CHAPTER ONE

1153 Words
"Kaye, bumaba ka na jan, kakain na." sabi ng kung sino mang tao sa labas ng kwarto ko. Ilang araw na akong walang matinong kain at walang maayos na tulog. Hindi ako madalas lumabas. Gusto ko lagi lang madilim. Habang tumatagal, nagiging sensitive ako sa liwanag pagdating sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako madalas nakikipag-usap katulad noon. Madami nang nagbago simula ng mangyari yon. "Kaye, baba na. Kahapon ka pa hindi kumakain. Tanghaling tapat na." si Mama ata 'to. Ako si Kaye Salvador. 22 years old. 2nd year college.  Kinuha ko yung cellphone ko sa side table ko para i-check kung may message ba o ano.                                                 ** ** ** *1 New Message* "Kaye, may extra money ka ba jan? Pwede bang pahiram muna ako ng ****, need ko lang. Bukas pa ibibigay ni Mama yung allowance ko eh. Please?? Loveyou!! Mwah!"                                                  ** ** ** Seriously?? Ngayon ka na nga lang nag-chat sakin, tapos manghihiram ka lang ng pera?? Psh. *scroll* *scroll* Ni wala man lang nag-message sakin kung kamusta na ba ako. Kung buhay pa ba ako.  Haaayyy.  Bumangon na ako at dumiretso ng cr. Humarap ako sa salamin. Tinitigan ko yung sarili ko. Nakakapanibago... Ibang tao na ang nakikita ko ngayon. Wala na ang masayahing Kaye... Isang babaeng maitim ang ilalim ng mata, maputla, payat, ayon ang nakikita ko ngayon sa salaming kaharap ko.  Ibang-iba sa Kaye noon na masiyahin, laging nakangiti, malusog, maganda... Tumulo bigla yung luha ko.. Naaawa ako sa sarili ko.. Pero wala akong magawa.. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.. Hindi ko makalimutan yung nangyari noon na nagdala sakin sa sitwasyong ito. Gusto kong bumalik sa dati.. Pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong magsimula ulit.. Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam. . . . Napaupo ako sa sahig habang humihikbi. Naalala ko nanaman lahat.. Lahat-lahat.                              ***** F L A S H B A C K ***** Pauwi palang ako galing school. 10 pm na. 9pm ang last class namin. Naglalakad lang ako pauwi mula sa kanto papunta sa bahay namin.  Hindi na ako nag-abala pa na sumakay ng tricycle. Hindi naman delikado sa lugar namin lalo na't kilala naman ako dito. Mas gusto ko nalang maglakad para pag-uwi ko, makakapagpahinga ako agad. Nakasuot ako ng facemask dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko pa ngang dalhin kaninang umaga yung hoodie ko. Nakalimutan kong gagabihin pala ako. Mabagal lang yung lakad ko dahil naghihina ako. Nanghihina ako pero mas pinili ko pa ring maglakad. Last week pa ako nakakaramdam ng ganito.  Nahihilo rin ako.. Hindi naman ako nagugutom. Actually, wala nga akong gana kumain eh. Gusto lang mahiga at matulog.  Kaso hindi pwede dahil nag-aaral ako. Stress din sa school dahil sobrang daming ginagawa. Alam nyo ba kung bakit hindi maganda yung pakiramdam ko?  Hindi dahil sa may sakit ako, kundi dahil.... . . . . . . . ... buntis ako. Oo, buntis ako.  Dalawang buwan na. Buntis ako sa edad na 22.  Buntis ako kahit na nag-aaral pa ako. Hindi ako nahihiya na buntis ako kahit na nag-aaral pa ako. Kahit na maliit pa yung tiyan ko, kaya ko pa rin mag-aral, pero kahit pa lumaki na yung tiyan ko, magtutuloy pa rin ako sa pag-aaral. Hindi ko 'to ikakahiya. Bakit ako mahihiya, eh ginusto ko 'to?  Okay lang naman sakin na magka-anak ako sa ganitong edad. Nasa plano na rin naman na namin ni Jace 'to.  Si Jace, ang ama ng batang dinadala ko. Boyfriend ko ba sya? Hindi na.  Galing noh? Kung kailan buntis ako, saka pa kami naghiwalay. Reason? Time and understanding.  Hindi na kami nagkakaintindihan. Wala ng oras para sa isa't-isa lalo na't nag-aaral ako. Hindi na rin kami madalas na nagsasama kahit na magkalapit lang ang bahay namin. Binabaliwala nya nalang ako.  Pareho kaming may kasalanan kung bakit nag-end ang relationship namin. Hindi kami matapang, hindi rin kami matibay. Nung naghiwalay kami, alam kong buntis ako. Pero hindi ko pa sinabi sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, ayoko na. Pagod na ako.  Pagod naman na talaga ako sa relasyon namin, pero kaya ko namang magpahinga kahit na hindi kami maghiwalay. Hindi ko alam kung dala ba ng pagbubuntis ko kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. After naming maghiwalay, days after, nakikipagbalikan sya sa akin, pero hindi ako pumayag. Nakakaramdam na ako ng morning sickness and other pregnancy symptoms noong time na nakikipagbalikan sya sa akin.  July 14, 2019, naghiwalay kami ni Jace, officially. Nung nakikipagbalikan sya sakin, nag-try ako magtrabaho kahit na isang buwan mahigit na akong buntis. Nagtrabaho ako sa isang fast food kung saan ako nag-resign nung na-absorb ako nung OJT. Hindi alam ng boss ko yung sitwasyon ko. Walang nakakaalam kahit na sino. Ako lang. Pinilit kong magtrabaho para kahit papano, may pangpa-check up ako para sa baby ko. Pero hindi rin nagtagal, nag-resign din ako dahil sumobra sobra na ang pagka-busy namin sa school. Kaya ang pag-asa ko? Ang allowance ko na binibigay sa akin ng magulang ko.  Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi muna ako nagpalit. Gusto ko lang muna umidlip.  Pinikit ko na muna yung mata ko at huminga ng malalim habang hinahaplos ang tiyan ko. "Jan ka muna baby ha? Iidlip lang si mommy. *smile*"                  -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --  Nagising ako sa pagkakaidlip ko dahil sumasakit ang tiyan ko. Hindi dahil sa gutom, hindi ko alam ang dahilan.  Sobrang sakit.  Umabot na rin sa puson at balakang ko ang p*******t na nararamdaman ko.  Pinilit kong kumuha ng tubig at uminom.  Pagkabalik ko ng baso sa side table ko, tumagilid ako ng higa at napatingin sa pinagpuwestuhan ko kanina noong umidlip ako.. Nakakita ako ng dugo.... May dugo yung higaan ko...... Pinilit kong hubarin ang shorts at underwear ko... Nakita ko ang buong dugo sa underwear ko.. Hinawakan ko yung dugo at bigla nalang tumulo yung luha ko... Napahagulgol nalang ako at napaluhod sa harap ng higaan ko.... Bakit ngayon pa nangyari 'to?? Kung kelan 3 days mula ngayon, walang ibang tao sa bahay kundi ako lang. Bakit ngayon pa?? Hindi ko kinakaya yung nakikita ko... Nanginginig ako... Sinubukan kong abutin ang cellphone ko sa bandang gitna ng higaan ko para tawagan si Kaye, ang bestfriend ko.  Sinubukan kong abutin pero hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay...                         ***** E N D  O F  F L A S H B A C K *****  Humahagulgol ako habang naliligo... Ayun ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.. Sobrang sinisisi ko yung sarili ko sa pagkawala ng baby ko. Kahit dalawang taon na ang nakakalipas, sinisisi ko pa rin yung sarili ko. Walang ibang dapat sisihin kundi sarili ko lang.         ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD