Maaga akong nagpa-hatid kay manong sa school. Masasabi ko na ang paaralan na ‘to ang safe haven ko, sa ngayon.
Kapag ganito lasing umaga, tahimik ang paaralan at tanging tunog lang ng mga dahil at kaluskos ng sanga ng mga punong kahoy ang maririnig mo sa pakigid, habang hinihipan ng hangin.
Ang sikat ng haring araw naman kapag malapit na mag eight in the morning ay gumising sa nilalamig kong katawan. Sakto ang init na ang sarap damhin kapag tumatama sa pisngi at bahagi ng aking katawan.
“Ang aga mo naman pumasok.”
Napalingon ako sa nagsalita. Si Axel pala! Tipid lang ako na ngumiti sa lalaki at muling ibinalik ko ang aking tingin sa malawak na field, kung saan may mga varsity na ngayon na nag-iinat ng kanilang katawan at naghahanda para sa pagtakbo na araw-araw nilang ginagawa, bilang ehersisyo.
“Sino ang pinapanood mo diyan? Hamak na mas gwapo naman ako sa mga lalaking ‘yan.”
Pagbibiro ni Axel na akala mo bata na nagseselos dahil hindi binigyan ng kendi.
“Wala, hindi ko naman sila mga kilala. Nandito lang ako dahil gusto ko lang ng katahimikan .”
Sagot ko sa lalaki na hindi na muling nagsalita pa. Hanggang sa nararamdaman ko na tumabi ito ng upo sa akin.
“Alam mo ba, ang yaya ko pinatay ng mom ko?.”
Nagulat ako at napaharap bigla sa lalaki. Umiwas ito ng tingin sa akin kaya't sa palagay ko, pareho kami na ayaw sa mga mata na ang tingin sa amin ay nakaka-awa.
“Naging kalaguyo ng daddy ko ang yaya ko. Hindi ko alam ang ibang detalye. Pero nakita mismo ng dalawang mata ko si mom ng hampasin niya ng flower base si yaya sa ulo. N–Nagkalat ang dugo sa sahig namin ng araw na ‘yon. Parang bangungot na paulit-ulit pumapasok sa isipan ko ang tagpong ‘yon. Hindi ko alam kung kaninong side ako papanig. Kung kay mom ba, na alam ko naman na noon pa man may attitude na o sa yaya ko na ramdam ko ang pagmamahal sa akin, magmula ng bata pa ako, pero sinira naman niya ang pamilya na meron sana ako.”
“That's why you're here?.”
Tumango si Axel sa akin at hindi na muli pang nagsalita.
“Pero alam ko na darating ang araw, kailangan ko harapin ang mga kinatatakutan ko. Kaya nga nagpapagamot ako dito sa siyudad, para kung sakali na mapunta ako sa sitwasyon na ‘yon, alam ko na ang gagawin. On-going ang pandinig ng kaso. Hindi ko lang nga kaya pa sa ngayon na magbigay ng detalye sa nakita ko ng araw na ‘yon.”
Mahabang katahimikan na naman ang namayani sa aming dalawa. Wala naman akong masabi na salita para gumaan ang pakiramdam niya. Sa palagay ko, sapat ng may nakikinig sa kanya para kahit papano, alam niyang may pwede siyang hingahan.
“Tara na?”
Tumango lang ako kay Axel na may malungkot na mukha, nag-aya na itong pumasok kami sa room. Malapit na kasi mag alas otso ng umaga.
Hanggang ang minsan namin na pag-uusap ni Axel ay naging mas madalas. Tuwing umaga, parang naging waiting area namin ang bench sa gilid ng field sa campus ng school.
Nagkapalagayan kami ng loob dalawa dahil sa madalas namin na pag-uusap. Masasabi ko na, mas maganda pala talaga na may pinagsasabihan ka ng mga bumabagabag sa isipan mo o kung ano ang pangarap mo sa hinaharap.
“Bukas na ang prom night, ibigay mo na lang sa akin ang address at number mo. Tatawagan na lang kita kapag malapit na ako sa inyo bukas. Susunduin kita at ipapa-alam sa parents mo.”
Seryoso na sabi ni Axel na para bang malungkot ito, hindi katulad ng mga nagdaan na araw. Naging malikot na din ang mga mata nito na akala mo ay mag tinataguan.”
“Okay, malapit lang naman ang bahay namin dito sa school. Siguro, dahil gabi naman tayo aalis, hindi aabot ng twenty minutes papubta dito.”
Tumango si Axel sa akin at nagpaalam na mauuna ng umuwi. Para itong balisa na haplos pa ang kanyang batok.
“Mukhang mabait naman ang kaibigan mo, Miss Rida. Bakit hindi mo anyayahan sa bahay, para mas makilala mo pa?.”
Mungkahi ng driver ko na tinanguan ko bilang pagsang-ayon. Alam ko naman na masaya ito ngayon na nakikitang may kaibigan na ako.
“Alam mo naman manong, sa bahay wala naman delikadesa si mommy. Mamaya magkalat pa ‘yon doon ‘e. Tapos nandoon si Axel, wala na. Baka mawalan ako ng nag-iisang kaibigan at mabaon sa labis na kahihiyan.”
Paliwanag ko sa matandang lalaki habang binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay. Minsan, hirap na din ako kung saan ko ba ilulugar ang sarili ko.
“Salamat po.”
Sabay labas ko sa sasakyan at diretso na ako sa sala. Naupo ako at pinikit ang aking mga mata, napangiti ako ng sumagi sa isipan ko si Axel. Kanina kasi sa canteen, hinawakan nito ang kamay ko. Inamin din niya na gusto niya ako. Nakakahiya na kaagad naman ang naging sagot ko na, gusto ko din siya.
Nagsabunutan ko ang aking sarili at napaupo ako sa sofa. Feeling ko ay napaka easy to get ko naman. Hindi man lang ako nagpa-kipot. Tapos nagpahalik pa ako sa labi kanina sa gilid ng girls comfort room. Dampi lang, pero nagbigay ng init sa aking buong katawan.
“Miss Rida, nandito na pala ang gown mo na gagamitin bukas. Pinadala na ni Ms. S, ako ang nag receive kanina. Sabi naman ng mommy mo ng makita ako, okay na daw lahat. May darating daw dito bukas na blooming team na mag-aayos sayo.”
Panira si yaya sa pag eemote ko. Alanganin na ngumiti ako at nagpasalamat sa matanda. Sabay akyat ko sa hagdan at pumasok na ako sa loob ng aking silid. Mabilis lang akong naligo at nahiga sa aking kama. Ang dami naming activity kanina at groupings, medyo sumakit ulo ko sa mga kaeskwela ko na wala namang ambag sa report na ginawa namin.
“Shhhhh! Wag kang maingay Kassadora. Baka mamaya may makarinig sa atin.”
Napayuko ako sa aking bintana na salamin, malakas kasi ang boses ni Rob. Ang doktor na kalaguyo ni mommy.
Napailing ako ng makita ang dalawa sa pader nakatayo. Si dok Rob, hawak ang isang hita ni mommy. Habang sa leeg ng lalaki naman nakapulupot ang dalawang braso ng aking ina. Tumingala pa ang lalaki habang binabayo si mom. Kumindat pa uto sa akin, kaya't mabilis na lumayo ako sa bintana at hinawi ang kurtina.