin, pero hindi siya si Yasmin. Siya si Marga! Hindi ko man makita, pero alam ko na hindi siya si Yasmin.. At hindi siya magiging si Yasmin! Patawarin mo ako! Patawarin mo ako! Sana masilayan ko muli ang babaeng pinakamamahal ko.  -------- Nakipagkita na si Arthur kasama si Leo at Yasmin na nasa likuran nito kina Mr. Chan at Mr. Arnolds. Ang dalawa ay mga investors, mga mayayamang ka business meeting ni Arthur. May kasamang tatlong sexy ladies na mukhang partners nila. "Hi Mr. Arthur!" bati ni Mr. Chan. Isang babae ang nakahawak sa braso niya. " Nice to see you again  Mr. Chan!" bati rin ni Arthur. Nakipagkamay sila. Nakatayo lamang sa may likuran sina Leo at Yasmin at pinagmasdan lamang ang pagkikita ng kameeting ni Arthur. " Arthur!" " Mr. Arnolds!" Nagkabatian silang lahat. Ang dalawang lalaki ay may kasamang mga babaeng sexy at ang isa ay lumapit kay Arthur. " Hi Mr. Arthur!" seductive na bati ng babae na si Wena. Pinagmasdan ni Arthur ang babae from head to foot. Napansin naman ito ni Yasmin kung gaano makatingin si Arthur sa babae. Bulong ni Yasmin sa sarili, "Tingnan mo naman ito kung makatingin, wagas! Haist!" Napatingin sa damit ng mga babae si Yas at kinumpara ang sa kanya na napaka-simple lang. Naka-blouse siya na peach at maong pants and sandals. Hindi niya inaasahan na may mga kasamang sexy girls ang kameet up ni Arthur. Nakasuot ang tatlong babae ng sexy blouses na talagang kita ang cleavage nila at sexy skirt na maglalaway ang mga kalalakihan. "hmmpp, mas sexy pa rin ako sa kanila.." Bulong ni Yasmin sa sarili na naiinis sa mga nangyayari. Inayos ni Wena ang kwelyo ni Arthur at ang suit nito. "You look so handsome sir Arthur!" Malambing na sabi ni Wena at kinindatan pa ang binata. Nakangiti lamang si Arthur. Pabulong na naman si Yasmin sa sarili at inulit ang sinabi ni Wena, " You look handsome sir Arthur!" Napalingon si Leo ng marinig niya iyon at palihim na natawa sa dalagang katabi. ------- Nag-uusap na silang tatlo katabi ng bawat isa ang mga babae. Nasa gilid rin ni Arthur si Leo na kanyang secretary. Sa mesa nila ang mga pagkain at wine. Si Yasmin naman ay nasa ibang mesa at nanonood lamang sa kanila. Hindi niya naririnig ang mga usapan nila kaya mga galaw nalang ang kanyang iniinterpreta. Nagtatawanan, seryoso minsan at nagkakatuwaan ang pag-uusap. "Sigh!" buntong hininga ni Yasmin habang pinapanood sila at umiinom ng juice. " Mga mayayaman nga naman.." " Sir Arthur.." bulong ni Wena sa binata. She's touching his arm pataas at kinikiliti sa may leeg nito gamit ang mga daliri niya. She's smiling while doing it. Mukhang inaakit ni Wena ang binata. Si Arthur naman ay hindi pinapansin ang ginagawa ni Wena at busy sa pag-uusap kina Mr. Chan na katabi rin ang isang babae. Napansin ni Wena si Yasmin sa kabilang table na panay tingin kay Arthur at sa kanya. Napansin na niya ito kanina pa pagdating nila. Kaya mas hinigpitan ni Wena ang pagkakahawak sa braso ni Arthur. "Kung makakapit ang babaeng ito, parang linta! Hmmp!" naasar na nasa isip ni Yasmin at pinabula ang iniinom na juice. She's blowing it. Nakataas kilay ang babaeng talagang ginagawa ang lahat para mapansin siya ni Arthur. Tumayo na si Yasmin at pumunta ng ladies room. " Stop it!" mahinang sabi ni Arthur kay Wena na napakaseryoso ng mukha na nakaharap sa dalaga. " Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko?" tanong niya. " May problema ba?" tanong ni Mr. Arnolds. " Nothing.. Nasaan nga tayo?" sagot ni Arthur. Tumayo si Wena at umalis sa kinauupuan. ----- "Haist!" naiinis na reaction ni Yasmin habang naghuhugas ng kamay.  "Kung makatingin sa babae talagang grabe! Titigan pa niya ng husto. Itong babae naman kapit ng kapit. Mukhang nakaglue na sa braso niya.. Haist! Kakainis sila!" nagsasalitang mag-isa si Yasmin. Pumasok sa ladies room si Wena. Nakita ni Yasmin sa salamin si Wena na pumasok ito. Napansin rin ni Wena si Yasmin at pinuntahan sa may lavatory. Binalewala lang ni Yasmin si Wena at patay mali lang siya. Nagmukhang hindi niya raw nakita. " Hindi ba ikaw iyong kasama ni Arthur? Iyong personal assistant niya este, alila niya?" mataray na sabi ni Wena. Kinukuha niya ang kanyang lipstick sa bag at ginamit niya ito sa harap ng salamin. "Ako nga!" sagot ni Yasmin na medyo mataray rin. "Mukha ka talagang alila!" she looked at Yasmin from head to foot. Yasmin's mind, " kung makatingin rin ito, wagas." " I thought kasi na partner ka ni Sir Arthur.. Hindi pala! Mukha mo pa lang at ayos ay talagang pang alila!" panglalait ni Wena. " Aba naman.. Kung manlait.. Mukhang maganda hindi naman!" sabi ng isip ni Yasmin. Nagpipigil lamang si Yasmin sa kanyang inis sa babaeng lintang ito. Umiwas tingin nalang si Yasmin. "By the way, may I ask.. " Napatingin si Yasmin kay Wena. "May girlfriend na ba si Sir Arthur?" "Huh?" " May girlfriend ba siya?" " Bakit mo sa akin tinatanong? Tanungin mo sa kanya!" " Well, balita ko kasi marami siyang mga babae. Most of them are pretty and sexy. Pero sa tingin ko mas maganda ako sa kanila at sexy pa." "Kapal ng mukha naman nito. Ang taas ng tingin sa sarili," pabulong ni Yasmin. " May sinasabi ka ba?" "Huh, wala!" "Okay!" Habang paalis sa ladies room ay may sinabi ai Wena na sinadyang iparinig kay Yasmin. " Magpapahatid nalang ako sa kanya pauwi!" Narinig ito ni Yasmin. --------- "So let's meet up next time.." sabi ni Mr. Chan. " Okay, it's my pleasure!" sagot ni Arthur. Tumayo na silang lahat sa kanilang mesa. They were shaking their hands at nagpapaalam sa isa't isa. Nakatayo naman sa labas ng restaurant si Yasmin habang hinihintay sila Arthur at Leo. Medyo malamig na ang paligid. Nilalamig na si Yasmin kaya she's rubbing her own arms. "Sigurado, ihahatid niya iyong lintang iyon. Haist! Paano na ako nito? Paano ako uuwi?" Lumabas na rin sina Mr.Chan kasama ang isang babae at sumakay sa kotseng dumating. Pagkatapos ay umalis na ito. Dumating na rin ang kotse ni Mr. Arnolds kaya lumabas na sila at sumakay roon kasama ang isang babae. " Umalis na rin sila," Hinihintay ni Yasmin si Arthur at Leo na lumabas. Dumating na rin ang kotse nila Arthur sa harapan. Lumabas na si Leo at pinagbuksan ang pinto ng kotse. Pinagmasdan niya ito at napalingon siya sa may pinto. Lumabas si Arthur sa pinto ng mag-isa. " Saan ang babaeng iyon?" tanong ni Yasmin sa sarili. Lumapit si Arthur kay Yas. " Ano na?" tanong ni Arthur kay Yasmin na nakatitig sa kanya. Napangiti si Yasmin na hindi niya namamalayan. Masaya siya na makitang hindi nakasunod ang babaeng linta. Nastarstruck si Arthur ng biglang nakita niyang nakangiti si Yasmin sa kanya. But biglang.. Biglang lumabas si Wena at medyo galit ang aura. " Narito pa pala ang babaeng lintang ito!" sabi ng isipan ni Yasmin. " You need to send me home! Kailangan mo akong ihatid sa amin!" sabi ni Wena na halatang iparinig kay Yasmin. " Di ba sabi mo kanina sa harapan nila Mr. Chan na ihahatid mo ako!" Hindi man nabigla si Yasmin dahil alam na niya na gagawin ni Arthur iyon. But she felt something strange on her. Naiinis siya ng hindi niya maintindihan kung bakit. " You promised, remember!" palaban pero mapang-akit na sabi ni Wena. " Yah, I did!" sagot nito. Napatingin si Art kay Yasmin at napatingin si Yasmin sa kanya. " Can it be that you just ride a taxi?" tanong ni Arthur kay Wena habang kumukuha ng pera sa wallet. " No!" galit na reaction ni Wena. " I want to ride on your car, Arthur!" " Ok, you may!" "  But I don't want to be with her on the same car!" Pointing on Yasmin. Napatingin silang lahat kay Yasmin. Even Leo looked at her too. " Okay!" sagot ni Arthur. Napangiti si Wena at tumaas ang kilay niya na nakatingin kay Yasmin. Nabigla si Leo sa sagot ni Arthur. " So meaning nito, iiwan nila ako rito!?" sa isip ni Yasmin. "Haist, nakakainis ka talaga." Pumasok na si Wena sa loob ng car. Masayang masaya siya. Inutusan ni Arthur si Leo na pumasok na sa kotse. Nasa front seat si Leo katabi ang driver. " I like it Arthur!" sabi ni Wena na nasa loob ng kotse. " Teka, iiwan ninyo ako rito?" tanong ni Yasmin kay Arthur na nakatayo pa sa may pinto ng kotse. Napatingin si Arthur sa kanya. " Eh, sana hindi mo na ako pinasama rito! Kung ganito pala ang mangyayari, iiwan rito sa malamig na lugar at nasa labas, eh mas mabuti pang manglaba nalang ako at maglinis ng bahay!" Napalakas ang boses ang paglabas ng sama ng loob ni Yasmin. " Pasok ka na Sir Arthur, tara na!" aya ni Wena na natutuwa. " Sino ba ang nagsabing iiwan kita rito?"ani ni Arthur  " Huh?" Isinara na ni Arthur ang pinto ng kotse habang nasa labas pa ito. Nabigla si Wena, " teka!" " Leo, ihatid mo si Ms. Wena sa kanila," utos ni Arthur. "Yes sir!" Natahimik tuloy si Yasmin. Umalis na ang kotse ni Arthur na hindi sila sakay. Nakatayo silang dalawa sa labas ng restaurant. Nabigla talaga si Yasmin sa ginawa ni Arthur. Hindi niya ito inaasahan. Lumapit si Arthur kay Yasmin na nilalamig na. Tinanggal ni Arthur ang kanyang suit at ipinasuot kay Yasmin. Napatitig si Yasmin sa mukha ni Arthur habang inaayos niya ang suit sa dalaga. He always remember not to touch her. "Okay na? Malamig pa ba?" tanong ni Arthur na nakatitig sa kanya. Natahimik si Yasmin ng ipinasuot ni Arthur ang suit nito sa kanya. Talagang nabigla ang dalaga. Hindi niya inaasahan na gagawin ni Arthur iyon.. Namula bigla ang mukha ni Yasmin at para makatakas sa nararamdamang kaba at kabog ng dibdib ay umalis siya sa kinatatayuan. Nagmamadaling umalis si Yasmin sa lugar. "Haist!" nahihiyang reaction ni Yasmin na para bang kamatis ang mukha. " Yasmin!" tawag ni Arthur. Sinundan niya ang dalaga na nagmamadaling naglalakad palayo sa kanya. " Mag-diday off muna ako ngayon!" sagot ni Yasmin sa binata. " Ano?" " Hindi muna ako tutuloy sa inyo. Uuwi muna ako sa amin!" nagsasalita siya habang naglalakad. Sinusundan naman siya ni Arthur. " Teka teka. Bakit naman?" " Basta, huwag mo na akong sundan. Babalik naman ako bukas!" " Inuutusan mo ba ako!?" " Haist.. Ang tigas ng lalaking ito!" bulong ni Yasmin sa sarili na napapapikit nalang sa pagpipigil sa inis. "Bumalik ka na sa restaurant!" Nasa may bus stop na sila Yasmin. Napatigil ang dalaga at hinarap si Arthur. " Uuwi muna ako sa amin kaya hindi ako sasama sa iyo pauwi sa bahay mo!" seryosong sabi ni Yasmin. " Galit ka ba?" " Bakit ako magagalit?" " eh, galit ka kanina!" " Iiwan mo kasi ako kaya ganon ang reaction ko," paliwanag ni Yasmin. " Hindi naman kita iniwan ha tapos, ngayon, ako ang iiwan mo!" sagot ni Arthur. Dumating na ang bus at huminto na ito sa harapan nila. "Haist!" reaction ni Yasmin na talagang naiinis sa nangyayari. Agad itong umakyat sa bus ng bumukas ang pinto nito. Ang hindi alam ni Yasmin ay sumunod pala si Arthur sa kanya sa loob ng bus. Umupo na si Yasmin sa may bintana sa may kanang bahagi ng bus. Walang gaanong sakay ang bus sa mga oras na iyon. Umupo sa tabi ni Yasmin si Arthur na talagang namangha. "Sinundan talaga niya ako!" bulong ni Yasmin sa sarili ulit. " Ganito pala ang feeling sa loob ng bus," nakangiting sabi ni Arthur na lumibot ang paningin sa loob ng bus. " kahanga-hanga!" Nagulat si Yasmin, "Teka, first time?" He nodded. "Really?" " Hindi ako sumasakay sa bus. We have our own car!" paliwanag ni Arthur. "Kahit fieldtrip noong bata ka pa?" " I'm not joining any fieldtrip before. I had my own teacher sa bahay." "Ahh, I see!" Napatingin nalang sa labas ng bintana si Yasmin. Hindi na niya kinausap muna si Arthur at pinaalis. "i-Enjoy mo na lang ang ride!" ------ Hindi na namalayan ni Yas na nakatulog siya sa biyahe. Panay swing ng kanyang ulo na hindi niya alam. Napansin naman ito ni Arthur kaya dahan - dahang pinatulog niya ito sa kanyang balikat. Hindi na niya inisip ang kasunduang ,no touching! Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na sila kung saan sila baba. Nagising na rin si Yas at dali - daling bumaba. Sumunod naman si Arthur sa kanya. Nilakad nila papasok patungo sa bahay na inuupahan nila ni Mia. --- Sa bahay, "Kumusta na kaya si Yasmin sa bahay ng gwapong lalaking iyon?" tinatanong ni Mia ang sarili habang nanonood ng television at kumakain ng chichiria. Nakaupo si Mia na nakataas ang paa at ang kalat ng bahay. Day off niya kaya nasa bahay lang ito at nagpapahinga. Tumunog ang doorbell. " Teka, sino kaya ang dumating? Hmmm" Tumayo si Mia at binuksan ang pinto. Hindi niya inaasahan na darating si Yasmin. " Yasmin?" " Mia!" " Bakit ka narito? Di ba nasa bahay ka ng gwapong lalaking iyon.. Pinaalis ka na ba? " " huh? Ah eh--" Nagpakita na rin si Arthur na nasa may likuran lamang ni Yasmin. Nagulat si Mia. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Arthur. "Teka.. Anong ibig sabihin nito?"usisa ni Mia. " Huh? Walang ibig sabihin nito!" sabi ni Yasmin. " Di ba ikaw iyong nasa bar? Tama! I'm Mia, kaibigan ni Yasmin!" she introduce herself and offer her a hand. But Arthur ignored it at pumasok na ito sa bahay. "Teka teka!" sabi ni Yasmin. Mia was so grateful at masaya na makita ang binata. " come in come in!" Panay tingin sa buong bahay si Arthur. Nakita niya ang kalat ng sala nito. Medyo burara si Mia at si Yasmin lamang ang may ganang maglinis and since wala si Yasmin ng ilang araw ay naging ganito ang bahay. " Pagpasensyahan mo na sir!" sabi ni Mia na medyo nahihiya. Nagmamadaling niligpit niya ang mga nakakalat na gamit. " Mia, anong nangyari sa bahay?" bulong ni Yasmin na hindi inaasahang ganon ka rumi. " edi, bahay pa rin!" Napatingin sa hagdan si Arthur at sa kwarto na nasa second floor. " Nasaan ang kwarto mo Yasmin?" tanong ni Arthur. Sumagot si Mia, " iyong pangalawa na may kulay violet na pintura sa gilid ng pinto." Sinita ni Yasmin si Mia, " Mia, bakit mo sinabi?" " Bawal ba?" " haist!" Umakyat sa second floor si Arthur. Pinigilan naman siya ni Yasmin, " Teka teka saan ka pupunta?" " Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog!" sagot ni Arthur. Nakita niya agad ang sinabi ni Mia na may violet. " Heto ba ang kwarto mo?" " teka, huwag kang papasok!" But hindi na napigilan ni Yasmin si Arthur napumasok sa kwarto niya. Medyo maliit man ang kwarto kumapara sa kwarto nito ay na-apreciate pa rin ni Arthur. Napakalinis ng kwarto. Dalawahan ang size ng kama ni Yasmin at may mga unan at cute na character pillows. " Inaantok na talaga ako," sabi ni Arthur. " No no no!!" sigaw ni Yasmin. Pilit na pinipigilan si Arthur na hihiga sa kama nito. Humiga si Arthur sa kama. " Mas malambot talaga ang kama ko nito!" pangaasar ni Arthur. " edi huwag kang humiga riyan!" naiinis na sagot ni Yasmin sa binata. Kinuha niya ang unan at pinukol kay Arthur para umalis ito pero hindi nagpatinag sa mga tama ng unan sa kanya bagkos agad hinawakan niya ang kamay ni Yasmin. Nabigla si Yasmin at napatigil. " Ang kamay mo! Bawal mo akong.." hindi natuloy ni Yasmin ang sasabihin ng magsalita si Arthur. " Bawal kitang hawakan? Di ba sabi mo dayoff mo.. So dayoff rin ang kasunduan natin!" " Ano?" He pulled the hand of Yasmin kaya napahiga siya sa may dibdib ng binata. Napangiti si Arthur habang pinagmamasdan ang dalaga. Hanggang nagpalit sila ng position. Nasa ibabaw na ni Yasmin si Arthur. Kinakabahan si Yasmin sa maaaring gawin ng binata. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Arthur na paparusahan siya ngayong gabi. Nagkatitigan ang dalawa. Halatang halata na kinakabahan si Yasmin sa mangyayari kaya bumangon si Arthur. " Dito na lang ako sa sahig. May extrang mga gamit ka ba?" tanong ni Arthur at humihikab na ito dahil sa antok.. " dito ka na sa kama!" mahinang sabi ni Yasmin. Napalingon si Arthur sa kanya. "Huh?" Taas noo si Yasmin sa pakikipag-usap, "Siguradong hindi ka sanay sa sahig na matulog sir!" Pumasok si Mia sa kwarto ni Yasmin, " Sa sahig ka ba matutulog sir?" Narinig yata ni Mia ang sinabi ni Yasmin. Napatingin sila kay Mia na masaya sa mga nangyayari. " Kung ganoon, pwede ka sa kwarto ko matulog. Welcome ka roon," mapang-akit na pagkakasabi ni Mia. Nabigla si Yasmin at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan. " I prepared it for you already!" sabi ni Mia at lumapit ito kay Arthur na nakaupo. " Hindi! Dito siya matutulog!" sabi ni Yasmin. " Di ba ayaw mo Yasmin?" nagtatakang tanong ni Mia. Tumayo si Yasmin at itinulak nya si Mia palabas ng kwarto niya. Nakangiti naman si Arthur habang pinapanood si Yasmin na pinapaalis si Mia. "Teka lang Yasmin!" sabi ni Mia. " Matulog ka na Mia. Good night!" ani ni Yasmin. Agad nilock ni Yasmin ang pinto. Pagkalingon ni Yasmin kay Arthur ay nakita niyang nakangiti ito. "Bakit ka nakangiti?" Tumayo si Arthur at lumapit kay Yasmin. " Aminin mo na gusto mo talaga akong makasama sa iisang kwarto." pagmamayabang ni Arthur. " Hindi ah!" " Really? Bakit hindi ka pumayag na sa kwarto ako ng kaibigan mo matulog!?" " Syempre bisita kita. Baka may gawin siya sa iyo o ikaw ang may gawin sa kanya!" "Hindi ka ba natatakot sa akin na may gawin ako sa iyo?" Napasandal na si Yasmin sa pader, sa may pinto. Napakalapit na nila sa isa't isa habang nag-uusap. " Natatakot rin...pero alam kong hindi mo iyon gagawin dahil kung talagang gusto mong saktan ako, eh matagal mo na sanang ginawa." " Huwag kang madaling magtiwala. Maaaring ipahamak mo ito!" " Gusto ko talagang tanungin ito sa iyo noon pa, bakit mo ako ipinainum ng pampatulog noon? Ano ang balak mo sa akin noong oras na iyon?" seryosong tanong ni Yasmin. " Mas lumapit pa si Arthur sa kanya at napasandal na ang kanyang kamay sa pader. " Maniniwala ka bang nahulog ako sa iyo?" Natawa nalang si Yasmin, " Nagbibiro ka ba?" " Oo, nagbibiro lang ako! Bakit ako magkakagusto sa iyo?" Iwas tingin agad si Arthur sa dalaga. Medyo hindi nagustuhan ni Yasmin ang sagot ng binata kaya pumunta siya sa may kama at kinuha ang mga unan. Inilatag niya ang mga unan sa gitna. Inilagay niya iyon sa gitna para maging linya at barrier. " Anong ginagawa mo?" tanong ni Arthur. " Dyan ka matutulog sa kabila. Bawal kang lalagpas dito! Don't go beyond this! Maliwanag?" "Okay!" he agreed at agad humiga ito. Nakatulog naman ang binata agad dahil na rin sa kapaguran. Humiga na rin si Yasmin. Humarap si Arthur sa dalaga habang natutulog. Habang natutulog si Arthur ay may sinabi siyang mga kataga, " I like you!" Napatingin tuloy si Yasmin sa binata na unan lang ang pagitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD