CHAPTER: 3

1105 Words
Mabagal ako na humakbang papasok sa loob ng kotse. Tahimik lang ang driver namin at halata sa mata nito ang awa para sa akin. Lahat na lang ng tao na nakapaligid sa akin, kaawaan ako. Bakit? Dahil ba hindi normal ang pamilya na meron ako? Sarili ko nga naaawa ako ‘e. Sa totoo lang, ang pinakapangit na pakiramdam sa mundo, ang kaawaan. Ang pares ng mga mata na naluluha habang sinusuri ang kaluluwa mo, ang pinakapangit na tingin at ayaw ko. “Wag mo ako titigan ng ganyan, Manong. Baka tusukin ko ng ballpen ang mga mata mo.” Nagdadabog ako na umupo at ipinikit ko ang aking mga mata. Napuyat na naman ako sa halinghing ni mommy na nakikipag-iyot*n sa dalawang lalaki. Sa kusina pa nagkalat, minsan naiisip ko. Baboy yata ang magulang na meron ako, nakakasuka at nakakahiya sila. Sa kabila ng mga respetado na pangalan nila sa mundo ng medisina. Mga alipin ng laman naman sa tunay na buhay. “Salamat, Manong.” Sabay baba ko sa school. Nagkakagulo ang mga estudyante, kumpulan bawat grupo at mga mukhang kinikilig. “Nakita ba ninyo ang transferee? Ang gwapo, balita ko MVP daw yan sa dating school nila, grabe hinanap ko ang name niya sa sss legit ang pa abs.” Naiiling na lang ako sa mga schoolmates ko na desperada. Gaano ba ka gwapo ang lalaki na sinasabi nila?. “Ouch!” Sigaw ko ng may tumama sa balikat ko. Napakunot ang aking noo dahil nalaglag ang dalawang libro na hawak ko. Pinulpt ko pa ito at sabay oa kami na dinampot ang isa. Napatitig ako sa kamay na maugat at pataas ang aking tingin sa kung sino ang bumangga sa akin. “Ang arte mo naman! Feeling maganda! Tadyakan kita diyan ‘e.” Sabi ng isang lalaki na kilalang bully dito sa school. Nginisian ko ‘to at nilapitan. “Siguraduhin mo na hindi ka magkakasakit, dahil kapag sa hospital ka namin dinala. Tuturukan kaagad kita ng lason.” Nakangisi na pang-aasar ko sa lalaki na si Drei. Lumapit ang lalaki sa akin at mukhang papatulan ako ng pumagitna ang lalaki kanina na nakabangga sa akin. “Tara na ‘tol. Pasensya ka na Miss, hindi kasi ako nakatingin kanina. Tara na ‘tol, masama ang pumatol sa babae. Ang ganda pa naman ni Miss sungit.” Sabi ng lalaki sabay kindat sa akin. Sa unang pagkakataon, bumilis ang t***k ng aking puso. Pakiramdam ko, may mga paru-paru na naglalaro sa aking tiyan. “Taena! Feel na feel naman ng pangit! Hahahah!.” Sigaw pa ni Drei na nagpabalik sa akin sa katinuan. Hinawakan na ng lalaki ang braso ng bully na ‘yon at kumindat pa sa akin ang lalaki kaya't pakiramdam ko, umaapoy na ang aking mukha. “Taray! Kami nag-iisip kanina pa paano magpapansin kay Axel Villaflores, ikaw walang effort naka one point kaagad.” Maldita na sabi ni Christine sa akin. Presedent ng student council, akala mo anghel kapag mga professor ang kaharap. Pero kapag mga kaibigan niya ang kasama, sanga-sanga ang sungay. “Mag tumbling ka para mapansin ka o kaya magpagulong-gulong ka. Parang aso lang, ganun. Total mukha ka namang aso.” Sabay ismid ko dito. Alam ko na weird ang itsura ko, pero sure ako na mas maganda ako sa kanya. Sadyang ayaw ko lang maging kasing ganda ni mommy. Dahil baka isang araw, maging katulad na rin ako niya, nakakasuka! “Ang maldita mo, ang pangit mo naman.” Hirit pa ni Christine na nakataas ng kanyang kilay na nakadrawing lang. “Gusto mo hilamusan kita? Para mahimasmasan ka?! Magpasalamat ka na lang sa makeup. Nagkaroon ng remedyo ang pangit mo na mukha.” Sabay talikod ko sa grupo ng babae. Mga plastikan lang naman sila. Pagdating sa lalaki, mga nagtatablahan. Mas gugustuhin ko na ang mag-isa, keysa magsayang ng oras kasama ang mga pekeng kaibigan. Pagdating ko sa loob ng room, tahimik ang lahat. Naupo ako sa aking pwesto at ni unlocked ang aking cellphone. Nagpatugtog ako ng pabirito ko na kanta habang wala pa ang aming guro. “Ang ganda pala ng boses mo.” Nagulat ako at hindi makagalaw. Parang nagtaasan ang mga balahibo sa aking batok. Buo at malalim ang boses ng lalaki na natandaan ata ng utak ko. Kung hindi ako nagkakamali, Axel ang pangalan nito. Yun ang narinig ko na sabi ni Christine kanina. “Hi, Axel Villaflores pala.” Nakangiti na sabi ng lalaki sa akin paglingon ko dito. Manuti na lamg, napindot ko kaagad ang stop ng music kaya't narinig ko ang sinabi niya. “Rida Montelevano” Pakilala ko naman sa aking sarili. Mukhang mabait naman ang lalaki, masyadong mapaglaro lang ang ngiti sa labi. Kaya't nakakatakot, halatang mapaglaro din sa mga babae. “Pasensiya ka na ulit kanina huh? Ako na rin ang humihingi ng paumanhin in behalf of Drei.” Tumango lang ako at hindi na muling umimik pa. Dumating na din kasi ang professor namin. Hanggang sa matapos ang klase, naiilang pa rin ako. Pakiramdam ko kasi, may pares ng mga mata na nakatitig sa akin. “Hi gusto mo sumabay sa akin?.” Napalingon ako habang naglalakad patungo sa paradahan ng mga sasakyan. “No, may sundo ako. Salamat na lang.” Sagot ko sa lalaki na sumabay pa sa paghakbang ko. Kita ko ang bulungan sa paligid. Mga mata na masama ang tingin sa akin, halata ang inggit ng mga ito. Hindi ko alam kung gusto ba talaga ng lalaki na maging kaibigan ko o baka katulad sa ibang kwento, pinagpustahan lang ako. “Look, wala akong time makipaglokohan sayo okay? Kung nag pustahan lang kayo nila Drei para magustuhan ko, sorry nabenta na ang ganun na style. Isip ka ng ibang way para manalo sa pustahan.” Mataray na sabi ko sa lalaki sabay tukod ng isang daliri ko sa gilid ng aking salamin sa mata. “Grabe! Ang advance mo naman mag-isip. Nakikipagkaibigan lang ako, ang layo na ng narating mo.” Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa pagkakapahiya. “I'm sorry. Pero, mabuti na ang nag-iingat.” Masungit na sabi ko pa at mas binilisan ko na nga ang pag hakbang. Hanggang sa makarating ako sa sasakyan na sundo ko. “Gwapo ng bago mong kaibigan, Miss Rida.” Halata ang panunukso sa mukha at boses ni Manong driver. Inismiran ko ito dahil aware naman ako na hindi ako magugustuhan ng ganun ka gwapong lalaki. Lalo na sa itsura ko na mukhang nerd. "Maganda ka naman talaga Miss Rida, sadyang hindi ka lang mahilig mag-ayos. Pero mas maganda ka pa kay Miss K."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD