“Yaya!!!!!.” Malakas na sigaw ko! Hinihingal ako na nakaupo sa aking kama. Nanginginig ang mga kamay ko at pilot na inaabot ang bottled water na nasa ibabaw ng aking side table. Napalingon ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng aking silid. Alas-singko na ng umaga. Tumayo na ako at hinubad ang aking damit na basang-basa ng pawis. Hearing kahapon sa kaso ni yaya, wala akong nagawa kundi tumistigo ng kasinungalingan. Kailangan ko patigasin ang aking katawan at pananalita para convincing. Kaya siguro nakokonsensya na naman ako ngayon. Dinalaw na naman ako ni yaya. Tumayo ako at ipinatong ang aking dalawang palad sa semento na hamba ng terrace nitong aking silid. Pinagmasdan ko ang paligid, napahaplos ako ng aking mukha. Panibagong araw ng pagpapanggap na naman kasi ito sa ak

