Chapter 30 (unedited)

4558 Words
(Author's note: Unedited means originally kung ano ang pagkasulat ko sa watty ay ito iyon. Di ko inedit para mpost agad. So pagpasensyahan n ninyo kung may mga makikita kaung mga grammatical errors and flaws. thank u sa pagbabasa) Nagising na si Yasmin. Nakahiga siya sa kama ng hospital. Naroon si Harrold at binabantayan siya. " Nasaan ako?" nilibot ni Yasmin ang kanyang mata sa buong kwarto. Nakita niya si Harrold na nasa tabi ng kama. " Mabuti naman at gising ka na!" masayang makita ang kaibigan. Pagkakita ni Yasmin sa kaibigan ay naiyak ito. " Harrold!" sising sisi si Yasmin sa padalos-dalos na ginawa. Umiiyak siya ng umiyak. Napapaiyak na rin si Harrold pero pinipigilan niya ito. Pinupunasan niya agad ng kamay niya kapag malapit ng tumulo ang kanyang luha. " Ano ba Yasmin!" " Sorry... Sorry at hindi ako nakinig! Hindi sana ito nangyari kung nakinig ako sa iyo!" " Tanga kasi! Nagpapatanga ka kasi dahil kay Xian! Ipapahamak mo lang ang sarili mo!" sermon ng kaibigan. " Gusto ko lang makita si Xian at kausapin siya kung bakit niya ito ginagawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya puntahan," paliwanag ni Yasmin. Harrol's pov Siguro ganito kapag nagmamahal... Wala ka nang pakialam kahit masaktan ka o delikado ang pupuntahan, makita lang siya. Patuloy na nagpapakatanga kahit alam na mali na. Nagiging tanga pagdating sa pag-ibig. Kahit ilang beses na pinagsabihan ay patuloy pa rin na hindi nakikinig. Alam nang mapapahamak, sugod pa rin. Bakit ganoon? Nagmahal lang si Yasmin pero nasasaktan siya. Matalino siya pagdating sa academics pero ang tanga pagdating sa pag-ibig. Pilit nila pinaglalaban ang kanilang pagmamahalan pero marami ang hadlang. " Magalit ka na sa akin Harrold!" sabi ni Yasmin. " Oo, galit ako sa iyo!" sigaw na sagot ni Harrold. Nagulat si Yasmin sa sagot ni Harrold at napatingin siya sa kaibigan. " Galit ako! Galit na galit ako sa iyo! Naiinis ako sa iyo at sa sarili ko!" Napaiyak ulit si Yasmin. " Sorry! sorry Harrold! Magalit ka na! Huwag mo na akong kaibiganin!" "Sinasabihan kita ng ganito dahil kaibigan mo ako at concern ako sa iyo." Walang tigil sa pag-iiyak ni Yasmin. " Ang tanga ko!" sabi ni Yasmin. " Bakit nagpapakatanga ka?" " Oo, tanga na ako!" " Alam mong maraming banta sa buhay mo, hindi ka pa natuto!" " Gusto ko lang talaga makita si Xian!" sabi ni Yasmin. Pumasok si David sa kwarto at nagsalita, " Walang Xian roon!" Napalingon ang dalawa. " David?" reaction ni Yasmin. " Anong ginagawa mo rito?" Bakas sa mukha ni David na napasugod siya at nakipag-away. May mga band-aid ang mukha nito. Inalala ni Yasmin ang nangyari sa lugar na iyon at naalala niyang may lalaking dumating upang tulungan siya. " Sino siya Yasmin?" tanong ni Harrold. Kumikinang ang mga mata ni Harrold habang nakatingin sa binatang kaharap. " ikaw iyon David at hindi si Xian?" curious na tanong ni Yasmin. " Ako nga ang dumating at iniligtas ka!" " paanong?" Yumuko si David at nagpatuloy sa pagsasalita, " Huwag kang mabibigla." " Ano iyon?" " May nag-utos sa dalawang lalaking iyon na gawin iyon sa iyo. Inabangan ka na nila at ang lahat ng iyon ay pinaghandaan." Nagulat ang dalawa sa nalaman. " What?" " Ano?" " Sino naman ang mag-uutos ng ganon?" tanong ni Yasmin. " huwag mong sabihin.." wika ni Harrold. " Si Marga!" sagot ni David. " Huh?" Hindi makapaniwala ni Yasmin at napatakip bibig nalang ito. Galit naman ang reaction ni Harrold sa napatunayang kagagawan ito ni Marga. " s**t! Hayop talagang Margang iyon!! Tama talaga ako!!" Na-curious si Yasmin kung bakit alam ni David ang mangyayari at kung bakit siya naroon. " Anong ibig sabihin nito? Bakit alam mo? May kinalaman ka rin ba? Di ba kaibigan mo si Marga!!" galit na tanong ni Yasmin. " Narinig ko na may kausap si Marga sa cellphone at pag-utos niya sa dalawa," paliwanag ni David. Flashback--- Makikipagkita sana si David kay Marga ng hindi sinasadyang narinig niya ang mga sinabi ni Marga sa cellphone. May kausap ito at mukhang may masamang balak. " Pagkadating ni Yasmin, gawin na ninyo ang inuutos ko. Siguradong darating siya ryan sa Nagan!" " Nagan!?" gulat na reaction ni David na nasa may likuran ng pinto malapit kay Marga at nagtatago. " Anong gagawin ni Yasmin sa Nagan?" kinakabahang tanong sa sarili ni David. Napatingin ulit si David kay Marga. Bakas sa mukha ni Marga ang kasiyahan habang umiinom gamit ang isang wine glass. " May masamang balak ulit siya!" Naalala ni David ang nakaraan kung saan ipinagkasundo siya sa dalaga at inutusang rin na kunin ang virginity nito. " haist!" ------end of flashback.. " Bakit mo alam?" " Narinig ko si Marga!" " Tama talaga ako!!" sabi ni Harrold. " Bruha talaga ang babaeng iyon!" Seryosong lumapit pa si David, " Sorry Yasmin!" Napatingin ulit sila sa binata na nakatayo malapit kay Harrold. " Bakit ka nag-sosorry?" Lumuhod bigla si David. Nagulat sila. " Sorry dahil naging kasabwat ako ni Marga noon! Hindi maalis sa isip ko na minsan ay ipinagtangkaan ko ang p********e mo!!" " huh?" " What do you mean!?" Tumingin si David kay Yasmin. " Naaalala mo ba noong ipinagkasundo tayo ni Marga. Lahat ay plano ni Marga. Lahat ay gagawin niya para lang mawala ka at hindi ka na sasagabal sa kanila ni Xian." " Ano!?" " Ginawa niya iyon lahat para mapasakanya si Xian! Alam niya na may gusto si Xian sa iyo at mas higit ang pagmamahal niya sa iyo. Natatakot siya na maagaw mo si Xian. Alam ko na ang pinaggagawa ni Marga kahit noon pa noong mga bata pa kayo." " Hindi kita maintindihan." She has a teary eyes that moment. Tutulo na naman ang kanyang luha. Sumisikip ang dibidib nito habang nakikinig kay David. " Naikwento na ni Marga noon sa akin ang tungkol kay Xian. Kung paano niya ginawa ang lahat para mapansin siya ni Xian at tuluyan na maging boyfriend." " Bakit mo ito sinasabi sa akin?" " Gusto kong malaman mo ang lahat ng pinaggagawa ni Marga." " Ano pa ang mga inutos niya!!?" tumataas ang tono ng boses ni Yasmin. " Noon, inutusan niya ako na kunin ang p********e mo!!" Nanlaki ang kanilang mga mata. Talagang nagulat si Yasmin sa narinig. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Marga. Itinuring pa naman niya na kaibigan o bestfriend si Marga. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha. " Sorry! Sorry! Sorry kung noon ay tinangka kong kunin ang virginity mo. Hindi dahil magboyfriend tayo noon kundi inutusan ako na gawin iyon!!" " Ang sama mo!" umiiyak na reaction ni Yasmin. " Umalis ka na!" utos ni Harrold. " Alis na kampon ni Marga!!" galit na sabi nito. Tumayo si David at sinabing," umiwas ka kay Marga kung maaari!!" Ipinagtulakan ni Harrold si David palabas ng kwarto. " Alis na!!" " Lumayo ka sa kanya! Wala siyang pinipili kahit kaibigan niya!!" Pinaalis na ni Harrold si David at sinarhan ng pinto. Umiiyak ng malakas si Yasmin sa kama. Naaawa si Harrold habang pinagmamasdan ang kaibigan. Araw ng Sabado, binuksan na ni Fara ang laman ng kahon. Napakagandang dress ang nasa loob nito. " Bakit ako binigyan ni Kuya ng ganito? Anong okasyon?" Binuksan niya ang sobre na may lamang isang... " Wedding Invitation?" Binasa ni Fara ang mga nakasulat at nabigla siya sa kanyang nalaman. " Ano?" ---------- Nakauwi na si Yasmin sa condo ni Harrold. Still, nanatili siya roon pansamantala. Mahina man ang dalaga pero pilit niyang bumangon at humanda ng almusal. " Handa na rito Harrold. Tara kain na tayo!" yaya ni Yasmin na nasa dining table. Inihanda niya sa mesa ang kanilang almusal. " okay, naryan na!" sagot ni Harrold na nasa sala. May natanggap na mensahe siya sa kanyang kaibigan na isang designer at event coordinator ng isang kasal. Text message: " di ba client mo si Marga? Siya Iyong hindi natuloy na kasal bago lang di ba? Matutuloy na pala?? Sinagot ni Harrold sa text: " Anong ibig mong sabihin?" Reply: " May nagsabi sa akin, tuloy na ang kasal at siya ang gumawa sa wedding dress non! Di ba ikaw ang designer ng wedding dress niya!" Harrold's text: " Huh? Hindi ko alam iyan!!" Reply: " Send ko pic ng event at invitation. Heto!" ((Picture sent! )) Nagulat si Harrold sa kanyang nakita, "OMG!" Lumapit si Yasmin para yayain na ang kaibigan, " Ano va Harrold, ang tagal mong lumapit. Lalamig na ang pagkain!" pasweet na sabi ni Yasmin. Bakas sa mukha ni Harrold ang pagkagulat. Napansin ito ni Yasmin kaya na-curious siya sa nakita ni Harrold sa cellphone. " Hmm.. Ano na naman va iyan! Patingin nga!" pabirong sabi nito at biglang hinablot ni Yasmin ang cellphone. " Teka!" reaction ni Harrold. Tiningnan ni Yasmin ang picture na nasa cellphone at.. At nagulat siya, " Xian?" Nagmadaling pumunta si Yasmin kasama si Harrold sa sinabing simbahan. Sa simbahan ay naroon si Xian na naka-tuxedo. Nasa altar ito at may kasamang babaeng nakaputi. Kunti lang ang mga tao na dumalo at naroon si Fara. Bakas sa mukha ni Fara ang lungkot. " Kuya..sana may dahilan ka kung bakit mo ito tinuloy at sana hindi ka magsisi sa ginawa mo.." pabulong na sabi ni Fara. Katabi niya ang lolo nito na wala mang ka-reaction at nanood lamang. Nakaharap sa isa't isa sina Xian at Marga para magpalitan na ng singsing. Hawak ni Xian nag singsing na isusuot sa kamay ni Marga. Excited si Marga habang nakatitig kay Xian na napakaseryoso ng mukha. He was holding the hand of Marga at tinitigan ang singsing. May pumasok sa isip ni Xian, Flashback---- Nasa hospital siya abroad at nagmamakaawa na makita si doctor Therese. Pero kahit anong gawin niya ay hindi siya pinapansin roon at mga nurses. " Please! I beg you! I need to talk to her. My aunt needs her." " She had plenty of appointments already. You can set an appointment next month!" " But my aunt needs her as soon as possible.." " You can just look for another doctor if you like!!" Nawawalan siya ng pag-asa na magagamot pa si tita Zita. Bumalik siya sa kanila na walang dalang magandang balita. The doctor said, " Kailangan na siyang operahan bukas. Lumalala ang kondisypn niya!" Napasandal siya sa may dingding at umiiyak. " Anong gagawin ko?" The doctor tap his shoulder," gagawin namin ang aming makakaya. Ipagdasal mo nalang na magiging successful ang operation." " Bakit ito nangyayari sa akin? Sa amin? Kailangan rin ako ni Yasmin sa mga oras na to at kailangan rin ako ni tita Zita." Hindi inaasahan ni Xian na darating si Marga at may sinabing offer. " Matutulungan kita Xian.." Napatingin si Xian sa dalaga pero seryoso ang expression ng mukha nito. " Hindi ko kailangan ang tulong mo!" nagmamatigas na sabi ni Xian. " Kailangan ni Tita na operahan hindi ba! Nabalitaan ko ang nangyari sa kanya kaya pinuntahan kita rito." " Umalis ka na!" " Matutulungan kita.." " Umalis ka na!" pasigaw na sabi ni Xian. " Hindi ako hihingi ng tulong sa iyo!" Nakangiwing ngumiti si Marga, " Hindi mo pa rin tatanggapin ang alok ko kahit nasa panganib na ang buhay ng tita mo na nagsilbing ina mo." " Alis na!" mahinahong sabi nito. " Wala kang nagawa sa pagkamatay ng ina mo tapos ngayon wala ka paring gagawin para sa tita mo!!" " Gagawa ako ng paraan pero hindi ako tatanggap na mula sa iyo!" " Talaga!? Eh kung sabihin ko sa iyo na kilala ng pamilya namin si Doctor Therese. Maaari kitang tulungan kung gusto mo." Napatingin ai Xian kay Marga. Gusto niyang magalit kay Marga at sigawan pero umiba ang ihip ng panahon. Nagmamatigas pa rin si Xian. "Gusto mo ba talagang mamatay si Tita?" Nagagalit si Xian sa sarili kaya sinusuntok suntok niya ang dingding. Lumapit pa si Marga sa kanya at hinaplos ang braso ng binata. " Parang ina ko na si Tita. Kaya gusto kong tumulong.." pa-sweet nitong sabi. " Ano bang gusto mo Marga? Wala sa tipo mong tumulong na walang kapalit!!" seryosong sinabi nito. " Gusto ko lang ipagpatuloy ang dapat na kasal natin. Magiging parte na rin si Tita sa buhay ko kaya ginagawa ko ito.," paliwanag ni Marga na mahinahon. " Hindi!!" Nagulat si Marga sa sagot ni Xian. Napikon na rin si Marga, " Bakit ang tigas tigas mo? Dahil ba sa pride? o dahil kay Yasmin!?" Hinarap ni Xian si Marga, " Tama! Dahil kay Yasmin! Mahal ko si Yasmin higit pa sa pagmamahal ko sa iyo!" Natahimik si Marga at naiyak. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha pero nagpakatatag siya. Mas naiinggit si Marga kay Yasmin at mas lalong gusto niyang makuha si Xian. " Ganoon? Pinipili mo pa ang babaeng iyon kesa sa buhay ng kadugo mo.. kay tita!?" " Gagawa ako ng paraan at hinding hindi ako hihingi sa iyo!!" " Sige,magmatigas ka!" Umalis na si Marga at naiwan roon si Xian. Kinabukasan, ang araw ng operasyon ni Tita Zita. Hindi naging maganda ang processo even they tried their best. Kailangan nila ng experto sa ganoong operasyon. Nanatili sa labas ng operating room si Xian at naghihintay sa resulta. Kinakabahan ang binata at panay dasal na lamang siya. Lumabas ang isang doctor at bakas sa mukha ang lungkot. Tumayo si Xian at nagtanong sa doctor, " Kumusta po?" " Hindi pa tapos ang operation.. Mas lumiliit ang chance na mabubuhay siya sa ganitong paraan. So ihanda mo nalang ang iyong sarili." Sa pagkarinig ni Xian sa sinabi ng doctor ay nanghina ito. Napaupo na lang siya sa sahig at natulala. " Hindi.." " Doctor! doctor!!" sigaw noong isang nurse na patungo sa kanila. " Bakit?" " Doctor, narito na po si Doctor Therese!!" Nakangiti ang doctor ng marinig niya ito at nakitang paparating na si Doctor Therese kasama ang tatlo nitong assistant. Napatingin si Xian sa paparating na mga doctor. " Magaling! Ihanda ang mga kakailanganin nilang mga gamit!" utos ng doctor sa nurse. " yes doc!" Kinausap ng doctor si Xian na nakaupo sa sahig, " gagaling na ang iyong tita,hijo!" masayang ibinalita niya. Pumasok na rin sina Doctor Therese at mga kasama nito. " paanong.." hindi makapaniwala si Xian na dumating siya. Pumasok na rin ang doctor sa operating room. At the end, naging successful ang operation. " Be thankful kay Ms. Marga. Hindi dahil sa kanya, wala sana kami rito. I have a lot of appointments but I need to resched it for her." paliwanag ni Doctor Therese. Hindi alam ni Xian ang magiging reaction niya. Sinabihan na niya si Marga na hindi niya kailangan ng tulong mula sa kanya. Kinausap siya ng kanyang doctor, " Maswerte ka at dumating si Doctor Therese. Mapapanatag ka na." Pinagmasdan niya ang kanyang tita na nasa kama at mahimbing na natutulog. " tita.. Sorry..sorry kung muntik ka nang mamatay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa iyo!" Pumasok bigla si Marga na hindi man lang kumatok. " Ano na!?" taas kilay na tanong ni Marga. " Di ba ang sabi ko, hindi ako tatanggap ng tulong mula sa iyo!!" seryosong sabi ni Xian. " Haist.. Ang tigas mo pa rin. Malapit ng mamatay ang tita mo, si Yasmin pa rin ang nasa isip mo!" " Babayaran kita kung gusto mo talaga ng kapalit sa ginawa mo! Magkano?" tanong ni Xian. " Ayoko ng pera, gusto ko pakasalan mo ako!!" demand ni Marga. " Ituloy natin ang kasal!! Mahirap ba iyon!?" "Mahirap kapag hindi mo na mahal ang isang tao!" paliwanag ni Xian. " Eh, isipin mo nalang na kabayaran mo lang iyon. Kahit walang pagmamahal, I'm fine with that!" " Bakit mo ba gustong magpakasal sa akin?" Lumapit si Marga kay Xian, " Gusto kita kahit hindi mo ako gusto! Mahal kita kahit iba ang mahal mo! Kaya hahamakin ko ang lahat, mapasaakin ka lang!!" She touched his cheeks and his lips with her hand. Seryoso namang nakatingin ang binata. " Magpakasal ka sa akin at hindi ko na guguluhin si Yasmin. Para ito sa tita mo at kay Yasmin. Iyon ang magiging kabayaran." --------end of flashback--- " I give you this ring to wear..as a symbol of..." hindi mapatuloy ni Xian. Bumulong si Marga, " Dalian mo na! Ipasuot mo na sa akin.." Xian's pov Hindi kita mahal Marga. Lahat ng ito ay para sa mga minamahal ko. Kailangan kong magsakripisyo para kay Tita at kay Yasmin. Alam kong hindi mo ako mapapatawad Yasmin. Hindi ko tinupad ang mga pangako ko. Tandaan mo, mahal na mahal kita kahit ipakasal ako kay Marga. Para sa kaligtasan mo at sa lahat ng may konektado kay Marga, gagawin ko ito. Masakit man pero kailangan. Mahal na mahal kita. Ipinasuot ni Xian ang singsing kay Marga kahit hindi pa ito tapos magsalita. " I give you this ring to wear.." nagsimula ng magsalita ang bride. Dumating na si Yasmin at Harrold sa simbahan. Nasa may gilid na pinto sila nakatayo. " Si Xian ba iyan?" tanong ni Harriold. Nakita nila na nasa altar ang dalawa. Nagpatuloy si Marga sa pagsasalita, " As sa symbol of my love..my en ternal faith, and my undying devotion..Xian I Love you!!" Napatakip bibig si Yasmin at napaiyak ito. " Bakit Xian.. Bakit?" umiiyak na sabi ni Yasmin. Nasasaktan si Yasmin habang nanonood sa seremonya. Harrold comforted her. " I pronounce you husband and wife! May you kiss the bride!!" At sigawan ng lahat ng dumalo. Napaiyak ng husto ni Yasmin at tumakbo ito paalis sa simbahan. " Yasmin!!" sigaw ni Harrold na humabol sa dalaga. Napalingon si Xian na para bang may naramdaman na kakaiba. Habang busy sa picture taking ay hindi niya maiwasang patingin tingin sa paligid. " Xian, ngumiti ka naman!" Yasmin's pov " Ang sama mo Xian! Akala ko mahal mo ako! Bakit ka nagpakasal kay Marga? Bakit? Anong kasalanan ko? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Dahil ba nawala na ang ating baby at iiwan mo nalang ako!!??" Tumakbo papalayo si Yasmin at napunta siya sa isang park. Sinundan naman siya ni Harrold. Walang tigil ang pag-iyak niya. Napaluhod si Yasmin habang umiiyak. " Ang sama mo Xian!! Ang sama mo!! Bakit mo ako sinasaktan ng ganito!!??" Nasa may likuran niya si Harrold at pinanood ang kaibigan na nagdadalamhati. "Hindi mo tinupad ang pangako mo! Ang sama mo! Sa huli pala'y iiwan mo lang ako!!" Lumapit si Harrold at nagsabing," baka may dahilan siya.. Kailangan siguro ninyong mag-usap!" " Para saan pa? Kahit ano pa ang dahilan niya, nagpakasal pa rin siya. Eh, sana sinabi niya nang maaga na ganito pala ang mangyayari para hindi na ako aasa pa. . Bakit hindi siya nagpakita? Bakit siya nagtago? Bakit hindi niya sinabi? Pinilit kong maging matatag at hinintay siya,pero hindi man lang siya nagpakita. Hindi ko na naisip na maaaring mapahamak ako para lang makita siya, tapos malalaman kong magpapakasal na siya. Ano ba ang silbi ng pagsasakripisyo ko? Pinagkatuwaan na ako ng mga manyakis na iyon para lang makita siya. Alalang - alala ako sa kanya pero ni minsan wala man lang siyang paramdam at nagtanong kung okay pa ba ako. " Yasmin.." nalungkot rin si Harrold. Tumayo si Yasmin at pinunasan niya ang kanyang mga mata. " Yasmin?" " Gusto kong mapag-isa...huwag mo muna akong sundan!" sabi ni Yasmin na napakaseryoso. " huh? Pero.." Kinakabahan si Harrold sa sinasabi ni Yasmin. " Anong gagawin mo?" " Magmumuni -muni, mag-iisip at pakakawalan ang sakit na aking nararamdaman.." paliwanag ni Yasmin. " kinakabahan ako sa sinasabi mo.." Nakangiting humarap si Yasmin kay Harrold. " Huwag kang mag-alala... wala akong gagawing masama. Kailangan ko lang talagang mapag - isa ngayon." " Sige pero tumawag ka kung may hindi maganda." " Salamat Harrold... Napakabuti mong kaibigan." ---------- At the reception area..so perfect ang place at kaakit akit. Masayang ipinagdiriwang nila ang kasal ni Marga at Xian. Kakaunti lamang ang mga bisita at most of it ay mga kakilala ni Marga. Naroon ang mga ka-workmate ni Marga, si Ben at iba pa except kay Arthur na nasa ibang bansa. Si Fara at lolo lamang ang kapamilya ni Xian. Bakas sa mukha ni Xian ang lungkot at napapansin ito ng mga bisita. " Tingnan mo ang groom, para bang namatayan. Hindi man lang ngumingiti.. Ang gwapo pa naman!" sabi noong isang bisita. " tama.. Bakit ang lungkot ng mukha niya?" Naroon si Odette at isa siya sa mga bisita. Nakangiti itong nakatingin sa newly wed couple. " Masaya ka na ba Marga at nasa iyo na si Xian? Huwag kang mag-alala dahil ngayon lang ang kasiyahang ito." bulong ni Odette sa sarili. Emcee: " let us now witness their wonderful story of the couple.. Paki play please!" Nagpalakpakan ang lahat habang nakatingin sa malaking dlp screen sa may gilid sa harapan. Nakatingin rin si Marga at excited na makita ang mga pictures nila sa prenup. Talagang naiingit ang karamihan kay Marga. What a perfect wedding but hindi nila alam what behind everything. The screen was black.. " Anong nangyayari?" " naka play na po.." Hinintay nila kung ano ang lalabas. Excited sila dahil baka may pasabog. They waited almost 2 minutes hanggang may narinig na silang mga boses. From the video: "uhhh--- uhhhh---" " What's that noise?" Takang taka ang karamihan. Napatingin sa isa't isa ang mga panauhin. " it seems that.." " may milagrong nagyayari?" Napatingin si Marga at Xian sa screen na nasa malapit lang nila. " video.. Harder please.." isang boses ng babae. " boses ni Marga?" Napatayo si Marga at mukhang kinakabahan. Ang tagapamahala sa video ay nataranta at kinabahan kung ano ang nasa video.. Madilim pero may ingay. " Itigil na iyan!" sigaw ni Marga. Hindi sinasadya ng tagapamahala ng video na mafast forward ito at dahil narin sa nataranta ito. Pinakita ang isang milagro na ginagawa ng dalawang tao sa kama... Nagtatalik sila roon. Nasa ibabaw nang babae ang isang lalaki. " Faster.. Faster!! Uhhh--" ungol ng babae na kaboses ni Marga. Nakita nila ang mukha ng lalaki. " Ben?" Napatingin sila kay Ben. " Stop it!" sigaw ni Marga. Tumayo na rin si Xian at pumunta sa may harapan ng screen. Pinigilan ni Marga si Xian na mapanood ito. " Don't watch Xian!" utos ni Marga. Pilit niyang hinihila si Xian pero tinatanggal niya ang kamay ni Marga na nakahawak sa kanya. " Stop it!" " Don't stop it!!" sigaw rin ni Xian. Bumungad ang dalawang mukha sa screen. Nagulat ang lahat. " omg!" Iba iba ang reaction ng mga bisita. Nanlaki rin ang mga mata ni Xian ng mapanood niya ang milagrong ginagawa ni Marga. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nagagalit siya kay Marga at sa sarili niya. " I will explain!" sabi ni Marga kay Xian. " When was that?" tanong ni Xian na napakaseryoso. " I don't have an affair with Ben!" explain by Marga. " I love you and not him. That is just a mistake!" " What do you mean? Mistake? Baliw ka ba?" " Pinilit niya ako!" Natawa nalang si Xian. " Huwag ka nang magsinungaling, halatang gusto mo naman ang ginagawa ninyo!!" Naiinis si Marga sa sinabi ni Xian at sinabing, " May ginawa naman kayo ni Yasmin na milagro di ba!? Nagbunga nga!! We re just fair!!" Mataray na sabi nito. Hinarap ni Xian si Marga. He said, " Tama, we did it! Nagpakatotoo lang kami sa aming nararamdaman. At ngayon, magpapakatooo na rin ako.. I can't stay with you! Hindi ko kayang ikaw ang makakasama ko!!" " What do you mean?" Nanoood lamang ang mga bisita nila sa kanilang pag-uusap. Naaawa sila sa sitwasyon ni Marga. " Itigil na natin ang kabaliwang ito!" sabi ni Xian. " omg!!" reaction ng mga bisita. " No! Do not leave me!!" pagmamakaawa ni Marga. She holds Xian's arm. " Kahit na may utang na loob ako sa iyo, hindi ko ipagpapalit si Yasmin sa iyo!! I rather die than to be with you!" Umalis si Xian sa reception area at naiwan si Marga. Sumigaw si Marga," Xian,bumalik ka!! Do not leave me!!" Napaupo sa sahig si Marga at umiiyak. Nakatingin sa kanya ang mga bisita nito. " kuya.." naaawang sabi ni Fara. " Nasa huli ang pagsisisi..." bulong ng lolo ni Xian. " buti nga Marga," bulong ni Odette at umalis na siya sa lugar. Nahihiya naman si Ben at dahan dahan itong umalis sa lugar. Marga was mad. Galit na galit siya na umiiyak. " Xian!!" Nasa sa isang sulok ng bar si David at umiinom ng mag-isa. Malalim ang iniisip nito. Tahimik lamang siya at napakalayo ng tingin. Pagkalipas ng limang minuto ay nakita niyang dumating si Yasmin na mag-isa. Umupo si Yasmin sa may harapan malapit sa bartender.. " One tequila please!" order ni Yasmin. Pinagmasdan ni David si Yasmin sa kinauupuan niya. Bakas sa mukha ang kalungkutan ng dalaga. -------- Sumakay si Xian sa kanyang sasakyan. Pinaandar niya ito at matuling nagpaandar. He tried to contact Yasmin but out of coverage ito. " Yasmin, I need to see you! I need to talk to you!" sabi ni Xian habang nagmamaneho. " Sana mapatawad mo ako!" Flashback--- Nakita ni Fara si Yasmin sa simbahan kaya sinabihan niya si Xian bago umalis ang sasakyan nito, " Kuya, nakita ko si Ate Yasmin sa simbahan.. Alam niya na ikinasal ka!" Hindi maalis sa isip ni Xian ang sinabi ni Fara na nakita niya si Yasmin. Alam ni Xian na nasasaktan ngayon si Yasmin. Mas matindi ang hirap na pinagdadaanan nito. But mapaglaro ang tadhana.. ----- Nilapitan ni David si Yasmin sa kanyang upuan. " Anong nangyari at narito ka sa lugar na ganito?" tanong ni David at umupo ito sa tabi ng dalaga. " Masama bang pumunta rito?" mataray na tanong ni Yasmin. Patuloy ito sa pa-inom. " Hindi naman but curious ako kung ano ang nangyari.. Malungkot ka kasi.." " Kelan ka pa ba concern sa akin eh kampon ka naman ni Marga!" " Let's not talk about Marga," sabi ni David. " Si Marga naman ang lahat at bida. Siya naman ang magaling! Siya at wala ng iba. Laruan niya lang tayo." " Lasing ka na siguro.." " I am not! Naaalala ko lahat ang mga sinabi mo na kagagawan ni Marga ang lahat. Kulang nalang sabihin na siya rin ang nagpalaglag sa baby ko." Natahimik si David at nakinig nalang kay Yasmin. " Ano bang ginawa ko kay Marga at bakit niya ako ginaganito? Nasa kanya na ang lahat.. naiinggit nga ako noon dahil napakaganda niya. At ako naman ay hamak na pangit. Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Bakit ganoon siya? Bakit?" Habang sinasabi ni Yasmin ang mga bagay-bagay ay napapaluha siya. " Masama bang maging mabait sa kaibigan? Masama ba akong kaibigan? Dahil ba nagmahal ako sa taong mahal niya ay gaganituhin nalang niya ako. Wala bang halaga sa kanya ang pagkakaibigan namin noon!?" Tuluyan ng umiyak si Yasmin. David comforted Yasmin. Niyakap niya ang dalaga. "Ngayon, wala na si Xian. Wala na ang baby ko at wala na ang kaibigan ko!! Am I deserve this?" Hindi maiwasang hindi maawa ni David kay Yasmin. ------- Habang nagmamaneho si Xian ay biglang... Nahulog ang picture frame nila Xian at Yasmin na nasa condominium ni Yasmin. Nabasag ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD