Tahimik lang ako habang nagsasalita ang mommy ni Rida. Napaka elegante nito at kamukhang-kamukha ng babaeng mahal ko. Tatlong araw lang kami dito nag solo ni Rida. Nagulat na lang kami, nagdatingan na ang grupo ng mga doktor na pinadala ng mommy nito. “Sigurado ka ba na kaya mo ang buhay dito?” Pangatlong tanong na ito ni Doctor Kassadora sa akin. Ang ina ni Rida. “Opo. Sigurado ako.” Pangatlong sagot ko na din. Nakatitig lang ako sa malaking gate at kulay puti na mayroong tatlong palapag na bahay. Dito daw gagamutin si Rida. Nasa loob na kasi ang babae at once a month lang ito pinapayagan ng kanyang mga doktor na lumabas o makipagkita sa akin. Bahagi daw talaga yun ng gamutan. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Napakaikling oras lang lagi ang para sa amin. Mas mahaba pa ang

