KAYE'S POV
Balak kong lumabas mamayang hapon dahil magkikita kami ng mga kaibigan ko noong Senior High School.
Marami kaming magkakaibigan pero tatlo lang kaming magkikita. Isang lalaki at dalawa kaming babae.
Nagsimula na akong mag-ayos ng mga dadalhin ko mamaya pag-alis ko.
Panyo, check.
Wallet, check.
I.D, check.
Always po akong may dalang I.D incase of emergency. Ang I.D ko ay sa wallet ko nakalagay, pero minsan tinatanggal ko sa wallet ko dahil may pinaggagamitan ako ng I.D, kaya kailangan laging i-double check kung nasa wallet ko ba ang I.D ko.
Tinanggal ko na sa charger yung cellphone ko at bumaba na ko.
Lumabas na ako ng bahay namin at sa kanto na ng street namin balak mag-antay ng tricycle.
Nasa kalahati na ako ng paglalakad nang may lumabas na isang babaeng buntis at isang familiar na lalaki sa isang bahay.
Nagulat ako nung lumingon yung lalaki at humawak sa braso nung lalaki yung babae.
Bakit ako nagulat? Si Jace. Si Jace yung lalaki.
Totoo nga yung balita na buntis na yung girlfriend nya.
Nung nalaman ko yung balita na yon, hindi ako agad naniwala kasi ilang beses ko nang nabalitaan na buntis daw sya ganito ganyan. Wala rin akong pakialam noong time na yon.
Pero ngayong nakita mismo ng dalawang mata ko, bumalik nanaman yung nangyari sakin noon.
Natawa nalang ako.
Buti pa sila, masaya na sa mga buhay nila samantalang ako? Eto sira ang buong pagkatao. Lugmok pa rin sa nakaraan ko.
May biglang pumasok na tanong sa isip ko...
Naaalala nya pa kaya yung nawalang anak nya sa akin??
Natawa ako... Bakit nya naman aalalahanin pa yon, eh hindi naman nabuhay yung anak namin.
Kinalimutan ko nalang na nakita ko sila ngayong araw para hindi masira yung mood ko.
-- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --
-- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --
Almost 10 pm na at kauuwi ko lang.
Haaaayyyy..... Balik lungkot nanaman ako ulit.
Nagkapagbihis na ako at nahiga na sa kama ko..
Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ng biglang pumasok sa isip ko yung nakita ko kanina pagka-alis ko..
"Jade, bantayan nyo ang mommy. Masaya na ang daddy nyo dahil may baby na rin sya sa ibang mommy. Sana naaalala nya pa rin kayo..." Sabi ko habang nakatingin sa mga glow in the dark sticker na nakadikit sa kisame ko.
Moon, sun at stars ang design ng stickers ko. Kaya moon at sun ang napili kong ilagay sa kisame ko kasi yung unang miscarriage ko, sya ang Moon ko. Yung pangalawa naman is yung Sun ko. Moon at Sun ko sila pero Jade ang tawag ko sa kanila. Jade, sumunod sa pangalan ng tatay nila, Jace. Jade, pwede syang pang-boy, pwede ring pang-girl. Since hindi ko naman alam kung anong gender nila, Jade nalang para pwede both gender.
Tumulo nanaman yung luha ko nung naalala ko yung time na nalaman na ni Jace yung nangyari sa akin at sa anak nya.
***** F L A S H B A C K *****
Father's Day
Father's Day na ngayon... At 2am palang.
It means, puyat nanaman ako.
*ting!*
Jace: Happy Father's Day kay Papa mo!
Hmm... Akala ko ba naman kung ano.
Okay na po kami ni Jace. Okay na po lahat. Wala ng galit, wala ng sisihan.
Kaye: Happy Father's Day din kay Papa mo!
Kaye: Kung hindi lang sana nangyari yon edi sana tatay ka na rin ngayon.
Shit! Na-send!!
Unsent! Unsent! Unsent!!
Daliiii!!! Puteeekkk!!! Ang tagal mag-loading!!!! Ang tagal ma-unsent!!!
Napakawalanghiya naman talaga oh!!
*Message Unsent*
Woosshh!! Buti nalang mabagal magseen.
Jace: Ay may pag-unsent. Ano yon?
Kaye: Wala yon.
Jace: Ano nga? Kung hindi lang sana yung nabasa ko eh.
Patay na!
Kaye: Wrong sent lang
Jace: Weh? Wrong sent??
Kaye: Oo. Mali ng send
Jace: Hindi ako naniniwala. Never ka pa na-wrong sent.
Jace: Sabihin mo na.
Ilang beses nya pa akong pinilit para lang sabihin ko kung ano yung in-unsent ko. At napagdesisyunan kong sabihin nalang dahil may karapatan syang malaman yon.
Kaye: Sasabihin ko, pero wag kang magagalit. Antayin mo din explanation ko.
Jace: Ano ba yon?
Kaye: Promise mo muna na hindi ka magagalit.
Jace: Depende. Sabihin mo na.
Kaye: Kung hindi sana nangyari yon, tatay ka na rin sana ngayon.
Sinend ko yun habang kinakabahan.....
Shit! Ang tagal mag-reply! Kinakabahan ako!!
Tiningnan ko yung message at nakita kong na-seen na nya. Pinindot ko yung huling message ko at nakita kong kanina nya pa na-seen pagka-send ko.
Jace: Ano? Nabuntis ka? Bakit hindi mo sinabi?
Kaye: Hindi ko muna sinabi sayo noong una. Balak ko na ring sabihin sayo nung isang buwan na akong buntis pero hindi kita ma-contact.
Kaye: Hindi ko alam kung pano kita mako-contact. Ni hindi kita matiyempuhang lumabas. Hindi ko ma-contact yung number mo. Naka-block din ako sa messenger mo.
Jace: Bakit hindi ka naghanap pa ng ibang paraan para ma-contact mo ko? Kaye, anak ko yon!
Kaye: Anak ko rin yon! Kanino ako lalapit para ma-contact ka? Sa mga kaibigan mong may pagka-sinungaling? Sa kapatid mong hindi alam kung nasaan ka kapag wala ka sainyo dahil lagi mong kasama yung mga kaibigan mo? Sige, sabihin mo kung pano. Kung noon, nagagawa ko yon para lang kausapin mo ko dahil blinock mo ko, pwes nung time na buntis ako, hindi ko yun magawa dahil hindi ko alam kung sinong kakausapin ko at kung anong gagawin ko! Kahit mismong pamilya ko walang kaalam alam sa pinagdaanan ko Jace.
Kaye: Nakunan ako noong dalawang buwan na yung tiyan ko. Alam mo kung bakit? Dahil sa sobrang stress. Hindi ko ginustong makunan ako Jace. Kaya kong buhayin yung anak natin ng ako lang mag-isa. May ipon ako Jace. Sapat na yung ipon na yon hanggang makapanganak ako. Alam mo kung saan napunta yung ipon na yon? Sa surgery matapos akong makunan.
Jace: Kung sinabi mo sa akin kahit na sana nung nakunan ka, edi sana natulungan kita.
Kaye: Natulungan? Sa tingin mo ba tutulungan mo lang ako? Oo tutulungan mo ko, pero ako ang sisisihin mo kung bakit nawala yung anak natin.
Kaye: Wala akong masabihan at taong masasandalan nung panahong nakunan ako. Kaya wag mo akong sisihin na parang wala lang sakin ang lahat.
Jace: Kelan mo nalamang buntis ka?
Kaye: Bago tayo maghiwalay, alam ko ng buntis ako. Hindi ko lang sinabi agad sayo dahil nagkakalabuan na tayo. 1 month na yung tiyan ko nung naghiwalay tayo.
After kong i-explain sa kanya lahat ng nangyari, in-unfriend nya na ako sa f*******: at deleted na yung conversation namin.
Hindi ko na sinabi sa kanya yung unang miscarriage ko dahil ayaw kong sisihin nya yung sarili nya at sisihin nya ako. Tama nang isa lang ang alam nya.
Hindi ko namang ginustong mawala yung anak natin Jace... Walang may gusto non... Kahit na sabihin mo pang galit ako sayo Jace, hinding-hindi ko yon magagawa sa anak natin. Hindi pa lang siguro tama ang panahon nung binigay sya sa atin.
***** E N D O F F L A S H B A C K *****
*****